Daldal pa din ng daldal si Ethan kahit na nandito na kami sa mall at pinagtitinginan na ng mga tao. Tahimik lang akong nakikinig habang binabahagi niya ang kanyang mga karanasan noong bata pa siya.
"Alam mo ba nung bata pa ako? Nakaihi ako sa pants ko" usal niya.
Lumobo ang mukha ko sa pagpipigil ng tawa. Pinigilan ko talaga. Pero-
"Wahahahahaha! Bwahahaha!" Laking halakhak ko.
"Wow. Tawanan ba naman ako?"
"Pfft"
"Ang cute Yaslein" sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya.
"Lahat nalang sinasabihan akong cute. Maganda ako Ethan! Maganda! Leche to!.."
"Eh di sige. Ikaw na maganda"
"Ba't parang napilitan ka lang?"
"Oy hindi ah!" At napaiwas ng tingin."maganda ka naman talaga"
"Sarap batukan neto"
"Wag naman...."
"Nagkatinginan kami at sabay na tumawa.
"Hahaha. Sarap mong kausap Ethan"
Ngayon lang kami nagkakilala pero ang komportable ko na sa kaniya.
Malamang friendly ako eh!
"Hahaha.Ako pa?"yabang neto. Lumingon siya sa akin. "Coffee tayo?"alok niya.
Kumunot ang noo ko. . . Loko to ah? Umaga palang at malapit ng magtanghali mang aalok ng kape!?
"Baka tulog ka pa? Tanghali na uy!"
Lumingon ulit siya sa akin. Nakahinto kami sa isang coffee shop.
"Alam ko" sagot niya.
"Yun pala eh! Eh bakit ka magkakape eh ang init ng panahon at anong akala mo sa akin, nilalamig? Huy wag ka!" Loko eh! "Ang init ngayon tapos naiinitan nga ako dito."
Tumingala siya habang nakakunot ang noo.
"Ha? Nasa mall tayo Yaslein. . Wala naman akong makitang araw na nakapasok."
Ay tanga!
Aish!
Syempre galing kami sa labas! Nakahinto pa kami sa walang air con at sobrang crowded. Eh ba't ba dito kami huminto!?
"Patingin ka na Ethan. Sumasakit ilong ko sayo. ."
"Na nosebleed ka? Galing ko talaga. Pero teka? Hindi naman ako nag English ah?"
"Gago! Sumasakit! Hindi dumudugo!" sabay batok sa kaniya.
"Oo na! Makabatok to" hinimas him as pa din niya ang kanyang batok. "Tayo na, pwede namang cold coffee ang bilhin mo eh"
"Walang tayo" sumbat ko
"O-oo nga naman, haha" utal niya. Napahiya siguro.
Pumunta kami patungo sa coffee shop. Hindi ko mapangalanan ang saya ko. Baka kasi makita ko si Ceijo dito eh. Eh alam niyo naman diba? Assuming ako.... Lakas ng imagination ko. Nagbabakasakaling nandito din siya diba? May binili. May pinuntahan. Nag lilibang o ano pa. Kahit di niya ako mapansin, makita ko lang siya....