ANNE MARGAUX'S POV
"Are you okay A?" Tanong bigla ni joy ng makapasok sila sa Exec.Room
"Anong nangyari sayo" tanong din ni charm.
"May problema ba?" Sunod na tanong din ni Aiah
"Wala naman. Nagugutom na kasi ako" pagsisinungaling ko. Naniwala naman sila at nagkanya kanya na.
"Akala ko naman kung ano na" sabi ni joy
"Firstday na firstday kaka-stress na, puro pakilala at mga walang kwenta na pag uusap. Dumagdag pa si daddy, haaay" buntong hininga ni Aiah habang naka upo sa dulo ng mahabang couch, nakasandal ang ulo at naka cross legs. Bigla nalang nawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko, at napalitan ng pagka-stress.
"Oo nga! Paulit ulit nalang na pakilala, halos kabisado ko na nga lahat ng mga classmates natin" naka cross arm at cross legs na sabi ni charm habang naka upo sa tabi ni Aiah.
"Here! Uminom nga muna kayo ng ma-fresh'en up naman yang mga utak niyo. Ang nege-nega niyong tignan" inabot ni joy sa'min ang bottled water na kinuha nya sa ref.
"Hindi ka ba stress?" Tanong ko sakanya habang naka crosslegs at crossarms ako sa single couch at nakasandal.
"May sinabi ba akong hindi ako stress. Syempre stress din ako no. Ayaw ko lang ipakita kasi ayaw ko ng nega" pilosopong sabi ni joy.
Kinapa ko sa loob ng bag ko yong yosi ko kumuha ako ng isang stick at sinindihan. "Oh!" Hinagis ko sa center table yong kaha ng yosi at lighter.
"Talagang stress ka ha!" Naka ngisi na sabi ni Aiah, kumuha din siya at sinindihan
"Ngayon mo lang ba nahalata?" Sarkastik na sabi ko. Kumuha din si joy at charm saka sinindihan. Eto ang isa sa nagpapatangal ng stress namin.
"Actually kanina pa. Lutang ka eh!" Sabay hithit nya sa yosi at binuga yung usok papunta sa akin.
"Alam mo naman pala eh" ganon din ginawa ko sakanya.
Di na sya nagsalita. Wala ng nagsalita sa amin. Nong naubos ang yosi na sinindihan namin, sakto na may kumatok.
*Tok! Tok! Tok!*
"Baka yung lunch na natin yan" sabi ni Charm
"Buksan mo Joy" utos ni Aiah
"Ako talaga girl? Pwede ka naman sumigaw at papasukin mo nalang di ba?" nilakihan lang ni Aiah ng mata si Joy
"Of course My Highness bubuksan na ang pinto" pang aasar ni joy na hinawakan pa ang skirt tsaka nag bow sa harap ni aiah, pumunta siya sa pinto at binuksan yon. Tama si charm yong lunch na namin yon.
"Paki lagay nalang don sa dining table" utos ni joy sa server.
"Ba't ngayon lang yan. Kanina pa ako tumawag kay miisha para dalhin dito yang lunch namin" tanong ni Aiah sa server.
"Sorry Miss Aiah, may kaunti po kasi na hindi namin naintidihan kanina sa tawag ni miss miisha, Kaya inulit po namin yong order niyo, pasensya na po talaga Miss" paliwanag ng server
"Sa susunod na mangyari pa to. Mag-resign na kayo bago pa makarating sa president ang mga kapalpakan niyo. At ako mismo ang magsasabi na tangalin kayo sa trabaho niyo. UNDERSTAND?!" diniinan nya pa ang huling sinabi nya. Magulat-gulat na tumango nalang ang server.
"Y-y-yes M-m-miss A-Aiah" utal utal na sagot ng server.
"OUT!!" Malakas na sigaw ni Aiah. Mabilis na lumabas ang server, yumuko pa siya bago isara ang pinto. Sinundan yon ni Joy at nilock.

BINABASA MO ANG
Let Me Love You
RastgeleWhat if ang isang... MAGANDA... MATALINO... MAYAMAN... At isang MS. PICTURE PERFECT Ay ma-InLove sa isang.. MATALINO... GWAPO... HINDI KAYAMANAN... at SIMPLE na lalaki?? Ano kaya ang mangyayari sa Love Story nila? May "HAPPY ENDING" nga bang matataw...