Chapter 10: I have to hide

34 2 0
                                    

(Mat-mat's POV )

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng huli kong nakita ang best friend ko at ngaun umpisa na ng summer vacation namin pero nandidito pa rin kami sa school para sa practice namin. Dibdibang practice na to kahit na sa September pa ang interschool competition kailangan kasi naming mamaintain ang pagiging champion namin 4 consecutive years na kaming champion.

"Ui pare napapansin ko this past few days lagi kang wala sa sarili mo." sabi sakin ni Carlo. "May problema ba?"

"Wala to. Ayos lang ako."

"Sigurado ka? Ang weird mo kasi."

Weird??? Ako???

Isang insulto ata yun sa isang naturingang campus heartthrob. May pagkaprangka din tong si Carlo kaya talagang nagkakasundo kami.

Maagang natapos ung practice namin kaya naisipan kong yayain yung mga barkada ko na dumaan muna kami sa practice ng badminton sa kabilang court para magkita na kami ni Yan.

"Pare sino bang pupuntahan natin dun?? May maganda bang chicks dun?"sabi ni Tom ang pinakachickboy sa tropa namin.

"So Yan pupuntahan ko dun." sagot ko sa kanya.

"Diba pare un ung best friend mo?" tanong na naman nya.

"Tumpak!" sagot ni Carlo.

Pagkasabi na pagkasabi nun ni Carlo biglang umakbay sakin si Tom. Yang mga ganyang moves ni Tom basang basa na yan ng tropa.

"Pare ung kamay mo. Wag mo sabihing nadedevelop ka na sakin? Hahaha " biro ko kaya Tom.

"Ui pare hindi ah. Sayang naman tong kagwapuhan ko ng bibigay ako. Tsaka maraming babaeng iiyak pag nangyari yun. Hahahaha "

(Yan-yan's POV)

Nakasurvive na ko ng isang linggong hindi nagpapakita sa best friend ko. Mahirap, sobra pero wala akong magagawa. Kailangan ko na tong panindigan naumpisahan ko na at para to sa kapakanan ni Mat.

Buti na lang na umpisa na ng summer namin kaya hindi ako mahihirapan na umiwas kay Mat. Parehas kaming busy sa mga practice namin kaya impossible na magkita kami. Puspusan na kasi ung pagpapapractice ng bawat team na kasali para sa interschool kahit na sa September pa naman un. Ayaw kasi ng principal namin na nakakamiss kami ng lecture kaya every summer ung practice.

"Ui Kristen break time muna tayo. Ang sakit na ng katawan ko. Para kang amasona humampas." sabi sakin ni Aaron teammate ko.

"Pasensya na Aaron."

Ilang araw na kong ganito. Sa mga kateam ko sa badminton nabubunton ung sama ng loob ko dun sa taong nang bablackmail sakin.

Tama ang iniisip nyo di ko pa rin alam kung sino ba yung nang bablackmail sakin pero ang hula ko si Rachel un. Sino pa nga ba? Eh diba nung kelan lang binagbantaan nya ko kasi ayoko layuan si Mat.

"May problema ba Kristen??" tanong sakin ni Aaron.

"Ha? Wala ah. Ayos lang ako." 

"Sigurado ka? Para ka kasing nasasapian hahaha."

"Nasasapian?" 

"Oo. Kasi nga para kang amasona. Ano nga nangyari dun sa Kristen na swabe lang maglaro? Ung kahit mukhang mahinhin maglaro wala namang nakakatalo sa kanya."

Para akong natauhan sa sinabi ni Aaron. Ganto ba talaga kalaki ung epekto sakin ng paglayo ko kay Mat kaya may mga nagbago sakin?

"Seryoso ka Aaron?"

Tumango lang sya bilang sagot nya sa akin. Maya maya lang may narinig kaming mga babaeng nagtitilian sa may labas. Tapos nagsipagtakbuhan ung mga teammates kong babae palabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So close, but still so farTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon