CHAPTER VI

4K 85 2
                                    

"Charmaine ano bang schedule ko ngayon?" Tanong ni Andrew sa kanilang secretary na doble ang tanda sa kanya.

Kinailangan niyang umabsent ng isang araw at magpahinga ng buong weekend dahil sumakit nang husto ang katawan niya.

Buong weekend din tuloy hindi mawala sa isip niya si Alice.
Naguguluhan pa rin siya kung ano ang pumasok sa isip niya at tinulungan niya ito. Kung spur of the moment man yon o dahil may maawain pala siyang puso ay hindi niya alam. Basta ang alam niya muntikan na niyang hindi puntahan ang isang importanteng meeting dahil gusto lang niya itong maihatid. Siya na kahit minsan hindi nag stray sa kanyang schedule. Isang organisadong buhay na umiikot sa trabaho.

"Wala naman kayong hearing ngayon Atty. Villanueva pero may pinapaasikaso si Atty. Miranda tungkol sa stafa case. Nasa table niyo na yung mga papeles." Sagot sa kanya nito.

"Okay sige nasa opisina lang ako kung may maghanap." Tutuloy na sana siya sa office niya ng magsalita uli ito.

"Ay oo nga pala Atty. Villanueva may bisita po pala kayo." Habol nito.

"Bisita? Hindi kliyente?" takang tanong niya dito.

"Her name is Alice at may utang daw siyang dapat bayaran sa inyo."

So she came. "Where is she? Kanina pa ba siya dito." hati ang nararamdaman niya sa pagdating nito.

"Mag-iisang oras na. Pumunta lang siya sandali sa Wash room."
Sasabihan na lang sana niya ang secretary na sabihin kay Alice na hindi siya papasok pero biglang lumitaw na ito.

"Hello Atty. Villanueva i'm back." Ngiting-ngiti ito. Halatang nagbalik na uli dito ang dating sigla.

"I can see that. So babayaran mo na ba ang utang mo?" Pilit siyang nagpapakapormal sa harapan nito.

"Tama, ako si Alice and i pay my due." Hindi pa rin naaalis ang ngiti nito kahit pa malamig ang salubong niya dito. Nagcurtsy pa ito na akala mo ay nakaharap sa isang royal blood. It took all his effort not to smile back at her.

Nakakahawa talaga ang energy nito na ngayon ay medyo mellowed and sweet dahil siguro gustong ibagay sa suot nitong 70 inspired out fit. She's wearing a floral pink dress na tinernuhan nito ng puting belt, sapatos at headband. Nakalugay din ang hanggang balikat na buhok nito. She looks very youthful and vibrant. Hindi niya maalis ang tingin dito. Nababatubalani na naman siya.

"Ang ganda ko ano?" biglang puri nito sa sarili. And that's when he smile. "Hay sa wakas ngumiti din si Mr. Sungit. Hindi ka naman siguro naniningil sa ngiting yan di ba?"

"Bilib din talaga ako sa self-confidence mo. Bayaran mo na ang utang mo. I'm busy." Naiiling na sagot niya dito but ofcourse he silently agrees with her. She does look lovely.

Pagkatapos nitong purihin ang sarili ay binuksan na nito ang parang bayong nitong bag. "Sandali lang ha."Pagkatapos ay naglabas ito ng mga nakasupot na barya.

"Wait ano yan?" kunot noo niyang tanong dito.

"Ano pa eh di pera. Excuse me lang ha." Paalam pa nito sa sekretarya habang nilalapag nito ang mga barya sa mesa. Nakangiti lang din ang sekretarya dito.

"Wala ka bang buo?" Tanong niya. Nung huli kasi siyang nakakita ng ganoong karaming barya eh nung nagbenta ang ama niya ng bigas sa school canteen, puro barya ang ibinayad dito.

"Naku sorry puro barya lang kasi ang binigay sa akin ni nanay. Tsaka hindi mo ba alam ang kasabihan barya lang po sa umaga." Nakuha pa talaga nitong magbiro.

Hindi niya alam kung matatawa siya o mapapailing sa mga antics nito. Hindi lang kasi tiglilimang piso at sampu ang barya nito meron ding tigpiso at bente singko sentimos.

Topsy-Turvy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon