Marami ng tao sa presinto nang dumating siya. Naroon ang kamag-anak ng mga residenteng dinampot ng mga pulis. Naroon din ang magulang ng ibang protesters na estudyante. Hindi niya magawang tumawag sa mga magulang niya dahil siguradong lagot siya. Tumakas lang siya at hindi alam ng mga ito na kasama siya sa gulo.
Kinakagat na niya ang mga kuko niya sa sobrang tensyon. Isa-isa nang nilalabas ang mga kasama niya sa rally hindi na nga niya kilala ang mga kasama niya sa selda. Umupo na lamang siya sa isang gilid. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili. Nagtatalo pa rin ang isip kung tatawagan na niya ang magulang. Nahihiya siya sa mga ito dahil sinabihan na nga siyang huwag sasama sa rally tumakas pa siya ngayon she's in trouble at kailangan niya ang mga ito para piyansahan siya.
Nakayuko siya na parang talunan ng tawagin ang pangalan niya ng isang pulis. Alicia Dimaano malaya ka na. Biglang nagliwanag ang mukha niya tumingin siya sa paligid baka naman may kapangalan lang siya. Pero walang ibang nagreact kaya siguradong siya yon.
Sino ang nagpiyansa sa akin? Tumingin siya sa paligid para hanapin ang boyfriend dahil malamang ay yon ang tumulong sa kanya pero kahit anino nito ay wala. Hindi rin ito kasama sa mga nahuli.
Pagkatapos niyang pumirma sa release form ay pinaalis na siya ng tuluyan ng desk officer na siyempre may pahabol na sermon at sana ay huwag na raw siya uling makikita nitong bumalik sa presinto. Tumungo lang siya. Talagang di na siya uulit.
Kakalabas pa lang niya ng presinto nang may matanawan siyang naglalakad sa may di kalayuan. Kilala niya iyon si atty Villanueva. Hindi pa siya nakapagpasalamat dito kanina. Kaya mabilis siyang naglakad patungo dito.
"Attorney" sigaw niya para makuha ang atensyon nito.
Lumingon ito nang marinig ang boses niya. Nginitian niya ito. Pero nawala ang ngiti niya ng harapin siya nito ay mas malamig pa sa yelo ang pagkakatingin nito sa kanya. Pero hindi naman niya ito masisisi alang naman matuwa pa itong makita siya. Siya ang dahilan kung bakit ito nasaktan."You again" matabang pa sa pagkain ng lola niyang may highblood at diabetes ang sagot nito sa kanya.
"Gusto ko sanang magpasalamat sa pagligtas mo sa akin kanina. Salamat talaga dahil sa akin nasaktan ka." Hindi na niya pinansin ang pagsusungit nito.
Tiningnan siya nito ng may halong pagkainis. "Alam mo para makapagpasalamat ka sa akin just stay out of my way dahil malas ka eh. Dalawang beses pa lang tayo nagkikita pero sakit na ng ulo at sakit ng katawan agad ang dulot mo sa akin. So please just stay inside your house and stop causing trouble. Ayaw na kitang makitang pahara-hara sa daan ko."
Kahit tinulungan siya nito hindi niya matiis na hindi ito sagutin. "Ang yabang mo naman akala mo kung sino ka. Ikaw kaya tong malas sa buhay ko. Tuwing nakikita kita may hindi magandang nangyayari sa akin." Balik akusa niya dito. Paratangan daw ba siyang malas. Ano siya pusang itim?
"Then we should stay out of each others way then." Sabi na lamang nito. "Mukhang malas tayo sa isa't-isa."
"Huwag kang mag-alala pagkakita ko pa lang sa anino mo lalayo na ko. Ayokong mahawa sa kasungitan mo. Menopause baby ka siguro o kaya natipus noong bata pa kaya ganyan ang ugali mo." Sinadya niyang asarin ito wala na siyang pakialam kahit iniligtas pa siya nito kanina.
Pero hindi ito kumagat sa pang-iinis niya. Sa halip ay tiningnan nito ang relo sa braso. "Meron ka pa bang sasabihin i still have an appointment."
At naubusan na nga siya ng bala. Wala na siyang masabi dito. Napansin naman nito na tahimik na siya. Kaya ito na ang tumapos sa usapan nila.
"Good then I'll expect to not see you anymore." Akmang tatalikod na ito sa kanya ng biglang kumalam ang sikmura niya. Siguradong dinig na dinig nito ang tunog ng nagpoprotesta niyang tiyan.
BINABASA MO ANG
Topsy-Turvy Love
RomanceFashion victim, malas at matigas ang ulo, yun ang description kay Alice ni Andrew Villanueva. Pero kahit masungit sa kanya ang abogado ay nililigtas naman siya nito lagi sa bingit ng alanganin. Kaya nga niya naisip noon na baka may gusto ito sa kan...