Chapter 02

2 0 0
                                    

It's been a week but still I can't forget the smile of that girl. The beautiful waiter in the resto. Holding my pencil, I draw every detail of her symmetrical face. I smiled when I finished. Her chinky eyes, pointed nose, red pouty lips, she's really beautiful.

Nagulat ako ng may umakbay sakin.

"Uy kuya sino to?" Inosenteng tanong ni Dyanne, bunsong kapatid ko.

"W-wala! Pwede ba dyanne, kumatok ka muna bago pumasok sa kwarto ko!" Inis kong sabi sabay kuha nung drawing ko.

Hinablot nya ulit yun, at tumakbo papalabas. Nakng!

"Kuya Dylaaaaan! Tignan mo may ginawa si kuyang drawing ng isang babae!" Sigaw ni Dyanne sa baba.

Nagmamadali ko syang hinabol sa hagdan.

"Dyanne! Akin na nga yan!"

"Ops, ops! Anong gulo to?" Si kuya Dylan.

"Tignan mo kuya oh! May drinawing si kuya Drake na babae! Kilala mo ba to kuya?" Tanong ni Dyanne kay kuya. Nakng. Bwisit talaga tong batang to.

"Hm, patingin nga!"

"Akin na nga yan, di nyo yan kilala." Malamig na sabi ko.

"Nako Drake, sino ba to?" Pangaasar ni kuya.

"Wala kuya! Akin na yan!" Pag agaw ko dun sa drawing ko.

"Uy si kuya may crush!" Pangaasar ni Dyanne. Nakakainis na to ah.

"Akin na yan sabi!" Naiinis kong sabi sabay hablot sa papel pero hinila din iyon ni Dyanne.

"Kuya naman, patingin lang eh!" Sabay hila nya ulit.

"Ano ba dyanne!" At hinablot ko ulit.

"Ibigay mo na sa kuya, bunso." Ani kuya.

"Patingin lang naman eh!" Hinila nya ulit at sa pagkakataong ito ay napunit ang iginuhit ko.

"Shit." Si kuya. Agad akong umalis sa sala at pumanik sa kwarto.

Padabog kong isinara ang aking kwarto. Nakakainis. Nakakabwisit. Pinaghirapan ko yun eh! Uulit na naman ako? Hays.

"Kuyaaa?" Tawag ni dyanne sakin mula sa labas.

"Ano?"

"Kuyaaa, sorry naaa!"

"Umalis ka na dyan."

"Kuyaaa! Di ko naman sadya eh. Kuya kasi naman ikaw tinitignan ko lang naman tapos hinila mo  sakin masama bang tignan yung gawa mo nagagandahan lang naman ako e--"

"Utang na loob dyanne, oo na manahimik ka lang."

"Kuyaaa! Kuya naman eh!" Di ako sumagot. Naiinis pa rin kasi ako hanggang ngayon!

"Kuya naman eh"

"Kuyaaa" Ramdam kong paiyak na sya kaya binuksan ko na ang pinto. Hay kung di ko lang mahal to eh.

"Oo na, okay na. Wag mo lang uulitin yun."

"Bati na tayo kuyaaa?" Masaya na ang tinig nya.

"Opo."

"Promiseee?"

"Yes baby, ngayon wag ka na makulit okay?"

"Yes kuyaaaaa!" Sabay yakap nya sakin.

Napakalambing talaga neto. Lalo na pag may nagawa kasalanan. Hay, kung di ko lang mahal to eh. Pero naiinis pa rin ako. Sayang din kaya yun.

-
A./N.: Ang tagal ko palang di nagupdate? Ang ikli diba? Kasing ikli ng relasyon nyo charot HAHA. When writer's block attacks wiwuwiwu HAHAHA

Searching Miss UnknownWhere stories live. Discover now