Chapter 2: Si Crush
"high five zet!" nakipaghigh five sa akin si crush!!! Eeeee! Kinikilig ako! *u* Siya si Aaron Alayon. Naging crush ko sya kasi gwapo, ang galing magdrawing, mabait, friendly, athlete at lagi nya ako pinapatawa. Hindi sadya kundi talagang shunga lang. Ayaw ko man tumawa pero hindi ko mapigilan. At sa tuwing nakikita nya akong nagpipigil ng tawa, natatawa nalang din sya sa nangyayari sa kanya. XD
Kutulad nung isang beses nung nakikipag habulan sya sa loob ng class room. Umuulan noon kaya nung tumatakbo sya madulas yung floor. Tiles pa nmn yung flooring ng classroom namin kaya madulas talaga. Saktong naapakan nya yung basa. Kaya ayon dirediretso sya palabas ng classroom. Kaya ako, namumula na sa kakapigil ng tawa ko.
Meron pa! Marami kasing kalat-kalat na mga open bags sa floor. So ayun nakikipaghabulan na naman si crush. Sa sobrang bilis ng pagtakbo nya hindi sya makapreno agad. Sinubukan nyang iwasan yung bag na nakabukas by jumping pero imbis na mahakbangan ito, shumoot yung kanang paa nya dun sa bag at sabay nadulas. Trinay nya humawak sa armchair pero nagslip yung hands nya. Nagulat ako at sinubukan tulungan syang bumangon pero natatawa ako as I offer my hand. Uugod ugod syang tumayo. Nakita nyang nagpipigil ako ng tawa ka sabi nya ok lnag daw na tumawa ako kasi nakakatawa naman talaga yung sinapit sya.
Ganito talaga ako kapag may nadudulas. (ang bad ko =_=) Pati sarili ko tinatawanan ko kapag nadudulas ako. Hindi ko alam kung masiyahin lng ako o baliw na ako.
~back to reality~ Kinikilig ako sa highfive namin ni crush! *u* wala akong masabi kasi nahihiya ako tumingin sa kanya. Kaya nakayuko ako. Sinubukan nyang silipin yung mukha ko na natatakpan ng makapal kong buhok pero umiwas pa rin ako ng tingin. Kinikilig kasi ako. Ginulo nya yung buhok ko kaya naalis ako sa pagkakayuko ko.
"wag mo guluhin yung buhok ko. Kakasuklay ko lng eh" inalis nya yung kamay nya sa ulo ko.
"ay sorry. Aayusin ko nalang ulit." hinagod nya yung buhok ko pero pinigilan ko sya.
"di pa tapos."
"wag na. Ako nalang mag aayos"
mahinhin kong sabi sa kanya. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy nya yung pagaayos sa buhok ko kaso namamawis na ako sa sobrang hiya ko sakanya. Pawis na ilong ko, kilikili, mga palad at likod ko dahil sa sobrang kilig, hiya at kaba sa ginawa nya. Kung di ko lang sya crush di ako mamamawis ng bonggang bongga.
"ang init ngayon no?" palusot ko at sabay kuha ng panyo sa pocket at dahan dahan pinunasan yung pawis sa ilong, braso at leeg ko.
"oo nga e. Namamawis ka na." sabay ngiti nya sa akin. Nakakahiyaaaaa baka maturnoff sya dahil sa pawis ko. Bakit kasi ang init sa pinas?!?
"ummm... pahiram ako ng phone mo" sabi ni aaron.
"bakit?"
"titignan ko photos mo."
"hala! Ayaw ko. Nakakahiya"
" joke lang. Basta pahiram" sabay ngiti sa akin.
"sure ka? Please wag mo tignan ah?" nagmamakaawang sabi ko. Dahan dahan kong inabot phone ko.
"sige sige. Di na. May tinatago ka siguro dito no? Baka maykababalaghan dito. Tsk tsk tsk..."
"hala! Wala po." O.O Tumalikod sya sa akin kaya di ko makita yung ginagawa nya. Pilit kong sinisilip kaso sa lapad ng likod nya hindi ako makasulyap. Napagod ako kaya naupo nalang ako. After 5 mins inabot nya na sa akin yung phone ko. At ipinakita nya na sinave nya yung number nya sa phone ko. Ang cute ng linagay nyang name. Aaron ^,^
Meron pa talagang happy face. ^_^ eeeee! QTPA2T!
BINABASA MO ANG
Confused with Love
Teen FictionStory about sa love chain nilang magkakaibigan. May gusto si cosette kay Aaron and would do everything just get closer to him pero ang alam nya meron itong gustong iba. Si Lexa, the new student from australia. Pero si Lexa naman gusto si Earl. Pero...