Chapter 5: I'm so Lucky to have Mat

18 2 0
                                    

(Mat-mat's POV)

Gumising ako ng umaga para sunduin si Yan-yan pati na din si Sam. Para sabay sabay na kaming pumasok. Naisip ko kung kasama ako ni Yan-yan pumasok hindi magkakaron si Rachel ng chance para awayin ang best friend ko.

Pagkatapos kong magbreakfast lumabas na ko para daanan si Sam tapos si Yan-yan.

Bakit Sam ang uunahin ko?

Kasi mas malapit at mas mauna kong madadaanan ang bahay nila Sam kesa kanila Yan-yan.

Nung malapit na ko sa bahay nila Sam nakita kong papalabas na sya ng bahay nila. Nginitian ko sya habang papalapit na ko sa kanya pero bakas sa mukha nya na nagtataka sya. Bigla ba namang lumingon sa likod nya.

Sino pa ba sa tingin nya ung nginingitian ko?

"Hey good morning Sam!"

Binati ko nga sya para naman marealize nya sya ung nginingititan ko kaso di naman ako liningon miski binati. Ano kayang poblema nito?

"Hey.. good morning. Di mo ka manlang ba haharap at babatiin din ako?" binati ko sya uli pero by this time medyo lumapit ako.

"Good morning Maa.."

Biglang humarap si Sam at di ko un inaasahan kaya naging sobrang lapit namin sa isa't isa. Para kaming nalock sa ganong position kasi walang nakagalaw saming dalawa. I have to do something bago pa kami magtagal sa ganto. Isip Kurt Mathew. Paganahin mo ang pagkagenius mo.

"Ahmm anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Sam.

Tapos medyo umatras sya at yumuko. Sana naman hindi kami magkailangan.

"Ha? Ano kasi eh susunduin ko si Yan-yan kaya naisipan kong dumaan na din dito para sabay sabay na tayo."

Pagkasabi ko nun napansin Kong biglang nawala ung mga ngiti sa mukha nya.

Teka may nasabi ba kong mali?

"Sam ok ka lang?"

"Oo ayos lang ako. Tara na."

Bigla ulit syang nagsmile pero mukhang pilit lang. Ano kayang nangyari sa kanya. Saglit lang nakarating na din kami sa bahay nila Yan-yan. Hindi naman halatang excited na sya kasi nasa labas na sya ng bahay nila naghihintay samin.

"Good morning Mat! Good morning Sam"

Itong babae na to napakataas lagi ng energy kahit na hindi maganda yung mga nangyayari sa kanya sa school ganado parin syang pumasok hindi gaya ng ibang mga nabubully na ayaw ng pumasok.

"Good morning din. Tara na!" yaya ko sa kanila baka kasi malate pa kami.

Malapit lang naman ung school namin. Mga 10minutes lang kong lalakarin tapos 3 minutes lang kung sasakay ka.

Sa wakas nasa school na rin kami. Papunta na kami ngaun sa mga rooms namin pero ihahatid na muna namin si Yan-yan sa room nya.

"Hey Yan are you sure na ayaw mong lumipat ng section?"

Matagal ko na kasi syang pinipilit na lumipat sa section namin para mas mabantayan ko sya at syiempre para malayo na sya kay Rachel.

"Hindi na Mat. Ayos lang ako dito. Magtataka lang si daddy pag nagpalipat ako ng section."

Haaay ang hirap talaga nitong kumbinsihin ng babaeng to masyadong nagpapakamartyr pwede naman lumipat na lang sya.

Ano bang meron sa mga classmates nya na wala samin?

Di hamak na mas friendly kami compare sa mga classmates nya.

"Sige kaw bahala pero mas mabantayan kasi kita kung classmates tayo. Tsaka ayaw mo nun lagi tayong magkakasama."

Isa pang try baka mapilit ko na sya. Wala namang mawawala kung kukulitin sya.

