Chapter 01

7 1 0
                                    

"Sha, I'm sorry. Let's end this." Pakiusap ng isang lalaki.

"No, no, no. No Raf, please don't say that." Pagmamakaawa ng isang babae.

"I'm sorry, Sha. Goodbye."

"Rafael! Please, I beg you to stay. Please, stay Raf. Hindi ko kakayanin Raf!" Hagulgol nung babae.

"Tsk, no I won't stay Sha. My decision was already final."

"Raf, wag namang ganyan. Kahit na puro ka kalokohan, tatanggapin ko. Raf naman, wag ganito.." Napapaos nyang sabi.

"P*ta. Bahala ka dyan!" Ani lalaki sabay walkout.

"Rafael.." Hagulgol ng babae.

"Miss, tissue?" Alok ng isang lalaki.

"Di ko kailangan nyan!" Sigaw nito.

"Eh? Tignan mo nga yang mukha mo oh? Basang basa na. Magpunas ka, miss."

"Kuya, panget ba ako?" Tanong nya sakin habang nagpupunas.

"H-ha? Hindi ah! A-ang ganda ganda mo nga eh!"

"T-talaga? Eh bakit nya ako iniwan?" Humagulgol na naman nya.

"Eh? Malay mo may mga dahilan sya? Wag mo nalang isipin yun."

"Kuya, ayoko na. Ayoko na mabuhay." Hagulgol nya.

"O-oy! Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Masama yan, uy! Dapat pahalagahan mo yung buhay mo! Maraming nagmamahal sayo! Yung magulang mo, kapatid, kaibigan! Wag mong tapusin ang buhay mo ng dahil lang sa walang kwentang lalaki na iniwan ka! Ipakita mo sa kanyang matatag ka! Na kaya mong mabuhay ng wala sya. Para magsisi sya na iniwan ka nya."

"Eh kasi naman eh." Pagmamaktol nya.

"Tama na ang kakaiyak, okay?" Tumango sya bilang sagot.

"Good. Ako nga pala si Drake." Pagpapakilala nito.

"Ah."

"Ikaw? Anong pangalan mo, miss?"

"Ah, Sha--" Hindi pa nya natatapos ang sasabihin Ay bumulagta na ito sa sahig.

"Hala, miss! Miss, gising!" Yugyog ng lalaki.

BEEP! BEEP!

"Anak, tara na! Ilang oras nalang flight na natin. Kaya kailangan nating umalis." Ani ng Ina nito.

"Pero ma, yung babae oh! Nahimatay, ma!"

"Wala ng oras, Drake! Kailangan na nating umalis. Panigurado namang may makakakita dyan sa babaeng yan, dyan. Tara na." Sabay hila nito sa binata at pinaandar ang sasakyan.

Nagising ako galing sa isang panaginip. Hindi ko talaga makalimutan ang araw na yon. Ang araw na nakasama at iniwan ko ang babaeng yon. Nasaan na kaya sya? Hinding hindi ko makalimutan yung itsura nya. Malaanghel.

"Nak, baba na. Andyan na yung mga kabarkada mo sa labas." Ani mama.

"Sige po. Pababa na ho ako."

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kaagad na akong bumaba.

"Good morning ma, ate." Bati ko.

"Good morning pre!" Sigaw sakin ng mga kabarkada ko.

"Tss. Morning. Sige na, labas na. Ma, una na po kami." Sabay beso ko kay mama.

"Ha? Hindi kayo mag aalmusal dito?" Nagtatakang tanong ni mama. Nakasanayan nya na kasing dito laging nag aalmusal ang barkada.

"Hindi na, ma. Sige na po, una na kami. Bye ate!" Paalam ko sa kanila.

"Ingat, Drake." Bilin ni ate Drea.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Nate.

"Pre, balita ko may transferee daw ngayong year ah!" Lingon ni Nate samin na kasalukuyang nagmamaneho.

"Ay oo nga! Balita ko pa nga, maganda daw." Sabi naman ni Angelo.

"Ang kaso mga pre, hindi natin kaklase. Pakshet pre, sayang!" Reklamo ni Jacob.

"Aga aga, chicks kaagad nasa utak nyo!" Natatawang sabi ko.

"Eh kasi naman ikaw, andaming nagkakandarapa sayo. Pero masyado kang loyal dun sa babaeng iyakin na hindi mo naman alam ang pangalan!" Halakhak ni Mark.

"Hoy, hoy, hoy! Atleast loyal ako no." Depensa ko.

"Loyal kanino? Eh hindi mo nga alam pangalan nun eh!" Pangaasar ni Angelo.

"Wag nyo kasi akong itulad sa inyo! Mga fuckboy kasi kayo!" Halakhak ko.

"Mawalang galang, magsibaba na kayo! Nasa parking na tayo ng resto oh?" Natatawang sambit ni Nate. At nagtawanan naman kami.

Napagdesisyonan kasi namin na maggala dahil papalapit na naman ang pasukan, magiging busy na kami lalo na at graduating kaming lahat.

"So anong balak nyo after graduation?" Tanong ni Jacob.

"Baka umuwi sa manila? Di pa sure kung doon ako magaaral" Sagot ko.

"Wow maynila!" Tawa ni Nate.

"Baliw! Kayo ba? Anong plano nyo?"

"Dito lang siguro." Halakhak ni Angelo.

Dumating ang waiter. At kinuha ang order namin. I scanned their menu.

"What's your order sir?"

"Anong gusto nyo guys?" Tanong ni Mark.

"Pizza and carbonara nalang par." Ani Nate.

"Oo sige. Hm, a large hawaiian pizza and 5 plates of creamy carbonara miss." Sabay angat ng tingin ko sa kanya.

She's like a goddess. But why she seem so familiar to me?

"That's all sir?"

"Hm yeah."

She smiled with that.

"Just wait for a minute and I'll serve your orders sir." She smiled and walked away.

Ugh, she is familiar to me. I don't know when and where I've met her, but she's really familiar.

But yeah, she's really really pretty.

Searching Miss UnknownWhere stories live. Discover now