CHAT: Waiting For You

29 2 0
                                    

Friday.

Uwian na. Kaya dumaretso na si Boy sa meeting place nila. Nakakaramdam si Boy ng kasiyahan kaya napapangiti siya kaya kahit pilitin niyang h'wag ngumiti ay hindi niya talaga mapigilan.

5:20 pm na, pero wala pa din si Girl. Pero patuloy pa rin si Boy sa paghihintay. Nagbabakasakaling darating si Girl.

Marami ang napapatingin sa kaniya. Karamihan doon ay ang mga istudyante na nag-aaral sa school na pinapasukan niya. Sikat kasi ito. Pero hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga ito.

Napatingala siya sa langit. Nakita niyang makulimlim na ito.

"Uulan pa ata." Bulong niya sa sarili.

Kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya. Binuksan ang messenger at chinat si Girl.

***

Habang si Girl ay nakauwi na sa bahay nila.

Nag-online siya at sakto namang nagmessage sa kaniya si Boy.

BOY: Nasaan ka na? Nandito na ako sa park.

"Anong- MY GOD! Nakalimutan ko!" Sigaw nito.

Napatingin siya sa bintana, dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nagmamadali siyang bumaba at kumuha ng payong. Sakto namang nakita siya ng kaniyang ina.

"Anak, saan ka pupunta?"

"May pupuntahan lang ako saglit, Ma."

Tumakbo na ito palabas pagkasabi no'n, dahil alam niyang hindi siya nito papayagang umalis.

***

Nakayukong nakatingin si Boy sa cellphone niyang nababasa na ng ulan.

GIRL: Seen.

"Hindi na siguro siya pupunta."

Mayamaya ay nagtaka siya dahil parang hindi na siya nababasa. Napaangat siya ng tingin.

Doon nakita niya ang isang babaeng pinapayungan siya at hinihingal pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Doon nakita niya ang isang babaeng pinapayungan siya at hinihingal pa.

"Sorry kung ngayon lang ako."

CHAT: Boy and GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon