Chapter 1
"Ella! Ella! Comeback here!" .Habang tumatakbo,tumutulo ang mga luha sa aking mga mata at hindi magawang lumingon sa kung sino man ang tumatawag sa akin.
"Another bad dream." Nagising naman muli ako sa isang masamang panaginip na pinipilit kong kalimutan pero palagi pa rin itong bumabalik.
Tiningnan ko ang oras at tamang tama lang ang gising ko. Bumangon na ako at inayos ang aking higaan. Hinanda ko na ang aking umagahan at ginawa ang aking morning routine.
Alas-7 na ng umaga at umalis na ako papuntang trabaho. Isa akong chef sa Jade Hotel dito sa Palawan na kung saan naging Head Chef ang akin ina. Unfortunately, wala na si mama. She died last year kaya 'eto ako ang nagpatuloy ng kanyang trabaho ngunit hindi ako ang head chef.
"Good Morning Chef Gella!" Pagkarating ko sa kusina ng hotel ang mga salitang iyon ang bumungad sa akin.
"Good morning." Sinabi ko iyon sa mga bumati sa akin at pumunta agad ng cr para mag ayos ng buhok at damit. At nadatnan ko ang isang babae na puno ng pulbo ang mukha. Nakita niya ako at tiningnan siya ng masama.
" Gella,bad mood ka na naman. Ay palagi ka naman palang ganyan." Sabi ni Emerald sabay tawa. Si Emerald ang malapit kong kaibigan dito sa Palawan. Isa rin siyang Chef dito sa restaurant.
"Kurutin kaya kita diyan eme." Sabi ko sa kanya sabay irap.
"Yelo ka na nga brutal pa. Walang may magkakagusto sa'yo Gella kung ganyan ka." Siyempre tinawanan niya naman ako ulit. Iniwan ko siyang mag-isa sa cr at tumungo na sa mga trabahong nakahintay.
"Hoy Gella nang iiwan ka na naman." Hindi ko na lang pinansin si Emerald at ginawa ko na ang trabaho ko.
"Chef Gella! Bago ko pa makalimutan." Si Head Chef Lenard. Ano naman kaya 'tong sasabihin niya sa akin?
"May conference mamaya ang Seaside College ,12pm to 4pm.So, lunch and snacks ang lulutuin 50 teachers mamaya ang pupunta." Hay nako. Ngayon lang sinabi na mamaya na ang conference.
"Bakit ngayon mo lang sinabi,Chef? Nako naman. Ano daw ang lulutuin? " Ang aga aga naste-stress na ako.
"Sorry na po,madam Gella. Kanina lang sinabi sa akin. 'wag na masungit pumapangit ka. At ang lulutuin ay Chicken fillet ala king special, blue berry cheese cake and carbonara de filipino. Nakabili na rin ng mga ingredients kaya magluluto na lang tayo." Tuwang-tuwa talaga si Chef Lenard kung naiinis ako. Mabuti mabait 'to ang Head Chef na pumalit kay mama. Naging malapit siya sa amin ni Eme at parang naging tatay-tatayan siya namin.
Alas-8 na ng umaga kaya nag handa na kami ni Emerald at ibang mga chef. Marami-rami rin ang lulutuin namin kaya nagsimula na kami agad.
"All set na Gella I'm so excited na." Naluto na namin ang chicken fillet ala king special at tapos na rin ang blue berry cheese cake. Nagsisimula na rin ang conference at naluto na rin ang lahat na pagkain.
"I'm scared Gella. Magugustuhan kaya ng mga bisita ang luto natin?" A worrier. Dapat you should always think positively. I know everything went well sa mga niluto namin.
" Siyempre. " One word is enough dahil kung mahaba pa ang sasabihin ko puputak na naman ang bunganga niya.
Naghintay kami ni Emerald na matapos ang conference habang chinicheck ang mga pagkain.
Nang matapos ang conference bumungad sa amin ang isang matangkad na lalaki na naka white coat.
" Hello. I'm the head of the conference. I'm Mr.----------"
------
Please do support this story and don't forget to vote and write a comment. Thank you very much!
YOU ARE READING
An Untold Story (Ongoing)
RomantizmUnforgettable past they had Memories wherein they're trapped Playful destiny Two people met again coincidentally Stories that are untold, Secrets that will unfold, Of two different people Would their worlds will fall? Or will they never find lover...