Cassandra Cassinie
Pag katapos ng nangyare kanina hindi na naging normal ang araw ko, dahil katulad ngayon katabi ko ang dalawang 'weirdo' na to.
"Cassinie tingnan mo nga kung tama tong ginawa ko." Inabot ni Rellaine yung dinrowing niya sa sa illustration board habang tong si Arlyzed naman ay nag susulat ng paliwanag about sa drawing ni Rellaine. At ako? Eto taga mando sa mga dapat nilang gawin.
Hindi ko nga akalain na hindi man lang nila ako hahayaang mag drawing or mag kulay man lang. Tinanong lamang nila yung mga dapat gawin pero gusto ko paring magdrawing hays. Alam ko naman na hindi maganda yung mga drawings ko pero pwede ko naman subukan hanggang sa matutunan ko.
"Oo pwede na yan, maayos." Ang galing mag drawing ni Rellaine, saktong sakto yung mga colors, parang nakaprint na picture yung drawing niya. Nakakamangha.
"Pwede na yan? Maayos? Salamat ha? Ang ganda ganda ng papuri mo." Pabirong sabi niya sabay tapik pa sa balikat ko pero hindi ko man lang siya sinagot at tiningnan ko lamang siya.
"Cassieby tingnan mo nga tong ginawa kong paliwanag, check mo kung ayos na, pero kung may mali man, wag kang mag alala dahil hindi ako mapapagod na ayusin lahat isa isa maitama ko lang ang pagkakamali ko nong nauna."
"Pwede bang makialis yang braso mo sa balikat ko, at lumayo ka nga sakin!"
Inis kong kinuha yung papel na hawak niya at tiningnan siya ng masama.
Tsk. Mag sasalita lang kailangang umakbay at lumapit ng sobrang lapit?! Kairita lang. Hindi ako sanay sa ganito.Naging kagrupo ko kasi sila sa isang group activity namin sa Philosophy, bilangan at sa kaswerte swerte ba naman natapat sila sakin.
"Oh easy, wag kang masyadong pikon baka mamaya mainlove ka sakin. "
Asa.
Hindi ko na siya sinagot at tumayo na lamang. Magsolo nalang kaya ako? Ayos lang kahit mukang pang elementary yung drawing ko.
"Hey nag bibiro lang ako, balik kana dito, mag practice tayo kung paano natin ipre-present to mamaya." Hinatak niya ko pabalik sa pwesto namin. Kung hindi lang talaga ako marunong mag-drawing iniwan ko na ang mga to e. Kaso hindi ako marunong kaya tiis nalang.
"Okay ganito, ako ang mauunang magsasalita, ipapakilala ko kayong dalawa tapos ipre-present niyo yung drawing, bali si Arlyzed yung magiging model, tapos ikaw yung magpapaliwanag Cassinie."
Mahabang paliwanag ni Rellaine, at tumango lamang ako at binasa na yung explanation na ginawa ni Arlyzed.
Matalino din pala tong ugok na to. Maganda yung ginawa niyang paliwanag, naisipan kasi namin na gamitin ang larawan ng mga kabataan na naliligaw ng landas, mga kababaihan na maagang nabuntis, mga kabataan na nasa lansangan at walang mga magulang.
Ilang minuto lamang, nagsimula na ang presentation ng bawat grupo, pangapat kaming magpre-present kaya pumunta kami sa bandang harapan. Walang ganang pinanuod ko ang mga naunang grupo at hindi ko namalayan na kami na pala kaya tumayo na kami at naghanda na.
"Okay now let's see your presentation Group 4." Paninimula ng teacher namin sa Philosophy, si Ma'am Ellena, mabait siya pero wag mong sasagadin ang pasensya dahil magiging dragon siya.
"Good Morning everyone! We are Group 4, and we are going to present "Ang Kabataan Ngayon" My group members are Arlyzed and Cassinie."
BINABASA MO ANG
She Knows
غموض / إثارة"Ang tiwala at salamin ay parang iisa, kapag nasira mahirap ng maibalik pa. At kung maibabalik man, paniguradong may lamat na." -Tiwala? Yan ang dahilan ng pag kakasira. -Isang ordinaryong babae lamang si Cassandra Cassinie Celliavilla, isang ba...