CHAPTER SEVEN

372 17 0
                                    


NASA garden si Lyn ng mga oras na iyon at muli niyang binabasa ang ginawa niyang program para sa exhibit ni Makki. Bukas na kasi ng gabi gaganapin ang event kaya dapat na mag-doble effort na siya. Hindi niya inexpect na halos lahat ng binigyan nila ng invitation ay nag-confirm na pupunta. Most of them ay nagpa-reserve pa ng accommodation sa resort at ang iba pa nga ay hindi na nila na entertain dahil fully booked na halos lahat ng rooms nila. At mukha din maraming taga si Makki sa larangan ng sining.

She was hundred percent sure na magtatagumpay ang event nila bukas ng gabi at ang kailangan lang niyang gawin ay maging polido ang lahat. Napansin din niya na kahit sa sarili niya ay talagang sineseryoso na niya ang pagtulong para masalba ang resort nila Makki. Halos lahat kasi ng alam niya sa pagpapatakbo ng isang business ay ibinuhos na niya at maski kakilala niya ay hinihingan pa nga niya ng advice.

Masasabi niyang hindi lang para malibang siya habang hinihintay ang pagdating ni Marlou sa resort kundi gusto na niya talagang tulungan sina Makki at Bella para maisalba ang Paradise. Sa loob ng ilang araw na nakasama niya ang mag-ama ay naramdaman at nakita niya talaga kung gaano kahalaga dito ang resort. Lalo na si Makki dahil nasaksihan niya kung gaano din nito pinapahalagahan ang mga tauhan nito. Sina Manang Salve at Mang Lino na halos buong na ng mga ito ay nagtrabaho sa Paradise. At marahil din na iyon lang ang natirang ala-ala ng namayapang asawa ni Makki.

Napansin din niyang wala siyang nakita na kahit na anong larawan ni Lenny sa buong resort at kahit sa loob ng master's bedroom kung saan siya ngayon natutulog. Doon din niya naisip na kahit matagal ng panahon na namatay ito ay masakit pa din kay Makki ang pagkawala ng asawa nito. Sa maikling panahon ay nagkalapit din sila ng husto ni Bella at isa sa napansin niya ay naghahanap talaga ang bata ng kalinga ng isang ina. Kaya hindi nakapagtataka na halos maging anino na din niya si Bella sa bawat galaw niya sa resort. Lagi itong nakasunod sa kanya at hindi naman niya pinipigilan ang bata dahil kahit siya ay natutuwa kapag kausap niya ito.

Awtomatikong napaangat siya ng tingin ng mapansin niyang may naglapag ng tray sa harapan niya. Nang marealize niyang si Makki iyon ay hindi na naman niya napigilang kumabog ang dibdib niya lalo't maganda ang pagkakangiti nito sa kanya ng mga oras na iyon.

"Ano yan?" tanong niya dito habang pilit na iniiwasan ang tingin sa binata.

"Dinalan kita ng meryenda." wika nito habang pilit hinuhuli ang paningin niya. "Kanina ka pa kasi dyan nakaupo. Ano ba yang ginagawa mo?"

Nang hindi mahuli ni Makki ang paningin niya ay kinuha nito ang upuan na nasa harapan niya at tumabi ng malapit sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil sobrang lapit nito sa kanya at konting kilos lang niya ay magdidikit na ang mga balat nila ng binata. Kaya naman para siyang tangang naka-stuck up lang at hindi kumikilos.

"B-binabasa ko lang yung program para bukas ng gabi." nabubulol pa niyang wika.

She sighed. Bakit ba kasi kapag malapit lang sa kanya si Makki ay natataranta siya lagi? Naalala na naman niya tuloy ang masayang experience nila sa Sumilon Island na pareho silang basang-basa at sa loob ng sasakyan nito.

Dahil gusto mo na si Makki, Lyn! Gusto mo na siya! sigaw ng isipan niya.

Humugot muna siya ng hininga bago muling binalingan ang binabasa niya at pilit na nag-concentrate kahit na wala na siyang naintindihan. Bakit nga ba hindi? Eh ramdam na ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan ng binata. Hindi pa man niya tanggap sa sarili niya na gusto na niya ang binata ay halos maloka na siya sa kakaisip. Natatanong niya tuloy sa sarili niya kung bakit ngayon oras pa niya kailangan ma-inlove? At bakit sa ganoong klaseng sitwasyon ng buhay niya na napakagulo pa?

MY HIT AND RUN HAPPINESS (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon