Yaslein's pov
Maaga akong nagising. Sabado ngayon kaya walang pasok. Malamang! Medyo late na nga akong nagising.
Kailangan kong pumunta sa siyudad para mamili ng mga pangangailangan namin araw araw at nang makabili din ako ng gamit gagamitin sa gaganaping school based. Hindi ko alam kung bakit laging na po-postpone ang aming encampment kung maganda naman lagi ang panahon. Kaya sa kakapostpone nalipat ang schedule sa December 15. At tsaka malapit na ang pasko nuh?
10 days to go pasko na!Habang naliligo, hindi ko naiwasang maisip ang nangyari kahapon.
Wala namang nangyari kahapon ah?
Feeler. Err! Napansin mo lang yung uy!Crush ko lang siya nuh? Crush nga ba?
Ewan.Nagpatuloy lang ako hanggang sa matapos maligo. Mga 1 hour din yun ah? Hindi na katakang taka kung gano ako kaputi at kalinis. Ngunit mas maputi si Gladys.
Nakabalot lang ang aking katawan nang tawagin ko si mama.
"Mama! Asan na po ang ulam?"tanong ko kay mama.
"Nandiyan lang anak!"sigaw pabalik ni mama.
Kumain muna ako kahit di pa ako bihis. 15 minutes ang nasayang ko dahil nasarapan ako sa Chop Suey Guisado lalo na't si Papa pala ang nagluto nito.
Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa kwarto ko upang magbihis.
Simpleng T-shirt at Skinny Jeans ang nabunot ko sa cabinet kaya iyon ang isinuot ko. Wala na akong oras para mamili dahil panigurado wala na masyadong masasakyan ngayon lalo na't magtatanghali na at papara lang akong ng jeep."Ma,pa alis na po ako" paalam ko sa aking magulang.
"Ingat nak" sabi ni papa.
"Yung pamasahe mo,san mo nilagay? Sa bag mo iyon ilagay at pwede run sa bulsa. Siguraduhin mong sa harapan mo lang ang bag ha? Naku! Marami pa naman ngayon ang mga snatcher. Tapos mag ingat ka sa daan ah? Wag padalos dalos nag tawid. Hindi pa naman pumepreno ang iba diyan. Hala, sige. Mag-iingat ka ah? Tingna-"
"Ma, alam ko na po yan. Lagi niyo na yang sinasabi." Pagputol ko sa kanya.
"Aba't mabuti ng ulit-ulitin ko na lahat ng paalala ko baka makalimutan mo't malimutin ka pa naman."
At sabay silang tumawa ni papa. Grabe ,aping api na ako ah?
"Sige na ma. Una na ako."
"Ingat ulit anak!" Sigaw ni papa
"Ang paalala ko Yaslein!"sigaw ni mama
"Oo nga!" Sigaw ko pabalik habang natatawa.
Pagkaabot ko sa sentro ng aming barangay saktong sakto ang pagdating ng isang jeep. Dali dali akong tumakbo at sumakay. Medyo madami dami na din ang pasahero ngunit may mauupuan pa naman.
Katabi ko sa kanan ang isang babaeng may kaedaran na din habang sa kaliwa ay lalaking kaedad ko lamang. Dahil nga medyo marami na ang mga pasahero, hindi ko maiwasan na magtama ang aming braso ng lalaking katabi ko. Parang ang sarap ng feeling?
Ew.
Kada brake ng jeep nagtatama ang aming braso. Ang lambot ng kanyang balat at ang kinis pa! Nakasoot siya ng sombrerong itim, gray shirt at faded maong pants. Hindi ko na tinignan mukha niya. Wala na akong oras. Hehe ;-)
Huminto ang jeep dahil may pumara nito. Nagulat nalang ako ng nahawakan niya ang hita ko. Sigurado akong nanlaki talaga ang mata ko noon. Nilingon niya ako at doon ko lamang nakita kung gaano siya ka gwapo. Shet ang gwapo niya!
"Sorry miss!"paumanhin niya "hindi ko talaga sinasadya miss. Pasensiya!"defensive niyang sagot.
"O-okay lang,di naman sinadya eh."pagtanggap ko sa kanyang paumanhin.
Eh hindi naman talaga sinadya iyon.
Awkward akong ngumiti dahil nakatitig pa din siya sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin dahil pinagtitinginan na kami ng mga pasahero.
Really? Pati ba naman titigan mayroong malisya sa iba?
Ilang minuto din ang tumagal sa byahe nang huminto ulit ito. May pababa. Nanlaki ang mata ko ng si Elgen ang bababa!
Hindi ko siya nakita kaninang sumakay! Baka siya yung sumakay ng wala ako sa sarili? Haisst!
"Nakita ko yung kanina Yas" bulong niya habang pababa na.
Nagkunot lang ako ng noo. Anong nakita niya? Yung titigan? That's not a big deal to me.
Binalewala ko ang napansin ni Elgen. Alan Kong lilipas din yun. Tss.
Lumipas pa ang ilang minuto bago kami nakarating sa siyudad. Bumaba na ang mga tao kaya bumaba na din ako.
Hawaka hawak ko ang panyo habang binibigay sa konduktor ang ang aking pasahe. Umalis na ako at nagsimula ng maglakad ng tawagin ako ng lalaki kanina.
Nilingon ko siya"Miss nahulog mo ang panyo mo."sabay pakita niya sa aking panyo.
Tinanggap ko iyon"Ah... Salamat."at binigyan ko siya ng ngiti.
So? Tinanggap ba ang ngiti mo Yas? May pabigay-bigay ka pang nalalaman.
Tinitigan ko siya. At ang gwapo talaga niya! Nakakahiya naman.
"Walang anuman. At saka....nung kanina...sorry talaga kanina Miss."
Tumawa ako."Ano ka ba okay na iyon alam kong hindi mo iyon sinadya."
Alam kong para na kaming baliw ditong nagngingitian.
Mayamaya ay naglahad siya ng kamay.
"I'm Ethan" pakilala niya.
Ngumiti ako at tinanggap ang kaniyang kamay.
"I'm-"
"Yaslein Villanueva" sabi niya.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit mo alam ang whole name ko Ethan?"tanong ko sa kanya
"Importante pa ba iyon?, hahahahaha" ang dami niyang tawa grabe.
Nanatiling nakakakunot ang noo ko.
Bakit mo ko kilala Ethan? Who are you?Ay tanga Yaslein? Ethan nga!
Pero bakit niya alam whole name ko?"He he" awkward kong tawa.
"Hmm. San ka pala ngayon patungo?"
"Sa mall" tipid kong sagot.
"Anong gagawin mo dun?" tanong niya.
"Mamili? Ano ba dapat gawin pag nag mall?"umirap ako. Sakit sa bangs ka Ethan.
" Hahaha" tinawanan ako! Pero natulala ako sa kagwapuhan niya ng tumawa siya! Sheet of paper!
"Pasama naman oh! Dun din ako pupunta""Oh eh, sige"
Naglakad nalang kami tutal malapit lang naman eh.
What if alam pala ni Ethan lahat ang mga flaws ko?