Chapter 2: Partners

48 2 0
                                        

Kyline's POV

"So, ano na?" Tanong ni Max habang nakaupo sa harap ko. Nasa canteen kami ngayon, nagugutom kasi ako hehez. Tiningnan lang namin si siya ni Xy. "Ano? Ako na naman manlilibre? Ganunan tayo? Ginawa akong credit card ha? Ameysing." sabi niya at nakabusangot na tumayo. Dumiretso siya sa mga stalls habang kami naman ni Xy nasa sariling mundo.

Hindi ako mapakali ngayon, di ko alam bakit. The moment na nagtext sakin si Kleo medyo naging alert ako kasi feeling ko may mangyayari, although I'm trying to shake it off. Ano ba kasi yan, magtetext na nga lang, ganun pa. Kabanas yung lalaking yun ah? Unang araw niya pa lang sa school namin pero sagad na sagad yung pagkainis ko sakanya.

"Miss! TABI!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko, at hindi ko na napansin, na yumuko pala ako. "Buti di ka natamaan, sorry po." saad ng baseball player. "Ahh, okay lang haha." I answered, still freaked out dun sa bola. Muntikan na ako dun. Buti yumuko ako mag-isa. 'Be careful. Baka matamaan ka ng baseball.' Oh my God, bakit naging totoo yung sinabi niya? Kinukulam niya ba ako, o sinasadya niya na matira ako ng baseball?

"Creepy.." bulong ko sa sarili ko at napansin na si Xy pala yung natamaan ng bola. Nakahawak siya sa braso niya na parang namimilipit, pero tinatago pa rin. "Hoy Xy, don't tell me na ikaw natamaan." sabi ko sabay lipat sa upuan ni Max para magkatabi kami ni Xyrene. "Halata ba? Sa tingin mo bakit niya hahawakan yung braso niya kung di siya nasaktan." sagot bigla ng mukhang-singit na si Max.

"Sisingit talaga kahit kailan eh no?" Tumawa lang siya tsaka ako pinatabi dun sa dati kong upuan. Umupo siya sa tabi ni Xyrene at pinaalis yung blazer niya. Medyo malaki yung bugbog, oh my. "Dalhin mo yung mga sodas, ihatid natin sa infirmary to, baka may gamot sila dun para dito." utos ni Maxinne. "Sige sige." sagot ko at dinala na yung mga binili niya habang siya naman, inaalalayan si Xy. "Ang OA ha? Braso ko lang nasaktan, di yung mga paa ko." Pambabara ni Xy. Ayaw kasi niya yung bina-baby hehez.

"Wag ka na magreklamo diyan, tara na." seryoso ang lola mo. "Talagang masakit yan, baseball eh. Malay mo binatak nila yung magpalo dun." dagdag pa niya. "Oo na. Ang init Max, takpan mo nga noo mo." sabi ko at tinginan naman niya ako ng matalim. "Yung noo ko na naman ginaganiyan mo." sabi niya at tinawanan nalang namin siya.

Hindi nagtagal, nakarating din kami sa clinic ng school. Binibigyan ko ng benda yung bugbog niya, ng bigla akong utusan ulit ni Max. "Kunin mo na yung bag ni Xy dun sa room. Pauwiin na natin, I'll talk to her parents." sabi niya at tumango naman ako at tinapos yung benda ng kaibigan namin. Matapos kong ma-secure na hindi na malalaglag o maalis yung benda, dumiretso na ako sa room namin na hindi naman malayo sa clinic.

Ng makarating ako, biglang lumapit sakin si Kleo. Ano na naman kailangan nito? "Oh? Ano?" tanong ko ng hawakan niya yung braso ko. "Natamaan ka ba? Bakit may hawak kang benda? Malaki ba yung pasa mo?" Daming tanong my God. "Hindi ako natamaan, si Xy yung may pasa. Nakailag ako kaso siya naman nadisgrasiya." sagot ko sakaniya. Narinig naman yata ni Justine yung kaya bigla siyang napaharap samin. "Si Xyrene?" tanong niya at biglang tumayo. I just hummed as 'yes' at nagmura siya ng mahina. 

"Ako na magdadala sakaniya ng bag niya. Susunduin na ba siya?" tanong niya ulit habang hawak-hawak yung bag ni Xy. "Tinatawagan na ni Max yung parents niya, so yeah. Baka sunduin na siya." Tumango nalang siya at mabilis na umalis sa room namin. Aalis sana ako ng napansin kong hinahawakan pa rin ni Kleo yung braso ko. "Oh? Napano?" tanong ko sakaniya at nagising naman siya. He's spacing out. "Ah, wala. Sige alis muna ako." sabi niya at umalis na rin.

Ang weeeeird. Anong meron talaga sa araw na to? Baka bigla nalang makakakita ako ng lumilipad na superman dito ah? Aish. Naglakad nalang ako ulit sa clinic. "Kyline!" biglang tawag sakin. "Pinapatawag ka ng principal. Ikaw yata mag-aayos ng program for Teacher's Day. Sabi ng School President namin. "Hala? Bakit ako?" tanong ko sakaniya. Diba dapat Student Council yung gagawa nun?

"Bagsak ka raw kasi sa Mapeh, tsaka Filipino. Pangbawi daw sa grades mo." Hala?! "Sige sige pupunta na ako." sabi ko sabay takbo na papuntang office. Pangbawi naman pala, gorabels ako diyan. Baka masapak na naman ako ni Daddy kapag bagsak pa rin ako ng second grading. Ayaw ko nun.

I knocked on the door, "Excuse me po, si Kyline Zamora po ito." sabi ko ng magalang. Mahirap na, baka pagalitan nila ako. "Oh, come in Miss Zamora." sabi ni Madam Principal. Dahan dahan ko namang binuksan yung pintuan ng office at bumungad sa akin si Clarence na nakaupo dun sa harapan ni Madam. "Um, labas po muna ako?" tanong ko baka kasi may pinag-uusapan pala sila. "No no, sit down."

Tumango ako at umupo nalang habang nakatingin kay Clarence. "Bakit ka nandito?" I mouthed at him as he shrugged and faced the principal. Aish. "Miss Zamora, kayong dalawa ni Mister Navidad ang mag-aayos sa Teacher's Day program natin this Friday. Since mababa ang grades niyo, kailangan niyo bumawi ng todo. It's for your future anyway, kaya ayusin niyo." sabi ni Ma'am. "Opo." Yun nalang ang nasagot namin bago kami pinaalis ng principal.

Paglabas ng office, agad na naglakad palayo si Clarence. "Hoy! Pag-uusapan pa natin yung gagawin natin sa program!" tawag ko sakaniya pero hindi siya lumingon. "Wag mo sabihing ako lang yung mag-aayos niyan nito?!" sigaw ko sakanya at humarap lang siya. "Kaya mo naman." sabi niya at ngumisi. Naglakad na siya ulit palayo habang ako, naiwan dito na parang nawalan ng pera. Ako lang talaga gagawa? Pano?

"ARGHHHH!" Sigaw ko ng malakas sa inis. "MISS ZAMORA!" Bawal ng mga teachers. Oops. Nandito pa pala ako. "Sorry po." sabi ko. Nagring ang phone ko ng palakad na ako paalis ng building na to. Si Max. "Oh, hello?" sagot ko. 'Nakauwi na si Xyrene. Dalian mo, nasan ka na? Malapit na mag-bell.' "Eto na, papunta na diyan." sabay buntong-hininga.

Ng palakad na ako malapit sa room, nakita ko na naman si Kleo. Bakit siya lagi nakikita ko? Nakakaumay na. "Kisses, just text me if you want me to lend you a hand." sabi niya. Lend me a hand? "Para saan?" tanong ko at tumawa lang siya. "Kahit ano, basta text mo ako." sabi niya at sabay na kaming pumasok sa room.

"For example, sa program." 

DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon