Alexander's POV
"Ikaw Papa Shauny ha! Pinagpalit mo na'ko dun sa malanding araw na 'yun!" Arte ni Skylar na parang bakla habang si Shaun naman ay tahimik na kumakain ng kanyang almusal.
Nandito nga pala kami sa bahay na pinagawa namin. Actually hiningi namin t'o sa aming mga magulang at pumayag naman sila kasi kahit papaano kahit wala sila alam nilang ang kanilang mga gwapong anak ay ligtas naman kaya eto ang kinalabasan. Nag sama-sama kaming lima sa iisang bahay.
"Tumahimik ka nga diyang bakla ka! Tignan mo na 'yang si pareng Shaun at parang naiirita na sa mukha mong unggoy!" Sigaw naman ni Kevin at babatuhin sana si Skylar ng table cloth kaya lang tumayo bigla si Shaun at lumabas ng dining room namin.
"Haaallllaaa! Patay ka dun Kevin! Mukhang nagalit!" Sisi ni Sky kay Kevin. Mga baliw.
"Anong ako? Ikaw kaya diyan! Ikaw ang umaarte na parang bakla eh! Ikaw ang patay dun!" Laban naman ni Kevin kay Sky at ang huling nangyari? Ayun. Nagbangayan ang dalawa. Mga sira ulo talaga! Tsk!
"Hoy! Kayong dalawa! Diyan nalang ba kayo? Aalis na kasi kami eh. Kayo na bahala sa hugasin diyan. Bye!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at tumingin sila sa isa't isa at biglang tumakbo. Tsk! Mga tamad talaga. Tatawagan ko nalang si Nanay Rosing na pumunta dito at siya nalang ang mag-bantay ng bahay ngayon.
Ng makarating kami ng IU ay syempre dinumog na naman kami ng isang damak na mga babae. Sigaw dito, sigaw doon, sigaw sa kaliwa at sigaw sa kanan. Seriously? Hindi ba sila nauubusan ng mga boses sa kakasigaw ng mga pangalan namin?
Ng sumapit ang 8 AM sa orasan ay agad pumunta kami sa stadium.
"Bro, anong category ngayon?" Tanong ni Kevin sakin. Syempre sasali na ngayon 'to! Paano ba naman hindi siya nakapaglaro kahapon kasi tumawag ang kanyang nanay at pinapunta sa kanilang kompanya dahil may ipapakita daw kaya ayun.
"Ball games. 8:20 Volleyball, 9:00 Soccer, 9:50 Tennis, 10:30 Table Tennis, 1:00-3:30 PM Basketball (All levels)" Sabi ko kay Kevin. Updated ako!
"Ahh sige, bro. Salamat. Btw, ano ang sasalihan mo?" Tanong niya sakin. Ano nga ba? Hindi naman ako sporty. Ah! Kahit ano nalang!
"Malalaman din natin yan. Baka soccer at basketball" Sabi ko. Di man ako kasing galing nung iba pero alam ko naman maglaro nun.
"Oh sige bro. Una muna ako. May pupuntahan lang." Paalam niya kaya tumango nalang ako. Since boring naman manood ng laro ay umikot-ikot muna ako sa campus hanggang mapadpad ako sa school café. Tatambay nalang siguro ako dito. Since ako nalang naman mag-isa kasi ang tatlong yun ay may sari-sariling lakad din dito sa school kaya ayun. Loner mode ako ngayon.
Bago ako umupo ay syempre umorder muna ako at umupo. Habang naghihintay ako ay naglaro nalang ako sa phone ko.
Natalia's POV
Shet naman oh! Bakit ang init-init ngayon? Plus nakalimutan ko pa yung tubig ko sa bahay. Jusko! Kay malas naman oh!
"Girls, punta muna ako ng café ha? May bibilhin lang ako." Paalam ko sa kanila at umalis na agad.
Ng makarating ako ng café ay agad akong umorder ng chocolate shake at fruit cake. Tapos ay agad akong naghanap ng mauupuan. Bakit ba naman kasi maraming tao ngayon? Wala na nga akong tubig tas wala pa kong mauupuan. Hayst.
Habang naghahanap ako ng mauupuan ay may nakita akong lalaki na naka talikod sa gawi ko. Dun siya sa may sulok kung saan ang bintana at mukhang wala naman siyang kasama kaya nilapitan ko. No choice.
BINABASA MO ANG
Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)
Teen FictionA story of full of clash. A group of girls and a group of boys. Posible kayang mapupunta ito sa pag-iibigan? O hindi kaya ay mangyayaring kakaiba? Basahin at maki-chismis (CHISMOSA!)