Chapter 1

10 4 0
                                    

"Good Morning Class! Ito nga pala ang bago nyong kaklase.. Ija introduce yourself" nakangiting sabi sakin ni mam

"Hello po! Ako nga po pala si Freezie Mae Mercado.. Nagagalak po akong makilala kayo--" kasalukuyan akong nagpapakilala sa harap ng klase nang biglang may nambato sa mukha ko..

Unti unting umiinit ang gilid ng aking mata...

"AHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan nila kaya napayuko nlng ako...

Hinawakan ko ang mukha ko..

Pagkatapos ay tinignan ko ang kamay ko..

Arghh! Basahan pala..

Na may Floorwax..

Wow nice!

Agad akong tumakbo palabas..

"Ms. Mercado!!!!" Rinig Kong tawag sakin ng teacher ko..

Pero tumakbo na ako papunta sa C.R..

Nang makarating ako sa C.R naghilamos na ako kasabay nun ang pagbuhos ng luha ko..

***
Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa Classroom nmin..

Natigilan ako ng marinig ko ang usapan nila..

"Ang pangit nmn nung bagong transferee"

"Oo nga eh! Buti nga binato ni James ng basahan eh. Di ko maasiwa ung pagmumukha! Hahaha"

"Oo nga nakakasuka. Sana nmn lumipat nlng yan sa ibang eskwelahan hndi dito"

"Nakakasuka put* kung yan ba nmn makakasama natin sa araw araw. Di yata kakayanin ng mata ko"

"Oo nga basta di sya welcome dto! pag mumukha pa lng nya sira na araw ko"

"Kaya nga! Tignan mo naman Simula ulo mukhang paa--"

"Hahaha! Ang harsh mo girl! Pero Oo nga ang pangit tlga--"

Umalis na ako at tumakbo na papunta sa faculty..

Di ko na kinakaya ung mga sinasabi nila tungkol sakin..

Ang sama sama nila!

Unang araw ko ganun agad bungad nila sakin! Nakakainis!

"Oh! Ms. Mercado Are you okay? Why are you crying?" Tanong sakin nung adviser ko..

"Ahh-eehh O-okay lng po a-ako *sniff p-papaalam lng po s-sana ako na u-uuwi na.. M-masama po ksi p-pakiramdam ko" sabi ko..

"Pero.. First Day mo dto diba?.. Ayaw mo bang makipag kaibigan muna sa mga kaklase mo?"

Ring of Freezing (ON GOING)Where stories live. Discover now