Nagpaulit ulit lang kami sa pagsasayaw para sa aming girl scout presentation ngayong Martes.
"Okay from the start tayo, go go guys,bilis" utos ng aming chief girl scout na si Elgen
At yun nga nagpaulit ulit lang kami.
Nakakapagod pero masaya kami sa aming ginagawa. Excuse kami sa lahat naming subjects kaya naman nalaan lahat ng aming oras para sa pagpractice."Bhetoots ayoko na ,di ko type ang sayaw napakabata akong tingnan nyan eh,baka masabihan pa akong bataot!"reklamo ni Gladys, ang bestfriend ko.
Akala mo naman kung gaano ka dalaga kung tingnan eh! Parang hindi nga tumutubo.
"Naku Gladys wag mo kong rereklamohan dyan at baka mabatukan ko yang naglalakihang eyebags mo!" Pabiro ko sakanya
"At tsaka dalaga ka na ba bhetoots?
Hindi kakitaan ng patunay ah?"sabi ko at tsaka sinipat sya ng tingin mula ulo hanggang paa.Ngunit parang hindi natinag dahil sobrang sama at tamlay ng kanyang mukha na naayon talaga sa itim at malaking eyebags niya
'Hahaha'
"Kung maka express ng damdamin kala mo nag iisa ka lang! Hello,marami tayo.Girl scout ka dibah? Magtiis ka!"
"Ahhhh!"parang napipilitan pa at wala na syang magawa dahil nag sisimula na naman ang practice.
'Break'
"Bhetoots ! Sekreto lang natin to ah?"
Sabi ko sa kanya sabay takbo at yakap sa bisig."Mm? Ano yun?"tanong niya
"Wag kang magsasabi ng iba ah?"paniniguro ko habang naglalakad
papunta na sa gawing prapraktisan namin."Sabihin mo na kase,hindi talaga yan lalabas sa bibig ko ng walang pahintulot galing sayo,bhe promise!"sabi niya
"Kilala mo naman si Ceijo diba?"tanong ko
"Oh? Yung magaling kumanta?" Tanong niya pabalik sakin.
"Oo, tingnan mo oh? Palaging nakatingin sakin!"binulong ko yun sa kanya pero napalakas ko ata dahil nailayo niya konti ang mukha sakin.
At syempre dahil feeler ako,marami namang mga isipin na nabubuo sa aking imahinasyon.
Gusto niya ako!nyahahah..