Chapter 3: Meet the Boys

18 1 1
                                    

Kiefer's POV

HAHAHAHA! Grabe, nakakatawa talaga yung babaeng yun. Ano nga ba ulit pangalan niya, Turi.. Tri... Trixie! Dapat pala yung daliri namin ni Lance nilagay sa sahig kung san naglanding pwet nila. Kaso kawawa sila kung ginawa namin yun. First day tapos mapapahiya sila. May puso din naman kami.

Ako si Kiefer John Lazaro. Anak ng isa sa sikat na business man sa buong Munro. Kami rin ang may ari ng university na to. Lahat ng estudyante dito takot banggain ako. Wala pang sumusubok na kalabanin ako dahil alam nila ang pwede kong magawa. Madaming naiinggit sakin. Mula sa pagiging gwapo, mayaman, at matalino. Akala nila perpekto ang buhay ko. Noon, masasabi kong perpekto ito pero..

FLASHBACK

"Mama! Mama! Wag mo muna ako iiwan! Di ba marami ka pang pangarap sakin? Gusto ko kasama kita. Mama! Gumising ka! " Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha galing sa dalawa kong mata. Pitong taon lang ako pero yun na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Malapit ako kay mama. Lagi syang andyan para sa akin. Si papa laging nasa trabaho kaya bihira namin siya makasama ni mama. Nabuhay ako na si mama ang laging nasa tabi ko.

April 17,2004, nang madiagnosed si mama na may stage four colon cancer. Mula ng malaman ng aming pamilya, madalas na si papa umuwi. Naging masaya kami. Pakiramdam ko walang problema si mama.

Dumating nalang yung araw na pagkagising ko, nakita ko si mama na walang malay sa kusina. Tinawag ko si dad at inutusan na dalhin si mama sa ospital. Pero hndi niya ako pinakinggan. Gumawa ako ng paraan. Tumawag ako ng ambulansya. Pagdating sa ospital, nanginging ako. Nanginging sa takot na mawala si mama.

"Sir, kayo ba ang nagdala sa pasyente?" tumangoako.

"Kaano ano nyo ang pasyente?"

"Nanay ko po."

"Sad to say but the patient is dead on arrival. We concluded na matagal na syang walang malay. We did everything we can pero wala na talaga. Excuse me."

Agad agad akong pumunta sa emergency room. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak.

END OF FLASHBACK

Kung nagising lang ako ng maaga, siguro buhay pa si mama. Sinisisi ko ang sarili ko. Pero mas sinisisi ko si papa sa mga nangyari. Bakit wala siyang ginawa nung nakita na niya si mama na nasa sahig? Ni hindi siya sumunod sa ospital. Anong klaseng asawa't ama siya? Simula noon, nagalit ako kay papa. Lalo na nang magkaroon siya ng agad ng kasintahan. Galit nalang talaga ang nararamdaman ko para sakanya.

May tulmulo palang luha galing sa mga mata ko. Kahit madalas ako makipag away, nagiging sensitive pa rin ako sa tuwing si mama ang pinag uusapan.

"Tol, kain ka muna." si Lance. Siya ang bestfriend ko. Mag business partners ang magulang namin kaya matagal na kaming magkakilala.

"Bakla ka na pala, tol. Umiiyak ka na mag isa."

"Shut up. Umalis ka na kung gusto mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon