"I love your scent, Ian," Dashiel whispered, before he bit and sucked my flesh.
Bumaon ang mga kuko ko sa likod ni Dashiel kasabay ng pag-ungol. "Gago ka, masakit 'yon."
I heard him chuckled. "Sorry, nadala lang ako."
Naramdaman ko na pumasok ang isang kamay niya sa loob ng suot kong t-shirt. Gumapang iyon pataas sa aking tiyan hanggang sa matagpuan nito ang pakay. Lalo akong napaungol nang sapuin niya ang isa kong dibdib. In not wearing bra, for goodness sake!
Napaliyad ako ng dumampi ang kanyang labi sa leeg ko pataas sa aking panga. Sinimulan na rin niyang imasahe ang dibdib ko na lalong nagpainit sa nararamdaman ko.
Bumangon siya upang hubarin ang suot na t-shirt, nakatingin lang ako sa kanya. Pagkatapos ay dumagan ulit siya sa akin. Akmang hahalikan na niya ako sa labi nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Noong una, hindi namin iyon pinansin pero nagpatuloy iyon sa pagtunog.
Inis na itinulak ko si Dashiel at bumangon. "Pwede bang sagutin mo na? Naririndi ako, eh. Dapat kapag sexy time natin, matuto kang mag-silent ng cellphone!"
Napakamot siya sa batok. Bumangon din siya at inabot ang cellphone. Ngumiti pa siya sa akin bago tignan kung sino ang pesteng caller na umistorbo sa amin.
Nabura ang ngiti niya at tumikhim. "I'll just take this call, Misis. Wait for me, okay?" dumukwang siya at hinalikan ako sa pisngi, pagkatapos ay bumaba siya ng kama.
Kumunot ang aking noo. "Babae mo ba 'yan?" tanong ko na nagpatigil sa paghakbang niya.
"Of course not!" mabilis na sagot niya.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Bakit kailangan mo pang lumayo?"
"Tungkol kasi sa business ang pag-uusapan namin. Hindi ka naman interesado sa mga ganung bagay, 'di ba?"
"Okay, fine. Bilisan mo," pagsuko ko. Pinaka-ayoko sa lahat ang nabibitin.
Wala pang limang minuto ay nakangiting bumalik siya. Sumampa siya sa kama at hinila ako. "Let's continue, Misis."
Muntik pa akong mapatili nang bigla niya akong itulak at kubabawan. Nagsisimula pa lang niya akong halikan nang tumunog ulit ang cellphone niya.
"Teka lang, Misis," umalis siya sa ibabaw ko at inabot ang cellphone.
Uminit ang ulo ko sa ginawa niya. "Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na kapag sexy time natin i-silent mo ang cellpho--"
"Shh," inilapat niya ang isang hintuturo sa labi ko dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita. "Si Mommy."
"Anak!"
Napairap ako ng marinig ang boses ng biyenan kong bruha.
"Yes, Ma?"
"Are you available today, Son? Magdi-dinner tayo mamaya dito sa bahay. May ipapakilala ako sa 'yo," bakas sa boses nito ang excitement.
Umasim ang mukha ko sa narinig. Napatingin sa akin si Dashiel bago sumagot.
"Ma, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na tigilan mo na ang pagpakilala sa akin ng mga kung sinu-sino. May asawa na ako at pupunta kami diyan mamaya."
"But, Son. Pwede mo namang iwan na lang diyan ang asawa mo, 'di ba? Malaki na siya at marunong naman siyang magluto. I'm sure, hindi ka magsisisi sa ipapakilala ko sa 'yo, Hijo. Maganda siya at magalang na bata. Hindi kagaya ng asawa mo na pati ako na Mommy mo ay inaaway."
Kulang na lang ay umusok ang ilong ko sa mga narinig.
"Ma!" saway ni Dashiel sa ina.
"At Hijo, pwede naman kayong magpa-annul na lang. Marami tayong pera, mabilis lang 'yan," dagdag pa ng bruha.
"Ma, akala ko b--"
Inagaw ko ang cellphone ni Dashiel. "Mader, siguraduhin mo lang na mas maganda sa akin at mas magalang po 'yang ipapakilala mo sa asawa ko, dahil kung hindi sisiguraduhin ko din na hindi niyo na makakausap ang anak niyo," nagtitimping sabi ko dito.
"Tinatakot mo ba ako?" alam kong sa mga oras na iyon ay umuusok na ang ilong ng biyenan kong bruha.
"Hindi kita tinatakot, Mader. Sinasabi ko lang sa 'yo ang pwedeng mangyari. Malay niyo topakin ako at ilayo ko talaga sa inyo ang anak niyo."
Ibinalik ko kay Dashiel ang cellphone niya.
"Aba't wala ka talagang galang na babae--"
"Ma, enough. Pupunta kami diyan mamaya," pinal na sabi ni Dashiel at pinatay ang tawag bago niya ako binalingan. "Sana hindi mo na lang siya pinatulan. Alam mo namang malakas ang topak ni Mommy."
Umangat ang isang kilay ko. "Kasalanan ko pa? Bakit hindi 'yang Mommy mong may sira sa ulo ang pagsabihan mo? Siya itong nauna!"
"Ian," saway niya sa akin.
Umirap ako at bumaba ng kama.
"Saan ka pupunta?" takang tanong niya.
"Maghahanap ako ng tali na pwedeng pangbigti sa Mommy mo!" sigaw ko sa kanya at lumabas ng kuwarto. Pabagsak ko pang sinarado ang pintuan.
»«
![](https://img.wattpad.com/cover/125154794-288-k530446.jpg)
YOU ARE READING
Mr. & Mrs. Assassin
Comédie"I'm a killer. I kill people for money. But you are my husband. I kill you for free." - Julianna 'IAN' Fernandez-Mondejar (10-10-17)