Chapter 5
"Sure, let's be friends " Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga salita na 'yan. Wala namang masama if I'll open myself to other people diba? But of course with limitations.
Nakabalik na ako sa kusina at si Jarus naman umalis na dahil tapos na ang seminar nila. Pagka balik ko sa kusina si Emerald na-iintriga.
"Omg Gella! Real na real na ba talaga 'yan? Kwento mo naman sa magandang bestie mo." Hindi naman halata na sobrang excited siya. Parang bata na naghihintay na bibigyan ng kendi.
" Tinanong niya lang ako if pwede daw ba kami maging friends and I said yes. " Biglang lumungkot ang mukha ni Emerald.
"Akala ko manliligaw na sa'yo pero type ka talaga ng Jarus na 'yon.Ganda naman ng bestie ko." Ewan ko lang talaga kay Emerald tinanong lang ako ni Jarus kung pwede bang makipagkaibigan kung anu-ano na ang pumapasok sa utak.
Biglang tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung ano.
"Thank you,Chef Gella <3" Si Jarus. Hiningi niya phone number ko kanina and binigay ko naman sa kanya. Wala namang masama diba?
"Omygash Gella! Kinikilig ako." Ano nakakakilig doon? Wala naman.
"Whatever,Emerald. Thank you lang 'yon. No big deal." Hindi ko na siya nireplyan at tinago na ang phone ko sa bulsa ko.
"Haba talaga ng hair mo Gella! Nakabingwit ka ng napakagandang isda sa dagat. "Hindi ko na pinansin si Emerald at tumungo na ako sa locker para kunin ang mga gamit ko para umuwi na.
Alas-5 na ng hapon at naisipan kong pumunta sa Baywalk Park ng Puerto Prinsesa. One of my go-to place kung gusto ko mapag-isa.
Umupo ako sa isang bench habang nakatanaw sa dagat.The water calms me. It is my comfort. Napaka peaceful kapag ako lang at ang dagat ang magkasama.
"Napakaganda." Napatingin ako sa nagsalita. Si Doctor Jace Alvero. Nakatanaw rin siya sa dagat.
" One of the beautiful thing in the world is the ocean. So plain in above but little did we know there are still many undiscovered things that we can be able to see if we go under it." Ang deep naman ng sinabi ni Doctor. Matalino siguro talaga 'to.
" Forgive my brother if he is being nosy to you. He is always like that if he likes a girl." Likes a girl? So, he likes me? Pinaglalaruan lang ako n'on eh.
" Hey Chef! " Speaking of the devil. Ngumiti ako sa kanya ng konti.
" I gotta go. I'll leave you two here." Umalis na si Doctor Alvero at iniwan kami ni Jarus dito.
" Thank you again about earlier. You made my heart flutter,chef. " This feeling is new to me after how many years. Nagka-boyfriend rin ako dati pero hindi nag work. Kaya almost 5 years na akong single and I never talked any guy after my last break up. Dinamdam ko talaga 'yon. He cheated with one of my closest workmate before sa isang restaurant rin. Naging trauma siya sakin kaya I decided to shut my doors sa mga lalaki but I don't know ngayon. There's nothing wrong in facing my fears,right?
YOU ARE READING
An Untold Story (Ongoing)
RomanceUnforgettable past they had Memories wherein they're trapped Playful destiny Two people met again coincidentally Stories that are untold, Secrets that will unfold, Of two different people Would their worlds will fall? Or will they never find lover...