[C11] Right and Wrong

202 8 3
                                    

ALL CHARACTERS WILL BE APPEARING IN THE TRI-LIGHT BALL. 

The said ball is consist of  several chapters.

Thank you. Please proceed reading.

Jasciel Odysseus Castillo's POV

Haaaay. Alam mo yung sinasabi mo sa sarili mong ayaw mong pumasok... pero alam mong hindi pwede? At alam mo rin namang nagsisinungaling ka sa sarili mo... dahil gusto mo naman talaganag pumasok.

Para akong estudyante... kunwari excited pumasok sa school... pero ang totoo, excited lang makita si crush. Pag wala si crush... buong araw bugnutin. Parang nawala lahat ng energy na naipon mo mula nung napanaginipan mo siya.

Nakakatawa. Kung kailan ang tatanda na namin at madami na kaming responsibilidad... tsaka naman kami nagkaganito... kagaya ni Lay. Dami ngang nagkakasgusto... siya naman di malaman kung sino ang gusto.

Si Hell... nakita ko sila nung date nila ni Claude. I wonder kung sino yung girl?

Si Triv... na humihingi ng payo kay Hell sa panliligaw. Ang galing... dun pa sa NGSB siya nagtanong.

Yung iba? Hindi ko na alam... I have problems of my own. Buti nga sina Cal, Neo at Then... sakto lang sa age nila pag daanan nila yan. Dahil kung sa edad ko nila pag dadaanan yan... malamang mababaliw na lang sila.

Pero, may tamang age nga ba sa love? O may tama at maling tao ba? Ganito pala ang feeling ni Nicole Esquivel sa 'The Legal Wife'. Alam mong mali pero wala kang magawa... kasi hindi mo naman pinili... puso mo ang pumili.

I know, people would say: 

'Sana pinigilan mo. Alam mo naman kung anong dapat'
'Alam mo nang mali, ginawa mo pa.'

'Tigilan mo na habang maaga pa... habang wala pang mali.' 

Natuwa naman daw ako sa last statement. May point kasi. Hindi namang mali na magmahal ka ng taong comitted na sa iba. Ang mali ay yung may gawin ka para mahalin ka rin ng taong yun... na alam mong ikasisira naman ng buhay niya.

Nangako na siya eh. Sa harap ng diyos... sa harap ng pamilya niya at sa harap ng pamilya ng napangasawa niya.

Mali naman talagang maging kabit... Maling makihati sa atensyong hindi naman talaga para sayo. Maling makiagaw ka sa taong pag mamay-ari na ng iba.

"Jasciel!!" sigaw ni Hell. Napatingin naman ako'ty tinigil ang ginagawa ko.

"Ano ba yun? Ang aga aga, sumisigaw"

"Eh sana naman kasi kuya, hindi mo pina apaw yung mangkok ng cereal mo. Aba, overflowing na ang gatas ah." Jake

Napatingin naman ako sa bowl ko.... oo nga. Sa lalim ng iniisip ko... hindi ko na napansin.

"Tabi nga Kuya Jo! Tsk. Pupunasan ko na muna! Nako naman oh! Ilang beses mo balak mag space out?" sabi ni Triv na may dalang mas malaking mangkok at basahan.

Sinalin niya yung cereal na maraming milk sa bigger bowl. Tapos pinunasan niya yung tumapon na gatas.

"Thanks." sabi ko naman.

"Hanggang kailan ba kasi tayo ganito? Pagtinatamad tayo cereal... tss. Mahigit dalawang taon na tayong hindi nag ce-cereals... pero dahil nagkakaganyan si Crae... eto na naman." Then... na mukhang malaki ang problema sa cereals... eh dati numero uno yang gusto ng cereals.

"Lema mo 'tol?" Lyz.

"Yaan mo na yan, may pinagdadaanan lang." Neo

Our Hot Bosses (EXO: OT12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon