Kabanata 9

1K 48 10
                                    


Julie's POV


"Elmo, ano ba.. makikita ka ng anak mo.." tinutulak ko ang ulo niya na nag susumiksik sa leeg ko. Dito kami ngayon natulog sa bahay nila. Weekends kasi , umiiyak din si Ellie nung sabihin kong uuwi na ako.

"Parang hahalik lang .. ang damot mo kamo.." natawa ako sa kanya at tinuon ko ang atensyon ko sa pancake na request ng anak namin. Dumiretso na si Elmo kay Ellie na na nonood ng Barbie.




Mag iisang linggo na simula ng ikwento sa akin lahat ni Elmo...






"Julie, gusto kong mag simula ulit tayo.. ayoko nang mabuhay pa sa nakaraan.." tinignan ko siya ng matama , andito kami sa Cafe para pag usapan ang lahat lahat.

"Open up.." tumango agad siya sa akin.


"May namoong dugo sa parteng ulo ko Julie.. naalala mo nung palaging pag sakit ng ulo ko.. ayun ang dahilan. Kinausap ako ng doktor Julie.. konti lang ang chance na mabuhay ako.. at kung mabubuhay ako makakalimutan ko kayo.. Julie takot na takot ako.. ikaw ang unang pumasok sa isip ko.." nanginginig na ang boses ni Elmo. " Paano kung mawala ako paano ka? Mas lalong di ako matatahimik.." tumawa pa siya ng mapait.. " Pero ayoko sa lahat yung makakalimutan ka.. para na rin akong namatay Julie.. di ko sinasabi sayo kasi natatakot ako.. kahit kila Mom.. di ko sinabi.." umiling pa siya.

"Patawad kung nasaktan kita.. di ko sinasadya lahat ng sinabi ko.. kasinungalingan yun Julie.. yun lang kasi ang alam kong paraan para iwan mo ko.. yun lang .. nung umiiyak ka gustong gusto na kitang kabigin palapit sa akin .. pero mas lalo kang masasaktan pag nakita mo akong nawala .. o pag nalaman mong di kita kilala ." Naiiyak na ako.. ganoon kabigat ang pinag daan niya and all this time sinisisi ko siya.



"Isang araw akala ko mamamatay na ako sa sakit ng puso ko pati ng ulo ko. Galit na galit si Mommy kasi tinaboy kita noon..  at di ko sinabi ang kalagayan ko.. si Mommy ang nag tulak sa akin na mag paopera.. pumayag ako Julie kahit napa liit ng tyansa  na  mabuhay ako.. o maalala kita.."hinawakan ko na ang kamay niya. Ngumiti naman siya sa akin.



"Nagising ako Julie.. Sabi nila tatlog buwan na akong natutulog.. pero di ko kilala ang mga nakapaligid na tao sa akin ng araw na yun. Nang tinanong ko sino sila.. umiyak si Mommy.. iyak siya ng iyak.. pero tulala lang ako.. hanggang sa lumabas kami ng ospital. Nag papakilala sila sa akin Julie.."  huminga siya ng malalim. " Isang linggo Julie.. tapos tuwing gabi habang tulog ako may malalabong emahe ang dumadalaw sa pananginip ko Julie.. dalawang taon Julie lagi akong tinatawag ng babae .. hanggang sa luminaw na Julie.. ikaw yung dumadalaw ... pero di pa lahat.. sabi ng doktor ko wag kong pilit maka alala kasi pwedeng mabura ng tuluyan yung memorya ko. Hinayaan ko Julie.. Isang taon ang lumipas di na kita muling na panaginipan. Hanggang sa nakita ko Ellie.. sa cake shop.. tinawag niya akong Dada.. doon bumalik lahat.. lahat Julie.. na alala na kita.. ikaw yung babaeng mahal na mahal ko.. ikaw yung asawa ko...."





"Mimi... sunog na.." Natataranta kong inalis ang pancake. Lumingon ako kay Ellie na bitbit ni Elmo na naka kunotang noo.
"Okay ka lang Mimi?" Ngumiti ako hinalikan ko sila sa pisngi.

"Okay lang si Mimi.. may inisip lang lang ako.." niyakap ako ni Elmo  sa bewang at hinapit pa ako palapit sa kanila.


"Ang sweet naman.." napalingon kami sa Mommy ni Elmo na may hawak na kamera. "Picture.." niyakapa kaming pareho ni Ellie sa leeg at hinalikan naman namin ni Elmo ang mag kabilang pisngi niya. Habang si Ellie ay napakalaki ng ngiti.


Naka kandong sa akin si Ellie habang sinusubuan siya ni Elmo. "Dada.. syrup.." dinagdagan ni Elmo ng syrup ang pancake ni Ellie na ikina ngiti ng anak namin.


"Pagtapos natin .. may pupuntahan tayo.." tinignan ko si Elmo na abala sa pag papa kain ng anak namin.



"At saan naman aber?" Tinignan ako ni Elmo at ngumisi lamang siya at kumindat pa. Umiling nalang ako at tinignan ko si Ellie na punong puno ang bibig . Kinuha ko ang juice at iniabot ko iyon sa kanya.








-------^*^*^*^--------







Palabas na kami ng bahay ng may pumaradang kulay pink na kotse at biglang umasim ang tyan ko kung sino ang lumabas dito. Tinignan ko si Elmo at Ellie na lumaki ang ngiti, kumirot ang puso ko sa ngiti na iyon.



"Tita Jea.." masyang tawag ng anak ko. Umiwas nalang ako ng tingin.


"Jea, anong ginagawa mo dito." Bumitaw si Elmo sa pag kakahawak sa bewang ko upang halikan ang pisngi ni Jea. Kailagan ba talaga nun? Bwiset na Magalona 'to.



"Dadalawin ko sana si Ellie.. kaso mukang may gala kayo... Oh.. Hi Julie.." ngumiti ako di ko alam kung ano kinalabasan ng itsura ng ngiti ko. Alam ko kasing napipilitan lang talaga ako.




"Gusto mong sumama?" Tinignan ko si Elmo pero mukang di niya ako nakita. Akala ko ba kami lang??


Inis akong nauna sa sasakyan . Bwiset na Elmo 'to..


Bwisettttttt...








------****------



AN: HAHAHA

I Want you BackWhere stories live. Discover now