Chapter 3: Heart to Heart

61 4 0
                                    

Chapter 3: Heart to heart talk

Kakatapos lng ng klase kaya nakatambay na naman kami ni trizza sa may siomai-an sa labas ng school namin. Si Jella lagging nauunang umuwi kaya kaming dalawa nalang ni trizza.

“uy zet! Libre mo pa akong siomai.”

“tse! Nalibre na kita kahapon e. iilan nga lang nilista mo sa log book eh! Sakalin kita dyan”

“damot nito >.< 3 pesos lng ipagdadamot mo pa”

“hala! Speaking of log book. Hindi ko pa napapasa kay Mr. G yun!”

“kapag nilibre mo pa akong siomai ako na magpapasa.” Sabi nya habang ngumunguya pa ng siomai.

“tse! Ako na. wala na akong pamasahe”

“edi partial muna. Tsaka na yung iba.” Sabay lunok sa kinakaing siomai.

“wala na nga ako pera. Sakto na lang pamasahe ko. 30 pesos nalang ito oh”

“maglakad ka nalang palabas” mapilit itong babaitang ito =.=’

“tse! Bahala ka dyan. Ayan 3 pesos.” Tumakbo na ako papasok ng school. Iniwan ko na si trizzang matakaw sa siomai-an.

“uy! Bumalik ka kaagad ah! Sabay tayong umuwi! Ate isa pa nga pong siomai” pahabol na sabi ni trizza.

Napalingon ako sa sinabi ni trizza habang tumatakbo ako sabay sigaw sa kanya ng…

“hintayin kita sa may court!” Hindi ko na nakita yung dinadaanan ko kaya tumama yung hinliliit (yung pinaka maliit na daliri sa paa) ko sa bato.

“SheeeeMAY! ang SaaaaKIT!” T-T sabay higop ng hangin.

“bakit ba laging nalilihis ng daan yung hinliliit ko? T-T.” napaupo ako sa sahig habang hawak yung paa ko.

“tae ka kasing bato ka haharang-harang ka sa dinadaanan ko! Mamamatayan ako ng kuko sayo eh!” pinagtatadyakan ko yung bato with my right foot (which is fine. Masakit kung yung natamaang paa yung ipangtatadyak ko) sa galit ko.

“anong ginagawa mo dyan sa sahig zet?” napatigil ako sa pagpadyak ng marinig ko yung pamilyar na boses. Si crush pala iyon! Napayuko ako sa hiya.

“madumi dyan. Tumayo ka nga” hinawakan nya ako sa magkabilang braso para maitayo nya. Pero bigla akong lumayo sakanya kaya napabitaw sya sa mga braso ko.

“Nakanto kasi yung hinliliit ko kaya masakit pero kaya ko na ito.” Nahihiyang sabi sa kanya. Napansin kong nagpipigil sya ng tawa.

“wag mo ng pigilan yang tawa mo. Alam ko naman nakakatawa.” Hindi nya inilabas yung tawa nya, but instead, kinagat nya yung dila nya sabay hinga ng malalim. Natawa ako sa ginawa nya. Kasi ang kulit lng nya. Tsaka may halong kilig yun. Oo, mababaw lang kaligayahan ko. Pero kasi kung sa iba nangyari iyon baka ang lakas na ng tawa ko.

“sa susunod tumungin ka sa dinadaanan mo ah?” ginulo nya yung buhok ko at sabay nagpaalam na.

“sige mauna na ako ah? Mag-iingat ka” nakayuko lang ako nun at sabay tungo lang.

“bye bye!” kumaripas na ako ng takbo pagkatapos naming mag paalam sa isa’t isa. Nagmadali ako kunin yung log book sa locker ko at dumeretso na sa CAT office. Unang bumungad sa akin yung note na nagsasabing “I’m on a meeting right now. Any consultations or passing of requirements, reports, project and etc. must be passed on MONDAY MORNING next week. ~ Mr. Ghan”

“ayun! REPORTS daw ay pwedeng sa Monday na lang. Makakauwi na ako \(^.^)/” nagpunta na ako sa court para hintayin si trizza. Pero pagkarating ko dun, wala pa rin sya. nakita ko si Sir Earl. Mukhang malungkot. Sabi ni jella sunod-sunaran daw sya kay Gabriella Barredo. One of the popular girls sa batch namin. Kaklase ko sya noong 1st year and 2nd year kami kaya medyo close kami pero ngayon nasa D section na sya. May 4 section lng kami. A,B,C & D. at si Sir earl naman, from section A. Lagi daw sila nag aaway nito dahil si Gab daw lagi paring nalapit sa ex nyang si Lawrence which is from section D rin. Trinay kong lapitan si sir Earl para sabihin na sa Monday ko nalang ipapasa yung log book. Pero actually nag babakasakali lng ako na baka sabihin nya sa akin problem nya. Makikiechos lng ako. 

“sir earl?” mahinhin kong tawag sa kanya. Pero hindi ako pinansin =_= trinay ko pa ulit kausapin.

“sir earl, yung log book po sa Monday nalang po daw ipapasa sabi ni Mr. G.” 2nd attempt kong kausapin sya. pero wala parin response =_=. Sheeez! Napapahiya lang ako dito. Iiwan ko na nga lang itong log book sa kanya.

“sorry po sa abala sir. Iiwan ko nalang po itong log book sa inyo sabi po kasi ni Mr. G yung chief po dapat mag pasa. (actually hindi totoo na sya dapat magpasa. XP ayaw ko lang magdala ng marami.) inilapag ko na yung log book at maglalakad na sana kaso narinig ko syang bumulong.

“anong habgkjdjhs kapag jhshdknhashbjsbda tao hahkhdnsjh lumipad?” <---- pagkakarinig ko lang.

“huh? Ano sir?” lumapit ako para mas marinig sya.

“pwede po bang pakiulit yung sinabi nyo pong lumipad?” nag giggle sya pero pinigilan nya itong magtuloy tuloy.

“sabi ko, anong gagawin mo kapag prinomisan ka ng isang tao tapos hindi tinupad?” yes! Nagsalita na sya! nakakahiya lang yung pagkabingi ko =_=

“ah, dipende po yan sir.”

“panong dipende?”

“dipende kung importante yung taong yun sa akin at kung gaano ko kagusto yung promise nya sa akin”

“ah ganun ba? E pano kung mahal mo yung nagpromise nun?”

“edi syempre po mahuhurt ako” ito siguro problem nya ngayon. “bakit sir? May nagpromise ba sayong mahal mo tapos hindi tinupad?”

“oo eh. Nakakasama ng loob” sobrang mahalaga yata yung promise na iyun sa kanya kaya siguro ang lungot nya.

“ahh. Importanteng importante siguro yung promise na yun sir.”

“oo, galing sa mahal ko e” <--- ang korny naman nya =.= pero sabi nga nila, nagiging korny ang isang tao kapag inlove.

“ano po ba yung promise na yun?” nacurious na ako e. >.< naechos ko tuloy.

“sabi nya kasi sabay kami uuwi pero iba yung kasabay nya. Yung ex nya pa.” booooom! Ayun yun e. XD  nagpipigil ako ng tawa kasi ang korny nya. May mas bababaw pa pala sa akin >.< hindi naman kalat na sila ni gabriella. Kaya siguro kampante sya na sabihin sa akin kasi akala nya di ko kilala yung girl. XP nag ahem ako para hindi mahalata na natatawa ako.

“ahammm, ay ganun po ba sir? Masakit nga po yan. Very disappointing po.” Sad kunwari ako sa sinapit nya. Hindi na sya umimik.

*ring ring ring*

“ay tumatawag si trizza. Sir excuse me po muna.”

“sige take your time.” Sinagot ko na yung phone ko.

“bruha! Nasaan ka?”

“nasa siomai-an pa rin. Dito nalang tayo magkita.”

“dito na.”

“eeee! dito na. papagurin mo lang ako. Papasok ako ng school tapos lalabas din. Sayang pagod. Halika na dito. Sunduin mo ako.” Binaba na nya yung phone. Buti nalang tumawag si trizza. Baka ano pa ikwentong kakornihan ni sir earl. >.< baka mamaya matawa na ako.

“sir earl, aalis na po ako.”

“ahh ganun ba? Osige. Ingat ka.”

“kayo rin po sir earl. Wag nyo pong damdamin. Mahal rin po kayo nun.” Syempre echos lang yun. Pinapaasa lang sya ni Gab.

“sige. salamat sa advise. Goodbye ms. Costa.”

“bye po” smiling back sa kanya. Kumaripas na ako ng takbo para imeet si trizza.

 Medyo nalulungkot ako para kay sir Earl kasi alam kong pinapaasa lang sya ni Gab. Kilala ko ugali ng babaeng yun. aww how sad talaga. Pero I don’t care basta si crush kailangan kong maging kaclose.

Confused with LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon