CHAPTER III

4.4K 66 1
                                    

"Pareng Drew sikat ka na. You're all over the news," pambubuska sa kanya ng kaibigan at kapwa abogado na si Greg.

Nasa opisina na siya nang mga oras na yon at inalis na niya ang kanyang bagung-bagong black suit. Kailangan niyang ipadala yon sa dry clean dahil napuno yon ng pintura. Ang babaeng luntian, talagang binigyan siya ng malaking problema. Para kasing pinalabas sa news na inapi nila ang mga protesters.

Hindi niya agad napansin ang TV crew na kumukuha pala sa kanila kanina kaya ayon nakita sa TV kung paano niya binuhat palayo sa puno ang babaeng protester. Hindi rin naman ito masyadong nakilala dahil sa pintura sa mukha nito samantalang siya kitang-kita sa TV ang pagkawala ng pasensiya niya.

"Isang babaeng green lang pala ang makakapagpawala ng cool mo. Kamag-anak ba yan ni Incredibe hulk?" ngingisi-ngisi ito habang nanonood.

"Hindi, ni Shrek." Medyo naiinis pero natatawa na niyang sagot dito.

"But she's quite a woman hindi man lang naintimidate sayo." Komento pa rin ng kaibigan niya. Iiling-iling pa rin ito sa eksenang nakikita sa video. Tiningnan niya uli ang monitor, nakaupload na agad sa youtube ang video. Napapailing at napapangiti na rin siya.

He agrees the green woman is quite something. Hindi niya alam kung bakit pero kahit sakit ng ulo yung babae kanina fascinated din naman siya dito. Hindi dahil kakaiba ang itsura nito but because she's looking at him funny almost quizzical at siya naman parang nabatubalani dito. Problema lang ay sobrang pasaway nito and a trouble maker. Tiningnan niya uli ang video. Yeah she definitely spells trouble.

"Hahaha" ang lakas ng tawa ng mga kamag-anak ni Alice habang pinapanood siya sa TV na buhat-buhat ng abogado.

"Ate para ka lang pinutol na puno ng narra na sinampa niya sa balikat niya." tatawa-tawang biro ng kapatid niyang si Robin na isang grade six student. Pinangalan ito siyempre sa sikat na magnanakaw. Siyam na taon ang tanda niya dito.

"Hindi kaya, si Feona yan na asawa ni Shrek tingnan mo kulay green." Pang-aasar din ng kanilang bunso na si Snow white na nasa grade four naman.

"Sabihin nyo alien from outer space. Kaya hinuli ng MIB." Hirit din ng tiyahin niyang si madonna na pasimuno nang pang-aasar sa kanya mula kanina pa. Ito rin ang nagbalita sa lahat ng kanyang tv debut.

"Magsitigil nga kayo. Atleast ako napanood sa TV kayo hindi." Kunyari ay pagyayabang niya pero ang totoo ay medyo naaasar na siya sa mga ito.

"Naku ate kung mapapanood ako sa tv pero ganyan ang itsura ko thank you na lang." sagot ni Robin.

Napangiwi siya. Totoo namang mukha siyang babaeng baliw sa TV. At ang masama pa talagang inienjoy ng mga ito ang pagkapahiya niya. May nag-upload din ng video sa youtube na so far ay may dalawang libong views na at mga comments na medyo nagpababa ng kanyang self-esteem.

"Itigil niyo na nga ang pang-aasar sa kapatid niyo. Napahiya na nga yong tao." Kunyari ay saway ng nanay niya na si Aling Mia pero nakangiti naman ito.

"Oo nga pala Alice" hirit pa ng tita niyang si madonna. "Ang guwapo nung lalaking bumuhat sayo. Nakuha mo ba yung cellphone number niya?" malanding tanong nito. Kahit may kalabuan ang TV nila hindi talaga nakalampas dito ang kagwapuhan nung abogado. Magkamag-anak nga sila.

"Ba't ko naman kukunin ang number niya? At hindi siya guwapo dahil masama ang ugali niya." nakangusong sagot niya dito.

"Huwag ka ngang bitter kitang-kita naman sa TV na sobrang guwapo noon para ngang artista. Ala Richard Gomez." Ni wala talaga itong balak kumampi sa kanya. Kung nasa rally ito baka nag cheer pa ito sa kalaban.

"Hindi nga siya guwapo telegenic lang yan. Sa personal malaki ang butas ng ilong niya, tapos ang dami niyang gatla sa noo at paligid ng mata at higit sa lahat parang natusok ng jackfruit ang mukha niya butas-butas." Ekseheradang pagsisinungaling niya dito. Pinagdarasal na huwag sana siyang tamaan ng kidlat.

"Bitter ka nga. Di hamak namang mas cute yan sa boyfriend mong si Victor na hippie. Tingnan mo nga sa TV mukha tagalinis yung boyfriend mo ng kotse nung abogado." Hirit pa rin ng tiyahin niya.

Sasagot pa sana siya ng "Itigil niyo na ang kuwentuhan na yan" saway ng tatay niya. Bihira itong magsalita kaya tumahimik kaagad sila. "At ikaw Alice kung nag-aaral ka lang sana ng leksyon mo dito sa bahay eh di sana hindi ka nadadamay sa ganyang gulo. Tandaan mo Alice graduating ka na dapat hindi ka gumawa ng mga bagay na maaaring maging dahilan ng pagbagsak mo. Sermon sa kanya ni Mang Fidel ang kanilang padre de pamilya.

"Itay naman nag-aaral naman ako ng mabuti." Medyo parang nahihiyang sagot niya dito. Tumakas lang kasi siya kahapon.

"Tumigil ka at ayoko nang makikipagkita ka doon sa Victor na yon. Bad influence yon sayo."

"Tay pinaglalaban lang niya ang karapatan ng mga estudyante at environment. Mas okay naman siya kesa sa mga kabataan ngayon na puro good time lang ang alam dahil siya may cause na pinaninindigan." Pangangatwiran niya dito.

"Ang sabihin mo nagiging cause kayo ng matinding traffic kaya lumiliit ang kita naming mga driver dahil gumagawa kayo ng komosyon." Jeepney driver kasi ito samantalang ang inay niya ay may maliit na puwesto sa palengke. Iyon ang kinakabuhay nilang mag-anak.

Sasagot pa sana uli siya para ipagtanggol ang kasintahan nang may kumatok. Sumilip ang pinsan niyang si Theodore. "Tita Madonna hinahanap ka na ni Lola sasamahan mo raw siya sa Quiapo."

"Oo nga pala sige mauna na ako." Tumayo na nga ito. Nakatira lang kasi sila sa iisang compound kaya magkakapitbahay silang magkakamag-anak. Kaya tuwing birthday at piyesta parang laging may reunion. Kahit maingay sanay na siya doon. Maganda rin namang kasama ang mga kamag-anak may natatakbuhan kapag may problema.

Bigla ding nagring ang telepono niya. Si Victor ang tumatawag kaya lumabas siya ng bahay dahil siguradong hindi matutuwa ang kanyang ama na nakikipag-usap pa siya dito dahil nga sa nangyari.

"Kumusta ka na" bungad agad nito.

"Okay lang. Medyo nasermunan ni Tay pero balewala naman yon." Sanay na siyang nasesermunan hindi lang ng tatay niya kundi iba rin nilang kamag-anak kapag sa tingin ng mga ito ay may ginawa siyang kalokohan. Sermon ng isa sermon ng lahat. Siyempre nagkakampihan ang mga matatanda isa lang naman ang kakampi niya noon si Tita Azon dahil pareho daw silang free spirited. Medyo nalungkot siya ng maalala ito.

"Oo nga pala sa isang araw may protesta uli tayo. May gaganaping demolisyon kailangan nating samahan magprotesta ang mga residente. Balita nito sa kanya

"Sandali di ba mapanganib yan?" Nakikita niya kasi sa TV na madalas ay nagkakagulo at nagkakasakitan sa mga ganoong protesta.

"Huwag kang mag-alala kasama mo naman ako hindi kita hahayaang masaktan. At tsaka nagustuhan nang mga kasama natin yung tapang na pinakita mo sa TV kahapon kaya gusto nilang isama kita uli. Gusto ka rin makilala ng ibang student leader." Kuwento pa nito .

Natuwa naman siya doon. Sa wakas ay napansin din ang effort niya kasama na talaga siya sa grupo nito hindi na siya saling cat-cat. "Sige pupunta ako anong oras ba tayo magkikita?"

"Alas-sais uli sa harapan ng university." Sagot nito.

Topsy-Turvy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon