Elmo's POV:
Nanginginig si Julie habang nasa ilalim ko siya at yakap yakap ko silang mag ina. Kahit anong tapang ko natatakot din ako para sa mag ina ko. Niyakap ko silang mahigpit basag ang salamin ng likod ng sasakyan ko.
Agad nag takbuhan ang mga guard sa sasakyan ko at muli ay pinasok kami sa resto ng kaibigan ko. Hanggang ngayon ay yakap yakap ko pa din ang mag ina ko.
"Elmo, natatakot ako.." wika ni Julie kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Shhhhh.. I'm here.."
"Da..Dada.. b-blood.." dun ko palang naramdaman ang kirot sa balikat ko. Hinalikan ko lang ang noo ni Ellie at ngumiti.
"Elmo, may tama ka.." ngumiti ako kay Julie.
"Matagal na akong may tama.. may tama sayo.." kinurot niya ang bewang ko kaya napapikit ako sa sakit.
"Nakakainis ka.. nabaril kana may gana ka pang bumanat .." pinasok kami sa opisina ni Kristine. Agad namang kumuha si Kristine ng first aid kit at inabot kay Julie, kinuha naman ni Kristine si Ellie na nakatulog na.
"Sinong gagawa nito.." tanong ni Julie habang ginagamot ang braso ko. Nag katinginan kami ni Kib at tumango siya.
"Pinupuno niya tayo.. mag hintay siya.." wika ni Kib na ikinangisi ko.
"Anong ibig mong sabihin.?" Naguguluhang tanong ni Julie sa amin.
"Ohh.. Dear, mahirap basahin yang mag kaibigan na 'yan.. kaya wag mo nang intindihin." Sabi ni Kristine at kinindatan pa si Kib.
-----------*--*-*-*-*-*-*-*-*------------
"Ikaw ang target Elmo, I think its shoot to kill plan... " tumingin ako kay Kib na nakatingin sa akin habang umiinom ng beer. Hinatid ko na ang mag ina ko bago dumiretso sa club naming mag kaibigan.
Nilagok ko ang shot ko bago tumayo at umalis sa lugar na iyon at puntahan ang mag ina ko. Ginamit ko ang motor ni Kib at binilisan ko ang pag mamaneho.
Pag karating ko ay sakto ang pag labas ni Ben na ngumisi pa at hinalikan si Julie sa labi na nag padilim ng paningin ko. Tumalikod ako at nag mamadaling umalis at nang may makita akong pader dun ko binuhos ang galit ko.
Umuwi ako ng bahay at dumiretso sa kuwarto ko. Fuck it..
-------^*^*^*^*^*^*^*^*^-------
Julie's POV
Kanina pa ako nakatingin sa papel na binabasa ko pero walang pumapasok sa utak ko. Tatlong linggo na ang nakakaraan pero di parin nag paparmdam si Elmo sa akin ang kumukuha kay Ellie ay ang Mommy niya.
"Julie.." umangat ang ulo ko at si Kuya ang mariing nakatitig sa akin. "Nasan na ang ipapakita na project sa board?" Inabot ko ang flashdrive ko at yumukyok sa lamesa ko.
Umalis na si kuya , sa inis ko umalis ako sa opisina at pinuntahan ang bahay nila Elmo pag baba ko ng sasakyan ko ay agad na may tumamang kung akong matulis na bagay ang sumaksak sa puso ko.
Nakangiti si Elmo habang kalaro ang anak ko at may kasamang babae na maganda , maputi maliit lamang ang muka pero lumalabas ang tunay na ganda niya sa pagging simple niya. Kinakain ako ng inggit at selos , para ba kasing isa silang kompleto at masayang pamiya.
Si Elmo , yung babae at ang anak namin. Masakit parin pala pag nakita ko na bumubuo ang lalaking mahal ko hanggang ngayon ng sarili niyang pamilya.
Tumalikod na ako at doon bumuhos ang luha ko na parang gripo, ang sakit.. sobrang sakit. Sumakay ako ng kotse at dumiretso sa bahay nila Mommy sa kanya ko mailalabas lahat ng 'to.
Nakita ko si Mommy na nag didilig ng halaman agad ko siyang tinakbo at niyakap ko siya mula sa likod at muli nag labasan ang luha na nilalabanan kong wag tumulo.
"Ang sakit.. Mommy.. ang sakit pala na makita siya na masaya sa iba kasama yung anak namin. Akala ko kaya ko na.. akala ko ayos na di na ako masasaktan pa.. pero mali nanaman ako Mommy, nasasaktan ulit ako.." umiyak ako ng umiyak habang yakap ko si Mommy.
"Anak, mag usap kayo ni Elmo.. di niyo ba nakikita sa mata ng anak niyo na nahihirapan na siya? Pinakita niya ba ang drawing niya sayo? Anak nasaktan ako doon.. bata palang siya pero naiintindihan niya na kayo.. anak mag usap kayo.. baka sa pag uusap na 'yun baka mabigyan kayo ng isa pang pag kakataon.." hinalikan ni Mommy ang noo ko. "Buksan mo ito.." tinuro niya ang parteng ulo ko. "Pati ito.." turo niya din sa parteng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
"Wag niyong isipin ang sarili niyo.. isip niyo ang mararamdaman ni Ellie..kahit na sabihin mo pang tanggap siya ng mapapang asawa mo kung sakali.. pero pag nag kaanak siya sayo .. mas mamahalin niya yung anak niya kesa kay Ellie.. at ganoon din kay Elmo.. ayokong maranasan ni Ellie na di niya alam kung saang mundo siya lalagay. Mabait at malambing na bata si Ellie.." tumingin ako kay Mommy at ngumiti.
-----****^^^^****-----
Julie's POV
Umuwi ako sa bahay at agad kong nakita ang drawing ni Ellie na naka dikit pa sa pintuan ng ref lumuhod ako at kinuha iyon. Sunod sunod ang pag tama ng kung anong matutulis na bagay sa puso ko.
Nag drawing siya ng dalawang bahay at ako ay nasa pink na bahay may naka lagay pa na Mimi at si Elmo ay nasa blue na bahay at may nakalagay naman na Dada , habang siya ay nasa pagitan namin. May nakalagay pang "My Family"
Niyakap ko ito umiyak lamang, masakit .. paano pa kaya ang nararamdaman ni Ellie pag nag... No.. No.. di na ako mag hahanap ng iba .. siya ang buhay ko.. di ko kakayanin na nasa pagitan lang siya ibibigay ko lahat ng pag mamahal ko sa kanya.
At sana ganoon din si Elmo.. sana ibigay niya din ang buo niyang pag mamahal kay Ellie.. sana.. sana..
----*****-----****-----*****------
AN: ENJOY READING !! WALANG KWENTA ALAM KO HAHAXD
KASI NAMAN BANGAG PA AKO HAHAHA XD NAG JULIELMO MARATHON AKO KAYA MAY UPDATE HAHAHA XD LAHAT NG VIDS NG JE PINANOOD KO. "MAYNILA EPISODE NILA , DALDALITA , ANDRES DE SAYA , PP PROD , FANCAMS , FANVID, BIRTHDAY CONCERT , TAPOS YUNG PA BIRTHDAY NG FANEYS SA JULIELMO YUNG MAY PAG TAGO NG PHONE HAHA XD , 1ST MAJOR CONCERT NI JULIE NA NAG LANDIAN SILA HAHA XD AND SYEMPRE JOS :))) " KAHIT MASAKIT AYOS LANG MAHAL KO EH.. WALA NA AKONG MAGAGAWA PA :))Try niyo maiiyak nalang kayo bigla T.T
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!!!!!