Lumipas ang isa pang linggo nang magpasya ng mag-online si Girl.
BOY: GB?
GIRL: Bakit, BB?
BOY: Buti naman nag-online ka na.
GIRL: Bakit? Namiss mo ko?
BOY: Tinatanong pa ba 'yan? Syempre hindi. Hahaha. 😂
GIRL: Gano'n ba? Sige, out na lang ako.
BOY: Uy wait! Joke lang 'yon, GB. Syempre namiss kita.
GIRL: Talaga?
BOY: Oo nga. Hahahahaha.
GIRL: Hindi naman ata totoo.
BOY: Ha? Paano mo naman nasabi?
GIRL: Makatawa ka kasi.
BOY: Totoo 'yon ha! Namiss talaga kita.
GIRL: Okay, sabi mo eh.
BOY: GB?
GIRL: O?
BOY: Tutulungan mo na ba ako?
GIRL: Seen.
BOY: Uy, GB?
GIRL: Sige.
BOY: Thank you. Magkita tayo, GB.
GIRL: Ha? Sigurado ka?
BOY: Oo, gusto na kitang makita. Doon kasi sa school, hindi ka nagpapakita. Hindi ko tuloy alam kung ano itsura mo. Mamaya n'yan nasa tabi na pala kita. Hindi ko pa alam. At para madali mo na lang ako tulungan kay crush.
GIRL: Sige. Saan naman? Kailan at anong oras?
BOY: Sa Park, malapit sa school natin. Friday, pagkauwian.
GIRL: Okay. Log out muna ako.
BOY: Sige.Naexcite si Boy na makita si Girl sa personal. Dahil ang totoo n'yan ang crush talaga ni Boy ay ang Girl Bestfriend niya. Paraan lang niya iyon para pumayag itong makipagkita sa kaniya. Dahil sa tuwing niyayaya niya itong makipagkita, umaayaw ito.
Kaya niya ito nagustuhan dahil mabait ito, lagi siyang dinadamayan kapag may problema siya, pinapasaya siya nito. Kaya kahit hindi pa niya ito nakikita, nagkagusto pa rin siya dito.
BINABASA MO ANG
CHAT: Boy and Girl
Short StoryNagsimula ang lahat sa chat. Sa chat nagkakilala. Sa chat naging makaibigan. Sa chat nagkagustuhan. Hanggang sa chat na lang ba ang lahat? Alamin kung ano ang mangyayari sa dalawang taong natutunang mahalin ang isa't isa dahil sa chat. ~*~ A/N: Sana...