CHAT: Finally (The End)

31 2 1
                                    

"Sorry kung ngayon lang ako." Paumanhin nito sa kaniya. Nagulat si Boy.

"I-Ikaw si GB?" Tanong niya dito.

Ngumiti ito at dahan-dahang tumango. Hindi siya makapaniwala na ang Girl Bestfriend niya ay ang babaeng nasa harapan niya.

Dahil ang babaeng nasa harapan niya ay ang dati na niyang nagustuhan. Pero hindi siya nito tinatapunan ng tingin, na para bang hangin lang siya. Kaya hanggang tingin na lang siya dito.

Napakaganda nito. Halos lahat ng mga lalaki sa school ay may gusto dito. Napakatalino pa nito. Marami ang nanligaw dito pero lahat ay binasted nito kaya hindi na siya nagbalak pa na ligawan ito.

Sa sobrang saya niya ay bigla niya itong niyakap.

"Akala ko hindi ka na darating."

"Sorry, nakalimutan ko kasi. Sorry talaga."

"Okay lang, dumating ka rin naman." Kumalas na sila sa yakap.

"Uumpisahan na kitang tulungan d'yan sa crush mo."

"Hindi na kailangan."

"Ha?" Kumunot ang noo ni Girl sa tinuran ni Boy. Napangiti si Boy sa nakikitang pagtataka sa mukha ni Girl.

"Nasa harapan ko na kasi siya." Nagulat si Girl.

"A-Anong-"

"Ikaw ang crush ko, GB."

"Wait! Paanong nangyari 'yon? Sabi mo maganda ang crush mo." Takang tanong nito kay Boy.

"Maganda ka nga."

"E nang sinabi mo 'yon, hindi mo pa ako nakita."

"Hindi pa nga." Nakangiti ng malapad si Boy. At si girl ay sobrang nagtataka kay Boy.

"Ang labo mo. E paano mo naman nasabi na maganda ako?"

"Dahil dito." Tinuro nito ang dibdib nito kung nasaan ang puso niya.

"Ha?"

"Kahit hindi kita nakikita, alam naman ng puso ko na maganda ka." Nagblush si Girl.

"Tss. Baliw ka talaga." Natawa silang dalawa.

"So, pwedeng manligaw?"

"Hep! Crush mo lang ako. Crush is paghanga lang."

"Sus! Do'n rin naman papunta 'yon."

"Hin-" Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Girl nang bigla siya nitong yakapin.

"Pumayag ka na kasi."

"Tss. Oo na, oo na." Bumitaw na sila sa yakap.

Nagkatitigan at biglang nagtawanan.

~*The End*~

CHAT: Boy and GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon