PAGKABABA ni Lyn sa habal-habal na naghatid sa kanya sa Paradise Resort ay pinagmasdan muna niyang mabuti ang paligid na nakapalibot sa resort. Maganda at halatang alaga naman ang kapaligiran ng resort. Malinis at wala kang makikitang kalat. She was wondering kung bakit hindi dinadayo ang resort na iyon.
Baka dahil sa kasungitan ni Makki? tanong niya sa isip niya.Nagkibit-balikat siya. Hindi niya dapat problemahin ang resort o ang problema ng ibang tao. Ang dapat niyang asikasuhin ay ang sarili niyang problema. Kailangan niyang malaman ang kinaroroonan ni Marlou. Tulad kahapon, hindi pa din niya susukuan ang mag-ama. Kaya nga laking tuwa niya ng sabihin ni Bella kahapon na gusto nitong makipagkita sa kanya kinabukasan. Malakas ang pakiramdam niyang sasabihin na nito sa kanya kung nasaan ang Tito Marlou nito. Mukhang naawa sa kanya ang bata dahil na din sa nakita nitong pag-trato sa kanya ng ama nito.
Actually, buong akala ni Lyn na wala siyang mahihitang kahit na anong impormasyon sa mag-ama dahil sa nakita niyang reaksyon ni Makki. Kaya nga heto siya't nasa harap ng Paradise Resort habang may dalang isang paper bag ng chocolates para kay Bella.
Nang muling maalala ni Lyn ang ginawa sa kanyang pagpapalayas ni Makki ay awtomatikong napasimangot siya. Yung paghanga na naramdaman niya sa binata nang una niya itong makita ay napalitan ng inis at pagkapikon. Tingin nga niya, malayong-malayo ang kagwapuhang taglay nito sa ugali.Sus! Speechless ka nga ng una mo siyang makita. Impokrita! tuya ng isip niya sa kanya.
Awtomatikong napahinto siya sa paglalakad at napapadyak. "Ah basta! Dapat malaman ko kung nasaan ang hinayupak na Marlou na yun ngayong araw!" malakas na kausap niya sa sarili.
She was silently praying na sana naman ay sabihin na sa kanya ni Bella ang impormasyon na makakatulong para mahanap na niya si Marlou. Minabuti nalang ni Lyn na tumayo sa gilid ng gate ng resort. Mahirap na dahil baka makita pa siya ni Makki at mapurnada pa ang sasabihin sa kanya ng anak nito. Hindi niya akalain na ganoon pala kasungit ang lalaking iyon na humantok pa sa pagkaladkad nito sa kanya kahapon.
Natitiis kaya ng asawa nito ang ugali ni Makki? O baka naman matagal na itong hiniwalayan ng asawa kaya hindi nakapagtataka ang kasungitan nito?
Pinilig-pilig ni Lyn ang ulo niya. Ano ba ang pakialam niya sa buhay asawa ni Makki? Iisa lang ang dapat niyang isipin at yun ay ang makita si Marlou sa lalong madaling panahon. Wala pang limang minuto siyang nakatayo sa kinaroroonan niya nang may maramdaman siyang may humihigit sa dress niya. Paglingon niya ay nakangiting Bella ang nabungaran niya."Hello, Ms. Lyn. Good morning." masayang bati nito sa kanya.
"Bella." wika niya sabay ginantihan niya ito ng magandang ngiti. Iniabot muna niya ang dala-dalang chocolates bago muling nagsalita. "Here. Pasalubong ko sayo. Chocolates yan at alam kong magugustuhan mo."
Siguradong sa chocolates na suhol niya sa bata ay magagawa na nitong magsalita at sabihin ang impormasyon na kailangan niya.
Pero imbes na kunin ang hawak niyang chocolates ay tumingin-tingin lang ito sa paligid habang tinatanaw ang gate ng resort.
"Ssshhh. Huwag po tayo dito mag-usap. Baka biglang pumunta si Daddy dito." mahinang sabi nito na para bang konting lakas lang ng boses nito ay maririnig ito ni Makki.
"Teka, pwede mo naman sabihin agad sakin kung nasaan si Marlou. Then, aalis na agad ako para hindi ka pagalitan ng Daddy mo."
Umiling-iling lang ang bata sa kanya. Maya-maya ay hinila na siya nito papasok sa loob ng resort. Hindi na siya nag-react pa dahil halata sa bata na nag-iingat ito sa bawat paghakbang. Mukhang ayaw nitong makita sila ng Daddy niya. At dahil alam niyang siya ang may kailangan kay Bella ay hinayaan nalang niya ang bata sa gusto nitong mangyari."Bilis, Ms. Lyn. Baka makita tayo ni Daddy." wika nito ng padaan na sila sa white house. Mas binilisan nito ang paghakbang hanggang sa makarating sila sa tabi ng dagat.
BINABASA MO ANG
MY HIT AND RUN HAPPINESS (FINISHED)
RomanceHalos mabaliw si Lyn Siega ng nalaman niyang tinangay ng kaibigan niyang si Marlou ang milyong-milyong pera na na-invest niya sa company nito. Kaya naman halos lahat ng lugar na alam niyang pupuntahan nito ay pinuntahan niya hanggang sa maligaw siya...