Tayong Dalawa

46 0 0
                                    




"Juls! Bumangon ka na diyan at baka ma-late ka na naman sa klase mo," sigaw ni Mamu Camille habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

"Wait lang Mu, 5 minutes!" ang sigaw ko pabalik habang nagkukumahog na pumunta ng banyo para maligo.

"Nakakainis naman! Nakalimutan ko na naman mag-alarm," ang mahinang bulong ko sa sarili ko.

Madalas akong ganito, 5 minutes lang, larga na ako para pumasok sa eskwelahan. Lagi kasi akong napupuyat dahil sa Online Business na inaasikaso ko gabi-gabi. Tulog mantika din kasi ako at madalas ko pang makalimutan mag-alarm bago matulog. Idagdag mo pa ang realidad na napakahirap bumangon ng ganito kaaga.

Ay oo nga pala, ang rude ba? Nakalimutan ko kasing ipakilala ang sarili ko.

Hi. Ako nga pala si Julia Victoria Park – half Pinay, half Koreana at madalas na tawag nila sa akin ay Juls. Simple lang ako at pati na rin ang buhay ko. Tipikal na estudyante sa umaga, hindi gano'n katalino pero pwede na at negosyante tuwing gabi. Kailangan ko kasing kumita dahil wala ng taong bumubuhay sa akin. Namatayan ako ng parents 3 years ago dahil sa isang car accident kaya naging independent na ako simula nang maiwan ako dito mag-isa.

Oo, gumuho ang mundo ko noon nang malaman kong wala na sila dahil sobrang biglaan lang ng mga pangyayari pero kahit naman ganoon ay thankful pa rin ako dahil hanggang ngayon kasama ko pa rin ang nanay-nanayan kong si Mamu Camille.

Si Mamu ang Yaya kong nag-alaga sa akin since birth, matandang dalaga at wala ring anak kaya kami nalang ang magka-pamilya ngayon.

Masaya ako sa buhay ko kahit ganito dahil sa mga taong nandiyan pa din pa rin para sa akin. I have already moved on at tuloy pa rin ang buhay namin ni Mamu. Never naman kami pinabayaan ng Diyos at malapit na rin naman ako magtapos sa kursong BS in Entrepreneurship.

Natigil ako sa pag-iisip ko nang magulat ako sa sigaw ng Mamu ko.

"Jusko naman, Juls! Anong petsa na?!" rinig kong reklamo niya sa akin na nagmula pa sa unang palapag ng bahay namin na iniwan sa akin ng mga magulang ko.

"Ito na Mu, matatapos na!" habang nagmamadaling lumabas ng banyo para kuhanin ang aking uniporme sa kabinet.

Lagot na naman ako nito sa maaabutan kong first subject. Ang sabi ko nalang sa aking isipan habang nagdadasal na sana ay hindi ako ma-late.

Nang matapos akong magbihis, magsuklay at magpabango ay lumarga na ako para mag-almusal sa baba.

Nakita kong tapa at itlog na paborito kong ulam ang almusal kaya mas napabilis ang takbo ko.

"Mu, goodmorning!" ang bati ko kay Mamu na nasa kusina.

"Hay nako, Julia! Bilisan mo at walang good sa morning!" ang sabi niya naman. Tinawag niya ako sa buo kong pangalan at ibig sabihin lang noon ay beastmode ang Lola mo!

"Mu, meron good sa morning 'no!"

"Ano?" tanong niya habang nagtataka sa kung anong isasagot ko.

"Sino pa ba, Mu? Syempre ikaw." Ang bola ko sakaniya habang ngumingiti at pataas-taas pa ang kilay.

"Tigil-tigilan mo nga akong bata ka at bilisan mo na kumilos diyan." Ang sabi niya kahit nahalata kong muntikan na siyang ngumiti sa pangbobola ko sakaniya.

Tayong DalawaWhere stories live. Discover now