ANNE'S POV
Kakatapos lang ng FRC. Papunta na kami ni Trixie sa first schedule namin. Business administration ang course ko. Parehas kami ni Trixie. Habang papunta kami sa room..
"What the hell?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"
Unti unti kong inangat ulo ko at nakita ang nabangga ko. Shet. Ang gwapo. As in gwapo. Chinito tapos maputi. Ang tangkad pa. Anghel ba to na galing sa langit at ibinaba dito sa lupa para magtagpo kami? Ang sarap niyang titigan. Nakaka--
"Laway mo, tumutulo na." Napahawak ako sa bibig ko pero wala namang laway. Si Trixie na nasa likod ko tumatawa lang. Tapos yung lalaking nabunggo ko napa smirk.
"Anong nakakatawa?" tanong ko sakanya.
"Ikaw. Yung mukha mo." Sabay ngiti ng nakakaloko. Adik ba to? Binabawi ko na yung sinabi kong anghel sya. Pinsan ata to ni satanas. Nakakademonyo kung ngumiti. Nakakakilabot pero gwapo pa din. Teka, ano ba tong sinasabi ko? Nahihibang na ata ako e.
"Miss tanga, sa susunod tititigan mo ko, wag pa halatang sadya ah? Alam kong gwapo ako pero di mo ko kailangan bungguin para masilayan ang aking precious face." Sabay alis ni Mr. Adik na over sa self confidence.
"Girl, ano ba yan. Nagmukha kang tanga sa harap ni Mr. Chinito. Tinawanan ka tuloy! Epic ng mukha mo!" ano ba tong pinagsasabi ni Trixie? Omay. SInabihan nya pala akong tanga! Para sabihin ko sakanya ako ang validictorian nung grumaduate ako ng highschool. Kapal niya! Gwapo lang siya pero napaka yabang naman. What is handsome if you're so mayabang?
"Huy! Ang lalim ng iniisip mo. Nagdday dreaming ka pa dyan. Halika na! Male-late na tayo oh. Hahanapin pa natin yung first subject."
TRIXIE'S POV
After 123456789 years, nahanap namin yung room. Ang laki kasi ng university. Kung wala kang mapa, pwede kang maligaw. Agad kaming naghanap ni Anne ng upuan. Buti nalang may vacant seat pa sa third row. Sakto two seats. Kung sinuswerte nga naman kami. Uupo na kami ng biglang..
"First come, first serve ladies." Uupo na kami ng biglang hinila ng dalawang lalaki yung upuan namin. Ayan tuloy, napaupo kami sa sahig. Sakit sa pwet, Lintek yan. Hindi na ba talaga uso ang chivalry ngayon?
"Hoy! Kami nauna dyan! Ladies first!" sabi ko.
"Ay ganun ba? Di kasi kayo mukhang ladies e." tapos ngumiti ng nakakaloko si Mr. Hila. Argh! Gusto ko syang sakalin pero pinigilan ako ni Anne. Hayaan nalang daw kasi first day naman. Napilitan kami umalis at humanap ng iba pang mauupuan. Buti at nakahanap kami agad. Sa may bandang likod nga lang. Nung nilagay na namin yung bag, dun lang namin napansin na may tao pala. Medjo corner kasi inuupuan nya kaya hindi masyadong pansinin. Umupo na kami ni Anne 8:00 na pero hindi pa din dumarating yung prof. Kakausapin ko muna yung katabi kong babae na tahimik.
"Hi. Ako nga pala si Trixie. Ikaw, anung pangalan mo?" with matching smile pa yan ha. Pero hindi siya tumingin sa pwesto ko. Sa bintana pa rin siya nakatingin na tila ba parang ang lalim ng iniisip. Nagsalita ulit ako. "Hi. Ako si Trixie. Anung pangalan mo?" nginitian ko pa din siya. This time, lumingon na siya sakin. Pero blangko lang ang mukha niya. Hindi manlang siya nagsalita. Isip isip ko, pipe ba to? Halos isang minuto na kaming nagtititigan pero hindi pa rin siya nagsasalita.
"Goodmorning class." naputol yung staring contest namin ni girl pipe nang dumating yung prof namin. "I am Mrs. Elleine Garcia. And I will be your math prof. Welcome to Lazaro University. I would like to introduce yourselves in the class. Let's start n front."
Isa isa nang nagpakilala yung mga classmates ko. Actually, di naman ako ganung nakikinig . Di ko rin sila agad maaalala sa dami namin.
"Kiefer John Lazaro." napatingin ako sa nagsalita. Siya yung isa sa lalaking humila sa upuan namin.Tapos nahuli niya akong nakatingin sakanya. Yung tingin na parang now-you-know-me look/ Sabay ngiti siya. Nagiging visible tuloy yung dimples niya. The nerve! Binelatan ko nga siya sabay focus nalang sa mga sumunod na nagpakilala.
Di nagtagal, yung babaeng katabi ko na yung susunod.
"Asha Gail Lee." wow. Ang ganda ng pangalan niya. Parang cellphone. Hahahaha, Joke lang. Ay teka, ako na pala yung susunod.
"Trixie Eunice Dizon." with matching smile pa yan. Napatingin ako sa lugar ni Kiefer. Nakangiti sakin ang loko. Yung totoo, nakahithit siya?
"Annchi Xing Yun." sumunod na pala si best friend.
"Okay class. Since you already have your schedule, hindi ko na ididiscuss pa sainyo. You're in college kaya you should be independent by now. You may take your break."
Bilis ng oras. Break na pala. Makakain nanga. Nakaramdam ako agad ng gutom. Aayain ko sana si Asha kaso paglingon ko sa upuan niya wala na siya. Ang bilis naman niya makaalis samantalang ang dami pang estudyante dito. May lahi ba siyang vampire? Weird niya.
"Trix, punta tayong library. May irerequest lang ako dun." And with that, umalis na kami sa room.

BINABASA MO ANG
Forever with you
Teen Fiction"Put your hand in mine, and give it a chance. I will show you brighter path, trust me."