Chapter One

20 2 0
                                        

ANNE MARGAUX'S POV

*Tok! Tok! Tok!*

"Anne? Baby!"

*Tok! Tok! Tok!*

"Baby wake up na!"

*Tok! Tok! Tok!*

"Baby! Wake up!" Si mom.

"Ugh!!! Why mom?" Naka pikit na sabi ko.

"Gising na baby! Baka malate ka!" Sigaw ni mommy sa labas ng room ko.

"Mom ano ba! It's too early." Sinilip ko ang Digital clock ko sa side table at tinignan ang oras gamit lamang ang isang mata "6 o'clock in the morning palang mom! And I'm still sleepy, Can I sleep more? even for just 30 mins.?" Pabalik kong sigaw kay mom.

"No, you can't sleep more, Baka ma-late ka sa school nyan. This is your first day of school here in Laguna!" Pumasok si mom sa room ko ng di ko man lang namalayan na binuksan nya pala yung door.

"I know that mom. Pero inaantok pa ako eh"

"Sige na baby tumayo kana, at mag ready kana, ok?" Paglalambing ni mommy

"Do i have a choice? Ok mom, Magre-ready na. By the way, Thank you" naka ngiti kong sabi at tumayo na ako sa kama at pumasok na sa loob ng washroom.

After 30mins. na pagligo ko. Lumabas na ako ng washroom. Nakita ko yung bagong school uniform ko sa ibabaw ng bed ko. 3inches above the knee black skirt, white blouse na may black necktie din and yong black longsleeves coat na may logo ng JAM International School, nasa ibabaw rin ng bed ko yung gagamitin kong bagong white high-socks and yung new black shoes kong may heels, hindi kasi uso sa high school ang hindi naka uniform pag firstday of class. Tanging mga College Students lang ang mga hindi naka uniform pag firstday of class, or should I say fist week of class.

After 20mins. natapos ako sa pag aayos ng sarili ko. Nag spray lang ako ng perfume at sinout ang wrist watch ko at bumaba na ako sa dining para mag breakfast.

"Morning mom, Morning yaya. Bati ko sa kanila. "Mmmm? Ang bango naman niyan" nakangiti at nakapikit kong sabi, mula sa sala amoy na amoy kasi ang niluluto nila "What's for breakfast mom? Is that my favorite?"

"Good Morning baby" naka ngiting bati ni mom sakin sabay kiss sa cheeks ko.

"Good morning din Margaux" bati din ni yaya sakin at ngumiti pa. "Ipinagluto ka ng mommy mo ng paborito mong creamy carbonara, kasi baka daw na-miss mo daw kumain ng paborito mong luto nya, kaya nagluto siya niyan" dagdag pa niya.

"Aaah! Sabi ko na eh, tama ang pang-amoy ko. Na-touch naman ako. Na-miss ko talaga tong luto mo mom. Thanks mom. You're the best mom talaga, hahaha" nata-touch na sabi ko kay mom.

"Welcome baby, Basta for you I will do everything. Na-miss ka kaya namin ng sobra-sobra" 

"Na-miss ko rin kayo ng sobra-sobra. Where's dad, mom?"

"Maagang umalis ang daddy mo, may meeting daw kasama yung mga daddy nila Charm, Aiah and Joy. Kamusta na nga pala sila?"

"Ganon ba mom? Hindi ko pa nakikita si dad simula kagabi nong dumating ako." Naka simangot na sagot ko. "Okay naman silang tatlo, ganon pa rin naman mga brats pa rin."

"Papuntahin mo sila dito one time para makapag bonding din tayo, kasama sila."

"Okay mom. I will tell them na pinapa-punta mo sila dito."

Let Me Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon