Chapter 2

3.8K 163 3
                                    


Present year...

Nag alala at nagkukumarat sa pagtakbo si Fia habang pauwi sa bahay nila.

"Nay, wala po sa school si Snow white. Hindi po siya pumasok," bungad na balita ni Fia pag pasok niya sa loob ng bahay nila.

"Ano?! Eh, saan kaya pumunta 'yun? Alam mo anak, nitong mga nakaraang buwan, napapansin kong malungkot ang batang 'yan. Minsan pa nga may mga sira ang mga uniform niya at may mga sugat siya sa balat niya. Hindi kaya nakikipag away ang batang yan sa school n'yo?"

Napaisip si Fia sa sinabi ng Nanay niya. Nababalitaan kasi niya na minsan may mga kaklase si Snow white na pinagtitripan ito. Saka minsan nakikita din niya na umiiyak ito at nag iisa sa park habang uwian na. Ramdam ni Fia na may ibang nangyayari kay Snow white.

"Wala naman siguro. Saka mabait po si Snow white. Hinding hindi makikipag away yun." 'yun nalang ang sinagot niya. Ayaw niya kasing mag aalala ng lubos ang Nanay niya at may sakit ito sa puso. Baka kung ano pa ang mangyari.

"Sabagay. Mabait at masipag ang batang 'yun. Pero, nag aalala ako. Saan kaya nagpunta yun?"

Natigil nalang sa pag uusap ang mag-ina ng biglang pumasok si Florencio na buhat-buhat ang duguan at walang malay-tao na si Snow white.

"Jusko! Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Candelaria.

"My god! Ano pong nangyari sa kanya?" -Fia

Binaba ni Florencio sa mahabang sofa si Snow white bago nag umpisang magsalita.

"Papauwi na ako sa bahay ng biglang may Van na huminto sa harap ng bahay natin at may bumaba doong dalawang babaeng may itim na takip sa mukha at binaba nila si Snow white na walang malay. Hahabulin ko sana sila kaya lang hindi ko naabutan dahil mabilis silang nakaalis." Nagkakanda-iyak si Florencio habang nagkukwento. Ganun din si Candelaria na nakayakap pa kay Snow White habang nakikinig sa kanyang asawa.

"Mga walangya ang gumawa nito sa anak natin. Anong ginawa nila kay Snow white? Anong problema nila? Napakabait at masunuring bata niyan! Bakit sila ganyan! Hindi ko sila mapapatawad. Ipakukulong natin sila!" Galit na galit si Candelaria habang patuloy ito sa kanyang pag iiyak.

"Aalamin ko ang nangyari sa kanya. Kinukutuban ako na ang mga gagang kaklase niya ang gumawa nito," sambit ni Fia. Hindi na siya makapag pigil. Sa nangyari ngayon ay hindi na makatarungan ang ginawa nila kay Snow white.

Tumungo si Fia sa kanyang kuwarto. Agad niyang binalita sa mga kaibigan niya ang nangyari sa kapatid niya.

Maya maya ay agad siyang tinawagan ni Letizia. Isa sa matalik niyang kaibigan.

"Hello, Letizia?" Bungad niyang sabi sa kabilang linya. Nanginginig ang boses niya dahil naiiyak siya sa sobrang galit.

"Sigurado akong sila Blaire na naman ang may pakana niyan. Mga hayop talaga ang mga bitch na'yun!"

"Aalamin natin ang nangyari. Pag napatunayan kong sila ang may gawa nito kay Snow white ay hindi ko sila mapapatawad. Awang awa ako sa kapatid ko. Duguan at wala siyang malay, Letizia. Mga hayop sila!" Gigil na gigil si Fia na habang kausap niya sa telepono ang kaibigan niya ay napapasuntok pa siya sa kama niya.

"Sige na. Gagalain ka nalang namin diyan mamaya. Kita nalang tayo mamaya at pag usapan natin ang plano natin kapag buo na tayo mamaya."

Snow White And The Seven Demond (Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon