Chapter 5: Intramurals (Day 1)

2.2K 88 10
                                    

Stephany's POV

Kakarating lang namin sa mansion nina Camille dahil mala-late na kami sa first day ng intramurals. Pag pasok namin ay agad 'din namin hinanap si Princesang Camille at sabi ng isa sa mga maids ay nandoon pa din siya sa kwarto niya kaya umakyat kami at pumunta sa kwarto niya. Jusko! Wag niyong sabihin hindi pa nakapag-ayos ang isang yun?!

Padabog naming binuksan yung pintuan ng kwarto niya at bumungad sa amin ang Camille na kumakain ng breakfast niya habang nanonood ng Phineas and Ferb. Ready na din yung suot niya. Hay salamat! Akala namin hindi pa siya gising. Tulog mantika pa naman matulog ang isang 'to!

"Oh! Good morning! Sirado niyo naman yung mga bibig niyo! Baka may pumasok eh." Bati niya sa amin kaya napasarado kami kaagad ng bibig at tuluyang pumasok sa kwarto niya at tumabi sakanya.

"Hay salamat! Akala namin tulog mantika ka pa 'rin. Kung tulog ka pa siguro kanina ka pa lagot samin! Lalong-lalo na si Stephany!" Sabi naman ni Naomi. Aba talaga lang!

"Syempre no! Anong akala mo sa'kin? Magiging sweet sa kanya? Asa! Lalo na't intramurals ngayon." Sabi ko at kumuha ng bacon sa pinggan at kinain. Alangang itapon ko? -____-

"Hoy! Mga babae! Bilisan niyo na diyan! 30 minutes nalang ay magsisimula na yung program!" Sigaw ni Natalia kaya tumakbo na kaagad kami palabas at pumunta sa kanya-kanyang kotse. Syempre meron 'din ako! Don't worry. May student license kami kahit hindi pa kami legal. Tsaka ngayon lang kami pinapayagan dahil may event naman sa school.

Ng makarating kami sa school ay marami pa 'ring mga estudyanteng nagkakalat meaning hindi pa nagsisimula yung program. Hay salamat! May time paakong makapagwork-out.

Habang lumalabas pa lang yung mga paa namin ay agad din namang dumagsa yung mga estudyante sa harap ng mga kotse namin. Mga 'princesa' daw kasi kami kaya gusto lang daw nilang magsilbi samin. Huwaw naman! Pero nandidiri pa 'rin ako kapag tinatawag na princesa. Yikes!

Ng makababa na kaming lima ay agad din kaming lumapit sa isa't isa at dun na nagsilapitan yung mga estudyante samin. Jusko!

"Princess Natalia for you po! Ako po gumawa niyan!"

"Princess Camille para po sa inyo! Ako po nag bake niyan!"

"Princess Naomi para sa inyo po! Books kasi mahilig ka naman po magbasa!"

"Princess Sunny for you po! Binili ko po yan para sayo lang po!"

"Princess Stephany mamahaling sapatos po para sayo!" Luh? May-ari ako ng factory ng mga running shoes. Jusmiyo pero pasalamat nalang 'rin ako.

And bigay lang sila ng bigay samantalang kami ay thank you lang din ng thank you. Bait namin!

Ng wala na ay agad 'din naming pinasok lahat ng mga binigay nila sa amin sa loob ngkotse namin. Kakapagod!

Matapos kong pinasok yung mga gift nila ay agad ko din namang sinarado yung backseat ng kotse ko at lumapit sa kanila.

"Tapos na kayo girls?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila kaya masayang pumasok kami sa lobby.

While we are walking, all eyes are on us. Iba't ibang expression yung binibigay sa aming lima. Yung iba nakangiti na halatang hangang-hanga talaga sila. Yung iba naman ay ang sasama ng tingin sa amin na halatang naiingit. Kung alam niyo lang kung gaano kahirap maging maganda! Gaya ng sabi ni Eya sa diary ng panget ay mahirap daw maging maganda kasi simpleng pangungulikut mo lang daw sa ilong mo ay hindi mo magawa kahit patago pa! Oh diba?

Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon