Bakit? Bakit lagi na na lang "KAYO"? Di ba pwedeng "TAYO" naman? Paano kaya pag naging tayo? Hanggang pangarap na lang ba? Alam kong may mahal ka ng iba. May pag-asa pa ba ako? Para sa'yo ito, sulat ng isang tangasa kakahabol sa isang taong iba naman ang hinahabol. Ano bang magagawa ko sa'yo? Di ko naman kayo mapipigilan. Ang kaya ko lang naman ay ang magpakatanga. Lagi namang ganon diba? Ako lang naman lagi ang iniiwan. Ako lang naman lagi ang umaasa diba? Ikaw naman tong paasa. Mahal na mahal kita pero di mo ko mahal at alam ko kahit kailan di mo ko magagawang mahalin. Masakit para sa akin pero hangga't kaya ko kakayanin ko. Mahal kasi kita eh. Dalawang salita lang naman ang di mo kayang sabihin. "MAHAL KITA". Yan ang di mo kayang sabihin kasi di mo kayang iparamdam sa akin. Lahat na ng salita kaya mong sabihin. Yun lang ang inaantay ko marinig pero alam ko na di ko na yun maririnig mula sa'yo. Pero mahal, mahal padin kita.
YOU ARE READING
JADE APHRODITE REINHART POETRY❣️
De TodoAko si jade aphrodite reinhart isang babaeng nasaktan ng mga lalaki at mga kaibigan at sa bawat taong ito ginagawan niya ng isang sulat.