CHAPTER TWO

399 18 2
                                    

AWTOMATIKONG napangiti si Lyn nang makita niya kung sino ang nagsalita. Sa tantya niya ay nasa sampung taong gulang ang babaeng kaharap na niya ng mga oras na iyon. Tulad niya ang maganda ang pagkakangiti nito sa kanya marahil ay akala nito na isa siyang guest sa resort. Masaya siya dahil alam niyang madali siyang makakakuha ng impormasyon sa batang kaharap niya ngayon.

Habang lumalapit siya sa batang babae ay mas lalo niyang napapansin ang kaputian na lalong nagpapaangat ng kagandahan nito. Idagdag pa ang mahaba at kulutang buhok nito. Walang dudang pipilahan ito ng mga lalaki kapag nagdalaga na.

Lumuhod si Lyn sa batang babae para magpantay ang paningin nila. Nginitian niya ito ng matamis para mas lalong isipin ng bata na mabait siyang tao.

“Hi, little princess.” wika niya sabay hawak sa kulutang buhok nito. “Where is your parents?”

Pero imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi nito. “Ilang days po ninyo gustong mag-stay? We do have many rooms available today.”

Sa sinabi nito ay doon siya lalong napangiti. Halata talaga ang eagerness nito na makakuha ng guest. Sa palagay niya kasi ay walang masyadong kinikita ang resort na iyon. Kaya ganoon nalang siguro ang eagerness nito na i-convince siyang mag-stay doon.

“What’s your name? Dapat bago mo i-endorse ang business mo, you should tell your name first to your target customer.” ani niya na hindi pa din nawawala ang ngiti niya. Masyado kasi siyang naaaliw sa bata. Base din sa pagsasalita nito ay halatang malatalino ang bata. Mukhang sa murang edad nito ay business minded na agad.

“I am Bella.” alive na sagot nito sa kanya na may kahalo pang tango. “Can I continue?”

“Sure, little princess. So, ilan ang available rooms niyo today?”

Saglit na tinitigan siya ni Bella na marahil ay nag-iisip ng sagot sa tanong niya. “We have ten available rooms. Hindi kasi natuloy yung guest ngayon.” wika nito na medyo malungkot ang tono.

Napabuntong-hininga nalang si Lyn. Kahit na gustuhin man niyang mag-stay sa resort na ito para pagbigyan ang bata ay hindi maaari dahil two days din ang nabayaran niya sa hotel niya sa Badian. Isa pa, as much as possible ay kailangan niyang tipirin ang natitirang pera niya.

“Nasaan ang parents mo, Bella? Nasaan ang mga staff ng resort niyo?”

“Si Daddy at ako lang po ang nagbabantay dito sa resort, Ma’am. Sina Manang Salve naman ay busy sa kusina at si Mang Lino sa garden.” magiliw na sagot nito sa tanong niya.

“Call me Lyn, princess.” nakangiting wika niya dito. “Mukhang paglaki mo magiging magaling na negosyante ka.”

Umiling-iling si Bella. “Mas gusto ko lang na lumago at mapaganda ang resort. Ilang days po ba kayo mag-stay dito?”

Habang sinasabi nito iyon ay napahawak ito sa braso niya. Halatang nakikiusap ito sa kanya at eager na mag-stay siya sa resort.

“Ganito, kapag nasagot mo ang tanong ko I’m willing to stay here.”

Sa narinig ay awtomatikong nanlaki ang mga mata nito sa tuwa. “Really? You will stay here in one week?”

Natawa siya. “I didn’t say I will stay here in one week. Pero sige, I’ll think about it once you answer my questions.”

“You promise?” tanong ni Bella na parang gusto nitong manigurado sa sinabi niya.

“I promised.”

Tumatango-tango ito. “What do you want to know?”

“Nandito ba si Marlou Quijano?” agad na tanong niya sa bata.

MY HIT AND RUN HAPPINESS (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon