Umangat agad ang isang kilay ng biyenan kong babae nang makita akong pumasok sa malawak na sala ng bahay nila. Kumapit ako sa braso ni Dashiel na lalong ikinainis nito. Inirapan ko lang siya.
Hindi naman lingid sa kanilang lahat na hindi kami magkasundo ng mother-in-law ko. Fixed marriage lang ang nangyari sa amin ni Dashiel.
Nakilala ko siya nang magkaroon ng party sa bahay nila at imbitado ang mga magulang ko. Wala sana akong balak sumama kung hindi lang ako pinilit ng aking ina.
Natapunan ko kasi ng juice ang Mommy ni Dashiel noon at dahil hindi ako magalang, hindi ako nag-sorry sa kanya. Iyon siguro ang ikinagagalit niya sa akin hanggang ngayon.
Si Dashiel ang unang lumapit at nakipag-usap sa akin at dahil kaming dalawa lang ang medyo magkalapit ang edad noon, sinamahan niya ako, nagkainuman, nalasing at may nangyari sa amin. Paggising namin, plinano agad ng mga Daddy namin ang kasal. Hindi naman na kami umangal noon dahil kailangan niya ako at kailangan ko siya, kailangan namin ang katawan ng isa't-isa.
At heto nga, magdadalawang taon na kaming kasal ni Dashiel. At sa awa ng Diyos, maayos naman ang pagsasama namin, talagang kontrabida lang ang Mommy niya.
"Good evening, Dad," nakangiting bati ko sa Daddy ng asawa ko at bumeso.
"You look gorgeous tonight, Hija," nakangiting puri nito sa akin.
Tumawa ako at tumingin kay Mommy. Inirapan niya ako. "Thanks, Dad," naglakad ako palapit kay Mommy at plastik na ngumiti. "Good evening, Mom," bumeso din ako sa kanya. Baka kasi sabihin na naman niyang wala akong galang.
"Good evening," labas sa ilong na bati niya.
Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Ngumiti ka naman, Mader. Huwag mo namang ipahalata sa mga bisita mo ang disgusto sa akin. Sige, ikaw rin."
Talagang inimbitahan niya ang buong pamilya ng babaeng ipapakilala niya sa aking asawa.
Ngumisi siya sa akin. "Dashiel," tawag pansin niya sa anak.
"Yes, Ma?"
"I want you to meet someone, Son. Come on," hinila niya si Dashiel dahilan para mapabitaw ako. At ang magaling kong asawa, sumama naman.
Humalukipkip lang ako habang pinapanood sila. Nang ang babae na ang ipapakilala ay kulang na lang umusok ang ilong ko sa inis. Maluwang ang ngiti ng babae at malagkit ang pagkakatingin nito sa asawa ko. Mukhang ayaw pa nitong bitawan ang kamay ng asawa ko.
Si Dashiel na mismo ang bumitaw at nakangiting sinulyapan ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ako sa baywang bago iginiya palapit sa mga bwisita.
"I want you to meet my wife, Julianna," nakangiting sabi ni Dashiel sa mga ito. "And Misis, sina Mr. and Mrs. Abella together with their daughter," pagkatapos ay bumaling siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ang kaninang inis na naramdaman ko ay parang bulang bigla na lang naglaho.
Gulat ang gumuhit sa mga pagmumukha nila. Ngumiti ako ng matamis. "Ikinagagalak ko kayong makilala."
Nabura din ang kaninang matamis na ngiti ng babaeng pinapares sa aking asawa.
"Oh, nice to meet you, Hija," sabi ni Mrs. Abella ng makabawi. "Hindi mo naman nagbanggit na may asawa na pala ang anak mo," baling nito kay Mommy.
"Pasensya na, nawala sa isip ko. Isa pa, maghihiwalay din naman sila," sabi ni Mommy saka humalakhak ng malakas. Tumigil siya nang mapansing walang umimik sa amin. "Oh, I'm just kidding. Kayo naman," dagdag pa niya.
Tumikhim si Daddy at lumapit sa amin. "Ang mabuti pa, kumain na tayo. Hindi magandang pinaghihintay ang pagkain."
Sumang-ayon kaming lahat.
Sinulyapan ko si Mommy. Ngising-ngisi siya. Talagang inuubos niya ang natitirang kabaitan ko. Konting-konti na lang talaga, ooperahan ko na siya sa utak at libre pa!
»«
YOU ARE READING
Mr. & Mrs. Assassin
Humor"I'm a killer. I kill people for money. But you are my husband. I kill you for free." - Julianna 'IAN' Fernandez-Mondejar (10-10-17)