Chapter 7: Blackmail

37 2 0
                                    

(Yan-yan's POV)

Lunch break na pero bakit kaya wala pa rin si Mat-mat lagi naman silang nauuna pinapalunch ng teacher nila hindi gaya nung samin na kulang na lang hindi na kami pakainin. Ang sipag kasi magturo ng teacher na yun pero hindi ko sinasabing tamad magturo yung mga teacher namin sadyang nasobrahan lang yung isa.

"Hi Yan. Kanina pa ba tapos klase nyo? "

Sa wakas dumating na din si Mat at kasama nya si Samantha. Nagnod na lang as my answer to Mat.

"Tara na kumain na tayo."

Yaya ko sa kanila tapos hinila ko na si Mat papuntang canteen. Napansin kong napatingin si Sam sa kamay ko na nakahawak kay Mat tapos tumingin sya sakin kaya nginitian ko sya. Hindi lang siguro sya sanay na may nakikitang babaeng nakakadikit kay Mat. Suplado kasi tong best friend ko eh at bihira lang makipag usap sa mga babae.

"A...a...ano mauna na lang pala kayo sa canteen."

Napatigil kami sa paglalakad ni Mat at tumingin kay Sam.

Bakit kaya hindi sya sasabay samin?

"Ha? Bakit? Diba sabi mo kanina gutom ka na?" tanong sa kanya ni Mat.

"Naalala ko kasi na nagyaya pala si Kaily kanina. Sige bye!!"

May sasabihan pa sana si Mat kaya lang mabilis na nakalayo si Sam. Nagkatinginan na lang kami na para bang nagtatanong kami sa isa't isa kung anong nangyari kay Sam.

"Ewan ko"sabay taas ng balikat. "Tara na nga sa canteen. Gutom na ko eh." yaya sakin ni Mat.

Kaya ayun dalawa lang kaming naglunch ni Mat. Ang weird naman ni Sam o baka talagang may lakad lang sya o di kaya sinungitan na naman nitong magaling kong best friend.

"Hoy Mr. Sungit!! Pati ba si Sam sinungitan mo?" tanong ko kay Mat.

"Grabe talaga to ako na naman sinisi mo. Wala akong ginagawa dun ah."

Kung wala namang ginawa sa kanya si Mat baka may lakad nga lang talaga sya.

"Nagtatanong lang naman. Baka kasi pinairal mo na naman ung pagkamasungit mo."

"Di mo ba narinig ung sinabi nya? May nagyaya nga sa kanya. Kumain ka ba nga lang jan kung sino sino pa iniintindi mo"

Concern lang naman ako nasermonan pa tuloy ako. Pinagpatuloy ko na lang ung pagkain ko para makabalik na kami sa mga room namin.

Pagkatapos namin kumain nagmadali na kaming bumalik sa room naman. Hindi na ko nagpahatid pa kay Mat sa room kasi konting oras na lang ung natitira baka mahuli sya sa klase nya.

Nung malapit na ko sa room natanaw ko na ung teacher ko kaya nagmadali na ko para maunahan sya kaya lang napagalitan ako pagdating nya sa room namin.

"Miss Lopez did you forget that it is not allowed to run in the corridor?" sermon sakin ng teacher ko.

"Sorry po malalate na po kasi ako."

Sana naman makalusot ako.

Please...........................

"Panong hindi malalate eh nakikipagharutan pa sa canteen." bulong ni Rachel.

Talaga tong si Rachel walang pinapalampas pagdating sakin buti na lang wala masyadong nakarinig sa kanya.

Ayon nagklase lang ng nagklase. Hanggang sa wakas dumating na din ung uwian namin. Hindi ako mahahatid ni Mat-mat kasi may practice daw sila ng basketball malapit na kasi mag umpisa ung interschool competition.

Kasali din ako dun naglalaro ako ng badminton para sa school namin. Kami ung overall champion last year dahil lagi kaming first sana pati ngaun magchampion ulit kami.

Pagdating ko ng bahay nakita ko si daddy sa may garden at may kausap sya sa phone. Sino kaya un bakit mukhang problemado si daddy kaya nilapitan ko muna si daddy bago ako umakyat sa room ko.

"Hi dad!!"

Binati ko muna sya tapos binaba nya agad ung phone parang may tinatago sya sakin.

"Dad may poblema po ba?"

"Wala anak. Everything is fine. Sige na you go to your room na. Take a rest."

Bakit ganon pakiramdam ko talaga may tinatago sakin si daddy. Kung ano man un I know malalaman ko din and I'll just wait na lang na ikwento un sakin ni daddy.

Nagkiss muna ako kay daddy then umakyat na ko sa room ko. Makapagfacebook nga muna wala naman kaming assignments ngaun. Pagopen ko ng fb ko may isa akong friend request. Tiningnan ko muna yung profile nya same school kami pero wala syang picture at kagagawa lang ng fb nya. Inaccept ko na lang schoolmates naman kami then nagmessage agad sya sakin.

"Hi!" bati nya sakin.

"Hello" 

Ang tipid ng reply ko noh? Hindi ko naman kasi sya kilala.

"I have an offer for you."

Ano daw offer?

Para san?

Baka naman manloloko yan at naghahanap lang ng mabibiktima nya. Naku kailangan kong mag ingat. Mag sasign out na sana ako kaya lang may pahabol syang sinabi.

"I know Kurt's secret"

WHAT!!!!! Oh no!!! Pano nya nalaman un?? Pili lang ang may alam nun.

"What do you want??" nakakaasar to. Ano kayang kailangan nya.

"I want Kurt." sagot nya.

Eh bakit ako ginugulo nya kung kay Mat pala sya may kailangan.

"Then?? Ano naman pong kinalaman ko jan?" naiiritang reply ko sa kanya.

"I want you to stay away from Kurt."

This person is really insane. I can't do that! We're best friends. Sino ba sya sa tingin nya para utusan akong lumayo kay Mat.

"What if I don't want to?"

Asa sya di ko lalayuan ang best friend ko.

"You don't have a choice. Or else you want the whole campus to know his secret."

Grabe sya bakit ganon ung ginagawa nya.

Anong gagawin ko??

Hindi ko ata kayang malayo sa best friend ko pero pag di ko ginawa un malalaman ng buong campus ung secret nya at alam kong sobra syang malulungkot pag nangyari un.

"I'll give you until tomorrow to think about it. Bye!!"

Grabe sya bukas agad?

Sa tingin nya ba ganon lang kadali ung pinapagawa nya?

Hello? Best friend ko lang naman ung pinalalayuan nya sakin at hindi lang basta basta best friend dahil maliit pa lang ako magkasama na kami.

Anong gagawin ko??

So close, but still so farTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon