Chapter 3: Kuya

13.6K 167 15
                                    

Chapter 3: Kuya

Alas diyes ng umaga kinabukasan kalalabas ni Cristine sa kanyang kwarto. Agad niya pinuntahan kwarto ni Enan pero wala doon ang binata. Bumaba ang dalaga at unang sumalubong sa kanya ay ang kanyang ina.

“Cristine, anak nakakahiya naman sa boyfriend mo. Kanina umaga pag gising ko nakita ko siya naglilinis sa labas ng bahay” sumbong ni Josephine. “What? Bakit madumi ba sa labas? Bakit niyo hinayaan maglinis? Where is he?” tanong ni Cristine.

“Lumabas sila ni Toffee dala yung kotse” sabi ng matanda. “Bakit siya naglinis? Nasan si Jelly?” tanong ng dalaga at biglang sumulpot ang bading. “Good morning mahal na reyna, ang boyfriend mo naglinis kaninang umaga” sabi ni Jelly.

“Nakita mo din?” tanong ni Josephine. “Opo tita. Gusto nga kita gisingin pero utos ng reyna wag sirain ang tulog pag nakabakasyon” sabi ng bading. “Oh my God, bakit siya naglinis? Teka nasan si Clarisse?” tanong ni Cristine.

“Naliligo. Anak sabihin mo naman kay Enan na wag siya maglilinis. Bisita siya dito kaya dapat nakabakasyon lang siya” sabi ni Josephine. Nakarinig sila ng busina ng kotse kaya napatakbo sila sa bintana.

Nakita nila si Toffee at Enan sa labas ng kotse at naglalakad na papunta sa likod ng bahay. “Kuya salamat ha, pero okay na ba pagmamaneho ko?” tanong ni Toffee. “Okay lang kaya lang mag ingat ka naman at wag kang kaskasero. Bakit ka ba nagmamadali? Gusto mo mapansin ka? O gusto mo na ako iligpit para mawala na ang tunay na gwapo dito sa mundo para pwede ka na maghariharian?”

“Bro, maganda na tong kotse mo. Titignan na ng tao eto, ibaba mo nalang bintana mo tutal may itsura ka naman. Take note may itsura ha. Alam mo ang masama bro, dineprive moa ng mga tao sa lugar na ito na mabiyayaan ng aking kagwapuhan. Nakababa bintana ko, sana kung mabagal ka magmaneho o di sana madami ka napasayang tao kasi makikita nila ako”

“Sayang ka bro, nakita mo sana ang aking kamandag. Kung mabagal ka sana nagmaneho kanina e nakita mo sana kung pano ko papatigilin ang trapik, nakita mo sana first hand epekto ng aking pagka artistahin sa mga taong napapatingin”

“Pero wala e, ang bilis mo magpatakbo, tuloy yung hangin niyo lang dito sa lugar na ito at nakayapos at nakanakaw ng mga halik sa aking artistahing mukha. Look o namamaga ata mga pisngi mo” landi ni Enan kaya natawa ng malakas si Toffee habang sina Josepine, Cristine at Jelly nagpipigil ng tawa sa loob ng bahay.

“Pero bro, swerte ka kasi may ganito kang kotse. Mahal ito, alam mo ate mo pag magtrabaho parang unicorn. Kabayo sana sasabihin ko pero maganda siya kaya unicorn nalang. Anyway bro ang point ko e, alagaan mo tong kotse mo. Di mo kailangan paspasan, makakarating ka naman sa gusto mo puntahan kahit mabagal e. Oo mabagal pero at least komportable ka”

“Yun ang gusto ng ate mo, maging komportable ka sa buhay. Kaya sana isukli mo naman sa kanya yung kaligtasan mo. She works hard, as in bilib ako sa work ethic niya. Wag mo naman na siya bigyan ng pagsisisihan niya. She cares for all of you, lagi niya kayo naiisip, she works for you and your parents”

“All she wants is for you to be happy. So don’t give her a reason to be sad. Alam ko wala siguro ako sa lugar na pagsabihan ka pero bro ibalato mo na sa kanya kaligtasan mo” sabi ni Enan na medyo kinabahan pero niyuko ni Toffer ulo niya. “Sorry kuya” bulong niya.

“Wag ka magsorry, di kita isusumbong pero bro just drive carefully from now on” sabi ni Enan. Sa loob ng bahay nagpunas ng luha si Josephine at Cristine habang si Jelly tumalikod at pinaypayan ang kaynang mga mata. “Anak you chose well” bulong ni Josephine sabay niyakap ang kanyang anak. Pinilit ni Cristine ngumiti, tinitigan niya si Enan at lalo siya napahanga sa binata.

“Kain ka na almusal anak” lambing ni Josephine. Papunta sila sa dining area nang sakto bumaba si Clarisse. “Kumain ka na?” tanong ni Cristine. “Hindi pa kumain yan, nahihiya kanina kasi pagbaba niya wala si Enan” sabi ni Jelly. “Tara sis kain” alok ng artista.

Artistahin: Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon