Kyline's POV
Tingnan ko si Kleo. "Sa program?" Tanong ko at tumango naman siya at ngumiti. "Seryoso ka? Tutulungan mo ako? Feeding program yun, okay ka lang ba sa mga bata?" Pagkagulat ko. "Oo nga. Kulit ah?" Sabi niya at pumasok na kami ng room namin.
"Dito ka." Sabi niya sabay turo sa upuan na bakanti sa gitna nila ni Max.
Kinuha ko muna ang mga gamit ko for our next subject at umupo na sa tabi niya. "Kailan ba yung program?" Tanong niya sabay kuha ng papel at ballpen.
"Ah, sa Friday na." Sabi ko at tumango naman siya. Medyo kumunot yung noo, nahirapan din yata pero gwapo pa rin naman. Harot ko no? Hihi.
"Three more days." Bulong niya sa sarili niya at kinuha ang cellphone niya. Ano gagawin niya diyan? "Aanhin mo phone mo? Dali pag-usapan na natin kung paano natin gagawin yung program."
He simply looked at me as he chuckled. Kinatok niya noo ko atsaka may tinawagan. "Pa, kailangan ko ng tulong sa Friday."
Pa? Papa? Oh my, yung tatay niya yung kausap niya. Kyline, wag ka masyadong maingay.
"May program po kasi sa Friday, we need some chefs, seats, tables and some equipment para dun. It's a feeding program Pa." Sabi niya habang nakatingin sakin.
Nakaka-tunaw naman yung tingin niya. Parang may dumi lang ako sa mukha kung makatingin.
Umiwas ako ng tingin at kinuha ang notebook at ballpen ko. Three more days, kakayanin ko ba to?
Wala pa man parang pagod na ako ah.. Pero kakayanin! Para sa grades! Bakit kasi ang baba ng grades ko sa Math nakakainis na.
"Hey, you're spacing out." Tutulungan naman siguro ako nina Xy at Max, kahit na konting tulong lang.
"Hoy." Siguro sakanila ako papatulong sa mga activities for that day. Matatalino naman mga yun, agad din silang makakaisip.
"Kisses." Bigla bumulaga sa akin ang mukha ni Kleo, NG NAPAKALAPIT. "The hell?" Rinig kong sabi ng isang babae na kaklase namin.
Lumayo ako agad sakaniya at tumawa naman siya. "Kinikilig ka niyan eh." Bulong niya kaya naman binatukan ko siya ng mahina.
"Asa ka." He just chuckled at kinuha yung notebook na sinusulatan ko ng mga kailangan sa program kanina.
"Ako na bahala sa mga Chefs, and tables, chairs, etc. Pag-usapan nalang natin kung ano lulutuin pati yung mga games for the kids to enjoy this friday." Saad niya.
Ang charismatic niya namang tao. Medyo nakakaguilty tuloy na ang sungit sungit ko sakaniya aigoo. Nah, it's fine. It's just normal pati tutal hindi naman kami magkakilala.
"Why do you keep on spacing out on me? Gwapong-gwapo ka naman yata sa mukha ko Kisses?" tanong niya sabay ngisi na akala mo naman nanalo ng lotto. Ayan na, naiinis na ako ulit sakaniya jusko lord.
"Well, for your information nag-iisip kasi ako ng mga pwedeng gawin sa program. Gwapong gwapo ka naman. Just to remind you hindi ako mahilig sa lalaki." sabat ko sakaniya na kinatahimik niya. Tumawa nalang siya as he pat my head with a smile on his face.
Dumating na yung teacher namin pagkatapos namin mag-usap. Saktong tinatamad na akong tumayo para pumunta doon sa lugar ko, hindi na ako lumipat ng pwesto at nag-aral nalang.
Pinakuha ko kay Max yung gamit ko at tumayo na ako para makuha yung libro ko sa lockers. Dami kasing libro na pinapadala hindi naman ginagamit. Hindi man nga pumapasok minsan aigoo. Sayang tuition fee namin rawr!
Inaantok na ako kaya naman yumuko ako ng kaunti sa mesa ko. Pagod na pagod ako wala naman akong masyadong ginawa ah hihihi. Hirap talaga maging masipag, nakakawalan ng gana.
Sinilip ko si Kleo na nakatingin na rin sakin. He clenched his fist and brought it to my forehead as he knocked some senses into me. Pero kabaligtaran ang nangyari. Suddenly I'm in a complete darkness. Wala akong marinig, makita o masagi. Hindi ko magalaw ang katawan ko and I'm breathing hard. Para akong tumakbo ng marathon.
Sinusubukan kong huminga at matapos ang ilang minuto, I can make out some colors. I blinked it's becoming clearer until I got my whole eyesight back with my hearing.
I'm in the infirmary now. Pinadala siguro ako jusko, kyline anong gulo na naman etong ginagawa mo. Nakakahiya nakaabala pa ako ng ibang tao. I sighed and closed my eyes but I felt a presence come into my room. Sino nanaman ang manggugulo niyan?
"Kyle!" saad nito sabay lapit sa kama ko sa infirmary. "Oh, Xy bakit kayo nandito?" tanong ko at suminghal sila na galit na galit.
"Nakakainis yung transferred student! Kay bago bago pero tingnan mo nagawa niya sayo! First day niya palang niyan pero ganiyan na nagawa niya, pano ka tatagal niyan?" Sermon ni Max. Si Kleo ba sinasabi nila?
"Bakit ba pinadala niyo pa ako dito eh kaya ko naman. I'm strong mah girlies." sabay kindat sakanila.
"Strong mo mukha mo. Mga fifteen minutes ka ng tulog diyan eh. Ano yun, papatulugin ka namin sa sahig hanggang magising ka?" sagot nilang dalawa. Nakakatakot, ready na mangurot si Xy tapos nagbabaga na mata ni Max. Sigurado akong walang tatagal na mga boyfriend mga to, mga under nun boylet nila.
"Fifteen minutes? Sino ba nagdala sakin dito?" Don't tell me pinabuhat nila ako dun sa Kleo na yun? OH NOOOOO! NAKAKAHIYA BAKA NABIGATAN SIYA JUSKO. Kyline diet diet na.
"Wag ka nga, parang takot na takot ka naman. Si Leo nagbuhat sayo, tumakbo pa ako sa room nila para lang may magbuhat sayo." saad ni Max sabay pagtataray. Parang nagiging exorcist na siya since she's always rolling her eyes whenever she's talking about Leo.
"Bigat mo nga daw tsk tsk." sagot ni Xy na ikinatawa ko. "Hindi kasi nag-gym si Leo ng isang linggo, nawala na muscles niya pfft." Sinamaan naman ako ng titig ni Max. Sorry na, nakalimutan ko krass na krass niya pala siya hahahaha.
Natahimik kami noong biglang may kumatok sa pintuan. Hala masyado yata kaming maingay, baka Student Council na yung mismong nakarinig samin.
Dahan dahan na footsteps yung narinig namin hanggang may maghawi ng kurtina na nagseseperado samin sa buong clinic. Si Kleo.
"Kisses?" tawag niya at parang nag-aalala na tiningnan ang kalagayan ko. Sina Max naman hinarangan siya before pa siya makalapit sakin ng tuluyan. Over protective gash, daig pa nanay ko ah!
"Wag na wag kang lalapit kung ayaw mong mabugbog." pagbabanta nila sabay fold ng blouse hanggang siko.
"Gusto ko lang malaman anong nangyare kanina." mahinahon na pagsasalita ni Kleo at pilit na lumapit sakin, kaso hindi talaga nagbibigay daan yung dalawang gaga.
"Pagkatapos mo siya ganunin kanina! Wow ha! Lakas ng dating natin fren!" Xy sarcastically said sabay pagtataray.
"Ginawa ko?" pagkunot ng noo ni Kleo, napatingin na naman siya sakin at napabuntong hininga nalang ako.
"I didn't do anything wrong. Bakit ako may kasalanan? I was there to help, but then you shut me out. Ako na sana magbubuhat sakaniya kanina, kaso dumating yung lalaki na sobra akong tiningnan ng masama noong hinawakan ko yung braso mo." Laban ni fafs kay Max.
Sumosobra na itong away na to. Kailangan ko na to tapusin. Pero noong magsasalita na sana ako, bumuntong hininga nalang si Kleo at tumingin sakin. "Check your rubber shoes first before wearing them later." sabi niya at umalis nalang.
Ayan na naman. May babala siya ulit. I should follow him this time.
BINABASA MO ANG
Dreams
RomanceNaniniwala ba kayo sa astral travel? Na may chance na ang mga panaginip niyo, ay magiging totoo? Kyline Kisses Zamora, isang Grade 9 student na sarcastic, mataray, at hardworking ay nakakapanaginip ng isang lalaki na hindi niya pa nakikilala. In h...