Chapter 4

3.4K 171 4
                                    

Masakit ang ulo ni Benjie ng umuwi siya sa bahay niya. Sa sala ay nakita niya ang lasing niyang anak na si Blaire.

"D-dad!?" Nagulat siya ng tawagin siya ng anak niyang lungayngay sa alak.

"Bakit ka naman naglalasing? May problema ba?"

Tumayo si Blaire at madapa dapa ito sa paglalakad kaya naman agad siyang inalalayan ng ama niya.

"Wala naman po. Im happy lang dahil wala na siya. Thank you daddy. I love you so much..."

Nakuhang mangiti ni Benjie kahit pagod ito sa trabaho. Yun ang gusto niya. Ang makitang masaya ang anak niya. Kahit ano ang hilingin nito ay sinusunod niya. Kahit ano, pagtatakpan niya maligtas lang ang anak niya sa kapamahakan.

"Alam mo namang kahit ano gagawin ko para sa'yo. Wala na ang mommy mo, kaya ako nalang ang magmamahal sa'yo."

Inalalayan ni Bejie ang anak niya papunta sa kuwarto nito. Nag paalam kasi si Blaire na matutulog na ito. Pag pasok sa loob ng kwarto nito ay agad niya itong inihiga sa kama niya. Tulog na agad si Blaire dala ng kalasingan nito. Kinumutan niya ang anak niya at matapos nun ay lumabas nadin siya sa kwarto nito.

Nadinig ni Benjie na may nagdoorbell sa bahay nila kaya imbis na sa kwarto siya tumuloy ay sa gate ng bahay nila muna siya tumungo.

Pagbukas niya ng gate ay walang tao siyang nakita. Lumabas pa siya at sinilip ang kaliwa't kanan pero wala talaga siyang nakitang kung sino man.

Napapailing nalang siya habang sinasarado ang gate nila. Pagpasok niya sa loob ng bahay nila ay tumuloy muna siya sa kusina nila para kumuha ng gatas. Nagulat siya ng sa lamesa ng hapagkainan ay may nakita siyang isang mapulang mansanas.

Kasabay ng gatas na hawak niya ay tinangay niya din ang mansanas papunta sa kwarto niya.

*****

"Bakit nangyari 'yun? Bakit hindi ko alam na may nangtitrip na pala sa kanya. Nililigawan ko palang si Snow white pero ano ito? Bakit naman ang aga niyang lumisan?"

Mangiyak-ngiyak si Carter habang kausap niya si Fia.

"Wala din akong alam. Hindi naman din saakin nagbabanggit si Snow white. Alam mo naman 'yun, duwag at hindi marunong magsumbong."

Inabutan ni Fia ng maiinom si Carter. Kahit wala ang bangkay ni Snow white ay tinuloy nilang ang pagbuburol doon. Nagsindi sila ng dalawang kandila sa harap ng malaking litrato ni Snow white habang nakapalibot doon ang isang damakmak na bulalak.

"Sila Blaire? Hindi kaya may kinalaman sila sa pagkamatay ni Snow white?" Napatingin ng seryoso si Fia kay Carter. Tulad niya ay ganun din ang kutob niya.

"Parehas tayo. Sila din ang hinala ko," sagot ni Fia.

Nagpunas ng luha si Carter. "Huwag kang mag alala. Tutulungan ko kayo para hanapin kung sino ang mga salarin sa pagkamatay ng taong mahal ko. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nabibigyan ng hustiya ang pagkamatay niya."

"Salamat, Carter."

Matapos ang pag uusap nila ay nagpaalam na si Carter na uuwi na sa kanila dahil may sakit ang magulang niya at hindi siya pwedeng magtagal.

Snow White And The Seven Demond (Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon