I dreamt about me and my wife doing 'it'. Everytime I am dreaming of her, it is always the memories that we had in Illian City. But now, i am confused. Was that just a dream? My dream seems so real. It feels so real!"Kuya, pakainin mo muna kaya si Rai. Mamaya ka na tumunganga diyan!" Medyo inis na puna ni Lei sa akin.
Binalingan ko naman ang anak ko na nasa kanyang baby seat. Napasimangot na lang ako nang makita kong kalat kalat na ang kanyang pagkain. Ang dumi pa ng kanyang mukha.
Tumayo ako at kumuha ng baby wipes para linisin ang mukha niya. Matapos nun ay ako na ang nagsubo sa kanya hanggang matapos siya.
"Master." Nag-aalangang tawag sa akin ni Nash. Binalingan ko ito bago buhatin ang anak ko mula sa kinauupuan.
"What is it?" Si Lei na ang sumagot sa kanya nang hindi ko ito agad binigyang pansin.
Mukhang ayaw pa nitong sabihin ngunit mukhang natakot ito sa mga tinging ipinukol sa kanya ng kapatid ko.
"Some of the Third generation Adlerstein's are outside." Imporma na nito.
At sa di namin malamang dahilan ay biglang tumayo si Lei at nauna nang tumakbo palabas ng dining room. Pero nang may maalala ako ay tinanong ko ang aking butler. "Is Helena Torrel with them?"
"HIL! Hil! Hil!" Bigla namang sigaw ni Raiko na tuwang-tuwa. Hindi ko na lang muna pinansin ang anak ko.
"Young Master Lei's girlfriend is not with them, Master. But Mr. Hunter Dela Forte wants to talk with you. Pasensiya na po Master, hindi na namin sila napigilan kanina sa pagpasok ng village. They outnumbered us."
"Take Raiko." At inabot ko sa kanya ang anak ko. And when I passed through the dinings doorway, the two mafia men guide me to the living room.
Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang iba't ibang ingay na nagmumula sa sala. Mga tawanan ng mga bata ang mas nangingibabaw doon. At nang makarating ako doon ay pinanatili ko ang emosyong naiinis ako sa mga presensiya nila. Hindi ko maipaliwanag pero iyon na ang nararamdaman ko simula nang makaharap ko sila.
Nang mapansin ako ni Dela Forte ay agad itong tumayo saka initusan ang mga batang kasama na lumabas na. Nagsitakbuhan naman ang mga ito, nag-uunahang lumabas at nag-iingay pa rin.
"Hi!" Bati naman ng nurse na kasama ni Dela Forte. Siya iyong humila sa amin ni Lei noon sa hospital para makaalis sa gulo.
Hindi ko siya pinansin kaya kaya masama ang tingin na ipinukol sa akin.
"Why were you in a rash, Lei?" Baling ko sa kapatid ko na ngayo'y parang nawalan ng buhay. Nakasimangot ito.
Kahit alam ko naman ang dahilan ay tinanong ko pa rin siya. Elen Torrel wasn't around.
"W-wala Kuya, babalik na ako sa kusina." At walang salita na siyang umalis. Hinayaan ko na lang. alam kong nangungulila pa rin siya kay Elen
"Anong kailangan mo Dela Forte?"
"Wala naman, gusto ko lang ipaalam na narito kami."
My forehead creased when I heard his reason. Anong akala niya sa bahay ko, pasyalan? At ang lakas naman ng loob nila na magtungo dito sa village. At bakit walang ginagawa ang mga tauhan ko?
"Kuya Glenn, pagpasensyahan mo na itong si Kuya Hunter. Nandito kami kasi gusto kang makausap ni Tito Reiko at Tita Noemi. Pinapasundo ka nila." Masyadong mahinhin ang pagkakasabi niya.
My forehead creased. At bakit naman ako kakausapin ng mga susunod na mamamahala ng kanilang pamilya.
I already met the couple at maraming katanungan sa isip ko na nabuo noong makaharap ko sila.
Una ay noong sabihin ni Noemi na inalagaan ako noong bata pa ako. Totoo nga ba iyon? At papaanong magkakilala ang ina ko at siya? Eh ang pagkakaalam ko magkaaway ang pamilya namin at ang mga Adlerstein. At isa pang gumugulo ay ang pagpunta ni Reiko sa paaralan. At ang pakay niya ay tungkol sa kanyang anak. Dalawa lang naman ang alam kong anak niya.
Si Naomi at si Chester. Ang si Chester ay ang napabalitang namatay noon sa pagsabog sa matrix auction ngunit buhay naman pala. At ang panganay na si Naomi ang kamukha ng asawa ko na pinaghihinalaan ko na siyang talagang asawa ko.
...
Baon ang paghihinala na ang asawa ko ay isa talagang Adlerstein, walang alinlangan akong sumama sa kanila. Nais pa nga nilang isama ko ang anak ko ngunit matinding pagtutol ang ginawa ko. Hindi ako sigurado sa tutunguhin namin at ayaw kong madamay ang anak ko. Lalo pa't hindi pa siya magaling. At isa pa hindi ko rin alam kong ano talaga ang binabalak ng mga ito.
"Hey, Kuya Glenn, huwag ka nga ganyan tumingin! I'm getting scared, you know!" Baling sa akin nitong brat na si Shontelle. Siya ngayon ang naka-upo sa harapan katabi ni Dela Forte.
Tsk! Hindi ko pinansin ang batang ito. Wala akong time makipaglukuhan ngayon.
"You're too serious, Graeme!" Sabi naman nitong Dela Forte na siyang nagda-drive ngayon. "And please tell your men to keep distance on my car. Goodness, baka magasgasan!" But I did not do what he said. Bahala siya diyan.
And my men? I did not ordered them to come but they came on their own will.
"Yah! Hmft! Ang boooooring dito, sana sa kabila na lang ako sumakay. It's so nice talking to you, Kuya Glenn!" Sarcastic na sigaw ng brat na ito.
"Will you please shut up, Shontelle!" Paninita nitong katabi ko sa likuran na si Nika Thomas.
And Thomas? I wonder if she's related to mafia Thomas na siyang matagal na ring naglaho sa underworld.
After how many hours of traveling, we've reached the one of abandoned port far from the city. Masyadong tago at masukal ang daanan patungo rito. At halatang matagal nang walang nagagawi sa port.
"We're here!" Hyper na sigaw ng brat na si Shontelle. At mukhang masaya pa ito. Nakita ko na rin na nag-uunahang magtakbuhan ang mga bata sa labas patungo sa kung saan.
"What are we doing here?" I asked them seriously. I'm not afraid sa kung ano mang mangyayari, even I knew that I'm really no match to the Adlersteins.
"You'll see, Kuya!" Nakangiting turan nitong si Nika bago nagpatiunang lumabas. Sumunod naman ang brat sa kanya.
"Hey, Graeme!" Tawag ni Dela Forte. I glared at him and he just smirked at me. "Woah! Quit that stare, I won't do anything harm to you, you know." But then I ignored him. "Okay, here's the thing. We'll going now to our real Residence."
"Real residence?" I asked confused. And he just nodded.
"You'll see!" Then he grinned. After that ay binalingan na niya si Nika. "What are you still doing, Niks? Give the signal already!" He said seriously, but Nika just rolled her eyes.
"Yeah! Yeah!"
Real Residence?
BINABASA MO ANG
SWOTMB II: Super Woman of The Mafia Boss
Aktuelle Literaturloving you wholeheartedly was the wisest decision I made in my life. I will never have regrets!