Chapter 4: Friends?

3 0 0
                                    

 Chapter 4

 Back to reality. Nasa hotel na ako ngayon dahil may trabaho na ulit. Maaga akong nakarating sa hotel at hindi ko pa natatanaw ang pagmumukha ni Emerald.

"Good Morning sa inyo!" Speaking of Emerald. Ang aga-aga ang bunganga parang mega phone.

"Hyper?" Tumigil siya sa harap ko at nakangiti ng malapad.

"Ikaw ha. Gella may hindi ka talaga sinasabi sa akin parang wala tayong pinagdaanan." What the hell is she saying?

"What?" Ano nga ba ang hindi ko sinasabi sa kanya? Hinila niya ako papuntang cr.

"Ikaw Gella ang haba talaga ng hair mo. Ba't di mo sinabi na may kadate ka." What? Date?

"Ha? Ano ba ang sinasabi mo Emerald. I have no time for dates." Hindi ko talaga alam ang tinutukoy niya.

"May nakakita sa iyo kahapon na may kasama kang yummylicious men." What the-? Si Jarus ang kasama ko kahapon.

"Si Jarus? We're not dating FYI. " Ridiculous. Napagkamalan pa kaming nag dedate.

"Jarus? Sino nga siya? OMG! Yung kapatid ni Mr. Alvero. OMG Gella ikaw na talaga im  jelly na sa'yo. Pogi kaya ng Jarus na yun." Ang aga aga nambwi-bwiset na.

"Whatever Emerald. Like what I said hindi kami nagde-date. Period. Kaya mag trabaho na tayo." Maayos naman ang trabaho namin ni Emerald pero hindi pa rin niya ako tina-tantanan at kinukulit pa rin ako sa date na yun.

"Eh, bakit ayaw mong aminin Gella. Denial ka pa eh." See? Naiinis na talaga ako sa kanya kasi paulit-ulit na lang.

"Ano ba Emerald? Kanina ka pa. Would you shut up?" Kanina pa kasi eh ayaw tumigil.

"Okay, relax shut up na ako." Sinunod naman niya ang sinabi ko,so,good. Pinatuloy niya ang ginagawa niya at hindi na umingay.

"Chef Gella may event ka na paglulutuan." Napatingin ako sa nag salita. Si Chef Lenard.

"What event po Chef?" Another blessing na naman. I should consider myself lucky na ba?

"May doctors seminar sa function hall 2 and may nag request na ikaw daw ang magluluto para sa kanila."  What? Who could that be?

An Untold Story (Ongoing)Where stories live. Discover now