Prologue
Nadatnan ni Clarisse si Enan na mag isa sa tambayan. Ang binata nakatitig lang sa kanyang phone at di man lang napansin pagdating niya. Nakitabi ang dalaga sabay nakisilip sa phone, “Ano nanamang drama ito?” bulong ng dalaga.
Hinaplos ni Enan ang screen ng phone niya kung saan wallpaper niya e larawan nila ni Cristine. “Risse, be honest with me” sabi ni Enan. “Sure, ano problema?” tanong ng dalaga. “Bagay ba kami ni Cristine?” tanong ni Enan kaya nagulat ang dalaga.
“Oh no, sinusumpong ka nanaman” sabi ni Clarisse. “Serosyong tanong to Risse” sabi ni Enan at nakita ng dalaga na seryoso nga ang binata. “E bakit mo kasi tinatanong yan? Hindi magandang tanong yan at kayo naman na diba? Hindi pa ba sapat na prweba yon?” lambing ng dalaga.
“Ikaw at si Shan, bagay kayo kasi gwapo siya tapos ikaw maganda. Pag nakita kayo ng tao di na sila magdududa. Parang expected na pagsasama niyo” drama ng binata. “Enan, ano ba pinagsasabi mo?” tanong ni Clarisse. “Pero alam mo mas bagay tayo e. Maganda ka, artistahin ako, di narin magtataka ang mga tao” banat ni Enan.
Natawa si Clarisse, kinurot ang binata sabay inuga uga. “At kayo ni Cristine?” tanong ng dalaga. “Kami ni Cristine? Artista siya, artistahin ako, magdududa mga tao baka sabihin lang nila showbiz. Naiintindihan ko mga kritiko niya, baka sinasabi nila na kaya siya pumatol sa akin para iboost career niya kasi nga…look at me…it is undeniable…kamandag ng aristahin” banat ni Enan.
Natawa ng husto si Clarisse at nayakap ang braso ng binata. “Pero seryoso sa tingin mo in real life pwede ba kami talaga mangyari?” tanong ni Enan. “Hay naku in real life nangyari na kayo. What is wrong with you? Why are you having doubts all of a sudden?” lambing ng dalaga. Napabuntong hininga si Enan sabay napatitig ulit sa phone niya.
“Clarisse kung di mo kilala tong lalake na ito, please alam ko artistahin ako kaya pilitin mo isipin na hindi mo ako kilala. O tapos hindi sila nitong arisitang babae na ito. Be honest, would you even think may chance siya?” tanong ni Enan. Huminga ng malalim ang dalaga sabay pinagmasdan wallpaper ng binata, “Kung hindi ko siya kilala?” tanong niya.
“Oo pag hindi mo siya kilala kaya bitawan mo muna ako kasi di mo ako kilala” biro ni Enan kaya bumitaw ang dalaga. “Sino ba naman ako para maghusga? Di ko masasagot tanong mo” sagot ni Clarisse.
“To naman, pwede ka naman maging honest sa akin e. Alam mo sa sandaling ito nga di tayo magkakilala e. Kaya okay lang sabihin sa akin ang totoo. So ano sa tingin mo?” tanong ni Enan.
“I don’t know them both?” tanong ni Clarisse. “Oo sabihin mo na di mo sila pareho kilala” sabi ng binata. “Di ko masasagot kasi pag di ko kilala yang babae na yan di ko din masasabi” sagot ng dalaga. “Hay, can you stop being nice to me for a minute and just be honest” sabi ni Enan.
“I am being honest” sabi ng dalaga sabay inagaw phone ng binata at sinindi ang camera. Nagulat si Enan nang dumikit ng husto si Clarisse at kumuha siya ng selfie nila. “O yan, sige magtanong ka. I cannot answer a while ago kasi ayaw ko naman husgaan yung artsita since I don’t know her. Now go ahead, ask me because I know that girl in the photo now” sabi ni Clarisse.
“Pano ko naman tatanungin yon e kilala kita?” tanong ni Enan. “Di nga sila magkakilala e diba?” sabi ng dalaga. “Fine, so sige kahit yang dalawa nalang. In real life will, is it possible?” tanong ni Enan. “Yes” sagot agad ni Clarisse kaya nagulat ang binata.
“Yes agad? Hindi ka man lang nag isip? Hoy Risse, wag mo kasi isipin na artistahin yung lalake diyan. Biased ka naman e” sabi ni Enan. “Pangit yung lalake” banat ni Clarisse kaya natulala si Enan at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Artistahin: Take Two
Teen FictionModern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig Sundan ang pagpapatuloy ng kwento ni Enan...ang Artistahin