Chapter 23: Final Push
Sa loob ng kotse napansin ni Arlene na may dinadamdam si Cristine. "Tell me what is your problem?" tanong niya. "Kinakabahan ako, as a girlfriend should I have stopped him? Or tama lang? Baka I pushed him in the wrong direction. What if tama siya? What if masama yung outcome?" tanong ng artista.
"Ngayon ka pa nagkakaganyan malapit na competition niya" sabi ni Arlene. "Tsk ano ba sabi ni Anton? Is he doing okay?" tanong ni Cristine. "May gag order" biro ni Arlene. "What do you mean gag order? Ask him if Enan is doing okay" sabi ni Cristine.
"Sabi daw ni Enan wag sabihin yung improvements niya. Basta hindi daw niya tayo bibiguin at susuklian daw niya yung pagtiwala natin sa kanya" sabi ni Arlene. "I am really worried. Maybe I should have listend to him" sabi ng dalaga.
"Bakit biglang ganyan ka? Ikaw pa yung sobrang tiwala sa kanya nung umpisa" sabi ni Arlene. "Ewan ko, I just don't like seeing him hurt. Ako din lang masasaktan pag nasasaktan siya" sabi ni Cristine. "Ahem..i bet if he hears that from you the more magkaka confidence siya" landi ni Arlene.
"Bakit ikaw ba gusto mo din siya makitang nasasaktan?" tanong ni Cristine. "Why are you still denying it? What is stopping you? I can see that he too feels the same way towards you" sabi ni Arlene. "No he is sticking to the contract, he keeps bringing it up" sabi ng dalaga.
"Maybe you both are just using that as an excuse. Baka pareho kayong takot. Ano ba kasi kinakatukan mo?" sabi ng manager niya. "Di ko alam ano pinagsasabi mo" sagot ni Cristine. "You know what I am talking about. Is this easier para if ever mawala e madali nalang palusutan yung sakit? Blame the contract to hide the truth?" tanong ni Arlene. "Oh shut up. Hindi ganon" sabi ni Cristine. "Ano ba nagpipigil sa iyo Cristine?" tanong ni Arlene pero di na sumagot ang dalaga.
Samantala sa loob ng isang kainan hindi kumakain si Enan. "Kinakabahan ka ba idol? Kumain ka naman" sabi ni Greg. "Pare hindi, sabi ni Tiny kasi watch ko daw diet ko kasi nasukatan na ako e. Baka di magkasya yung suit na pinagawa para sa akin" sabi ni Enan.
"Totoo ba yan o kinakabahan ka lang? Alam ko matakaw ka pero hindi ka naman tumataba. Kinakabahan ka ano?" lambing ni Clarisse. "Hindi, diet lang talaga to" sabi ng binata. "Diet ka diyan, papaya ka e di maluwag na yung suit" sabi ni Shan. "Fine, kinakabahan ako. I am thankful sa support niyo pero natatakot talaga ako kasi e" sabi ng binata.
"Enan its just a few days away. Ilang tulog nalang so hang on. Don't back out now" sabi ni Denise. "Para lang kasi may kulang e pero don't worry I will be fine. Hey guys, sige kain lang kayo ha. Maybe I just need some air" sabi ni Enan.
Pagkaalis ng binata nalungkot ang kanyang mga kaibigan. "Guys ako lang siguro makakaintindi ng nararamdaman niya right now. Hindi madali itong papasukin niya. Parang ineexpose niya sarili niya malaking kakahiyan. Ako gustong gusto siya magtagumpay kasi madadamay narin ako e. Parang siya na nagtatayo ng bandera namin" sabi ni Greg.
"Make or break" bulong ni Shan. "Kaya nga e, kaya naiintindihan ko siya. Deep inside gustong gusto niya din ito. Alam niya din kung ano yung nakasalalay. Shit pangarap namin lahat yon yung matatanggap kami ng maayos at hindi yung mauna mahuhusgahan dahil sa itsura namin"
"Pag nagtagumpay si idol damay na ako. Pag siguro nakita ako ng iba maiisip nila ah baka ito may hidden value din. Itong itsura namin ang hadlang talaga kasi para kaming Yamashita treasure na binaon sa bundok ng basura. Kokonti lang magtatangka maghanap pero pag nahanap kami pati na yung iba pag nakakita ng bundok ng basura e baka mag iiba na lahat" sabi ni Greg.
"Grabe ang laswa mo naman, bundok pa talaga ng basura?" tanong ni Clarisse. "Just like that, kasi basura na nga e. Kung sinabi ko bundok meron at meron magsusubok don. Kami hindi kami ganon na bundok e, basura talaga e. Sorry sa term pero ganon talaga e. Once makita yon dedma na agad at nahusgaan" sabi ni Greg.
BINABASA MO ANG
Artistahin: Take Two
Teen FictionModern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa pag-ibig Sundan ang pagpapatuloy ng kwento ni Enan...ang Artistahin