"Wag ka mag alala Mat ayos lang ako dito. Kaw ah masyado mo akong iniispoiled baka masanay ako nyan." pabirong sabi sakin ni Yan-yan.

"Edi masanay ka lagi lang akong nandito para sa best friend ko. Promise di kita iiwan at lagi kitang poprotektahan."

Ang drama ko naman panigurado tatawanan na naman ako nito. Pero totoong naman talaga mga sinabi ko. Lagi lang akong nandidito para sa kanya.

"Thanks Mat!!! Kaya love na love kita eh."

Bigla syang yumakap sakin. Himala ata at hindi ako tinawanan nito.

"Don't worry Mat tatandaan ko yan. Sige na papasok na ko. Kita na lang tayo mamaya ah." tapos umalis na kami ni Sam para pumunta na sa room namin.

(Sam's POV)

Dumating na kaming tatlo sa school tapos hinatid muna namin si Yan-yan sa room nila bago kami dumiretso sa room namin. Pagdating namin sa tapat ng room nila Yan-yan kinulit sya ni Mat na lumipat na sa section namin.

"Hey Yan are you sure na ayaw mong lumipat ng section?"

Haay ang bait naman nitong si Mat talagang concern sya sa best friend nya.

"Hindi na Mat. Ayos lang ako dito. Magtataka lang si daddy pag nagpalipat ako ng section." 

Pwede naman kasing magsumbong na lang sya sa daddy nya para matapos na ung mga pambubully sa kanya kaso masydong mabait tong si Yan.

"Sige kaw bahala. Pero mas mabantayan kasi kita kung classmates tayo. Tsaka ayaw mo nun lagi tayong magkakasama."

Ang sweet naman nitong magbest friend na to.

Magbest friend nga lang ba talaga sila?

Baka naman eto yung pinapahiwatig sakin ni Kaily kahapon?

Baka they're secretly on na at nakaset na sila para ikasal.

OUCH!!

"Wag ka mag alala Mat ayos lang ako dito. Kaw ah masyado mo akong iniispoiled baka masanay ako nyan."

Ahmm excuse me sana marealize nilang nandito din ako. Feeling ko magiging O.P ako sa dalawang to.

"Edi masanay ka. Lagi lang akong nandito para sa best friend ko. Promise did kita iiwan at lagi kitang poprotektahan."

Ouch sakit namang marinig nun. Dapat lang na itigil ko na talaga tong kahibangan ko kasi wala naman akong mapapala.

"Thanks Mat!!! Kaya love na love kita eh."

Wow may kasama pang yakapan at sa harapan ko pa.

Hello nandito po ako.

May nasasaktan po dito!!!!

Sana pwede ko isigaw un kaso ano bang karapatan ko na gawin un?

WALA!!! Kaya i should shut up na lang.

"Don't worry tatandaan ko yan. Site na papasok na ko. Kita na lang tayo mamaya ah."

Haaay sa wakas makakaalis na kami kanina ko pa gustong maglaho sa pwesto ko masyadong masakit eh. Bakit ganon para akong nabagsakan ng isang napakalaking cabinet. Kung sobrang saya ko kanina ngaun naman daig ko pa ang lantang gulay.

Lakad na lang ako ng Lakad. Teka di naman ganon malayo ung room ko mula sa room nila Yan pero bakit parang ang tagal ko makarating sa room.

"Sam ano sa tingin mo?"

Hala kinakauap pala ako Mat. Kung ano ano naman kasi iniisip ko eh yan tuloy di ko narinig ung mga sinabi nya.

"Ha? Ano ulit un?" 

Wala naman kasi talaga akong narinig. Nakakahiya naman sa kanya. Baka mamaya nagtatapat na pala sya sakin tapos di ko manlang narinig.

Waaaaahh sayang naman.

Ano nga bang sinasabi nya?

Kainis naman bakit kasi lumilipad isip ko.

So close, but still so farTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon