Chapter 6: Behind Aaron’s Prank
~Aaron’s perspective~
Nagalit si Cosette sa ginawa kong pananakot sa kanya. Hindi ko naman inaakala na matatakot sya ng sobra sobra. Sabi nya kasi sa akin noon mahilig syang manakot kaya akala ko kakayanin nya yung plano ko. Tsaka winarningan ko naman sya diba? Sabi ko sa message convo namin…
“Me: ahh ganun ba? Osige. Lagot ka nalang sa akin bukas” tapos rineply nya…
“Cosette: sige gawin mo na gusto mong gawin. Kailangan ko lang talaga matulog” <-- ito pa lang inakala ko na nakakayanin nya lahat ng pwedeng gawin ko.
“Me: sige. Sabi mo yan :) Goodnight na. wag ka na magreply. Matulog ka na” nang maireply ko yan, napaisip na ako ng igaganti ko, hindi naman talaga ganti kundi trip lang.
kinabukasan, hindi ko sya pinansin para isipin nya na nagalit ako pero actually nag preprepare lang ako sa laro at pati na rin sa prank ko. kasabwat ko yung kapatid kong lalaki. Sophomore na sya pero sa liit nya mukha syang freshman. XD. After ng laro, inalam ko na agad kung nasaan naka duty si cosette. Tamang tama sa back gate sya napost. Marami kasing mga haka-haka na may mga nakakapangilabot na nangyayari doon. Nakatambay lang ako sa may plant box hanggang mamatay na mga ilaw sa grounds pati na sa court. 8:30 na nung matapos yung laro sa court. Nakita kong lumabas si ma’am Katarina mula sa locker area kaya tinanong ko ito.
“Ma’am, nandoon pa po ba si Ma’am cosette sa back gate?” pagtatanong ko. Ma’am ang tawag namin sa mga officials kasi may posisyon sila at mas mataas sila sa aming mga cadet.
“oo nandoon pa sya, mag-isa na nga lang sya eh. Nakita mo ba si Sir Earl?”
“ah ganun po ba? Opo. Bakit?”
“dismissed na kasi ako gusto ko rin sanang madismiss na din si cosette para maka-uwi na sya. nakaka-awa kasi sya dun.”
“ah, si Sir Earl po ba ang magdidismiss sa kanya?”
“oo kasi sya yung chief ni cosette.”
“ahh osige po sasabihin ko nalang po kay Sir Earl.”
“sige. Bye na ah? Gagabihin na kasi ako.”
“sige po Ma’am. Goodbye po. Ingat” paalam ko sa kanya. Naupo na ulit ako para hintayin patayin yung mga ilaw sa school grounds. Alam kong matagal pang madidismiss si cosette kasi hinatid pa ni Earl si Gab pauwi. Nag-away na naman sila kanina. Yung dalawang iyon hindi ko maintindihan yung relationship. =_=
“kuya uwi na tayo” pangungulit ng kapatid ko.
“teka lang, may gagantihan kasi ako e. uuwi na tayo kapag ginawa mo itong papagawa ko sayo.”
“ano bang gagawin ko?”
“pumasok ka sa stockroom kung saan yung switch ng mga ilaw sa locker area. Tapos kapag nagtext na ako sayo ikalat mo yung mga gamit dun ok? Tapos kung sakaling may papasok sa stockroom magtago ka ah? Wag kang magpapakita. Tapos kapag tinext kita ulit lumabas ka na dun.”
“ayaw ko dun. Nakakatakot dun eh. Ikaw na lang gumawa.”
“dali na. kakalimutan ko na mga utang mo sa akin kapag ginawa mo ito. Tsaka hindi na kita isusumbong kay mama na nag-cutting classes ka.”
“daya nito eh” simangot na sabi nya sa akin.
“dali na. pasok ka na dun. Wag kang titingin sa nakaduty dun ah?”
“oo na. daming utos eh” iritang sabi nya.
“ah may reklamo ka? Pwede naman natin itong iatras eh. yun nga lang, patay ka kay mama.” Pangaasar kong sabi. >:D
“wala na. sige gagawin ko na.” nagsimula na syang maglakad papuntang stockroom.
“wag kang titingin ah? Dirediretso lang” pahabol kong paalala sa kanya. Naupo na ulit ako.
*trikik* <-- message ringtone ko yan. Nagtext yung kapatid kong si Dan.
“Dan: kuya nasa loob na ako.”
“Me: osige. Hintay ka lang sa signal ko.” sinimulan na nilang patayin yung mga ilaw sa school grounds kaya madilim na tsaka nagsisi-uwian na yung mga players.
“parang hindi naman matatakot itong si cosette sa prank ko, nakayanan nya nga mag-isa sa back gate ng walang kasama.” Nagulat ako ng biglang sumilip si cosette mula sa locker area. Pero hindi nya naman ako napansin kasi madilim na. kaya tinext ko na itong si Dan na mag-ingay na sa loob.
*cling ting ting ting* <-- bakal yata mga kinalat nun =_= ingay eh. Nakuha ng malakas na tunog yung atensyon ni cosette. Natatawa na ako sa prank na ito kasi nagiging exciting yung mga pangyayari. Lumapit na ako sa may locker area at tinext na si Dan na patayin yung ilaw sa may locker area. Nagulat ako ng mapamura sya kasi sa sobrang mahiyain nya marunong pala sya magmura?
Natatakot na yata sya kaya sabi ko kay Dan lumabas na siya sa locker area. Mas lalong lumakas yung pag-iyak ni Cosette nung tumakbo na palabas si Dan… nangyari na lahat ng nangyari. Hindi ko inaakalang magagalit sa akin si cosette ng sobra sobra. At mas lalong hindi ko inaakalang matatakot sya ng sobra sobra sa prank ko. Naawa ako sa kanya kasi nanginginig na sya sa takot tapos ang lamig pa ng mga palad nya. Sa sobrang galit nya hindi nya na kinilalang chief nya si Earl.
Patago ko syang sinundan hanggang sa makasakay na syang jeep. Gusto ko kasing siguraduhin na makakasakay sya ng maayos. Hanggang sa pagtulog ko nakukunsensya ako sa ginawa kong pananakot kay cosette. Magugustuhan nya pa kaya ako o kaya’y mapatawad man lang sa ginawa ko? Oo, nagugustuhan ko na si cosette dahil sa mga maganda nyang ngiti at positive personality. I did that prank so that I could be closer to her but it turn out to be a bad prank. T-T
BINABASA MO ANG
Confused with Love
Teen FictionStory about sa love chain nilang magkakaibigan. May gusto si cosette kay Aaron and would do everything just get closer to him pero ang alam nya meron itong gustong iba. Si Lexa, the new student from australia. Pero si Lexa naman gusto si Earl. Pero...