KABANATA DALAWA: PEN RECORDER

33 9 0
                                    

KABANATA DALAWA: PEN RECORDER

Kira's POV:

Kasalukuyan kaming nasa classroom na, at heto patuloy nila akong inaasar.

" Tss ewan ko sa inyong dalawa mag sama nga kayo!." Naiinis na kase ako, pero patuloy parin sila sa pang aasar. Kanina pa ako gigil na gigil talagang, pinag tutulungan nila ako. Kasalanan ko ba na pen recorder pala iyon, tsk! E sa ngayon lang ako nakakita ng ganoon E. Kaya naman hindi ko alam ang gamit nun.

" Oh ayan asar na asar na naman ang prinsesa, pikon to palagi." Pang aasar patin ni Kris sa akin, inirapan ko lang naman ito.

Inis kong hinablot iyong recorder kay King at agad na ibinalibag iyon.

" WHAT THE FUCK! bakit mo hinagis?!." Inis na sigaw ni King sa akin. Mga buwisit kase E, dahil doon pinapahiya nila ako ng husto.

" Kasalanan nyo na yan!."

" Bakit mo nga inihagis?, hindi mo ba alam na mahal yan ha?!." Pag uulit ni King sa tanong niya sa akin, tinignan ko ito ng masama.

" Wag mo kong sinisigawan, kanina nyo pa ako pinag tutulungan. Kung yan ang inihihimutok mo, papalitan ko ng triple pa!."

" Tsk! Hindi mo ba alam na importante sa akin ang recorder na yan?!, ha?!."

May naalala akong bigla sa tanong nito sa akin, napa takip ako sa bibig ko gamit ang dalawang kamay ko. Naalala kong importante sa kanya ang isang bagay lalo na kapag sa kanya ito.

" Ang recorder na yan, hindi mo ba alam na yan na lang ang nag iisang alaala ni Dad sa akin?, yan ang unang regalong ibinigay niya sa akin bago pa siya mawala!." Kita ko mula sa mga mata ni King ang galit at inis sa nagawa ko, hindi ko alam na kanya ang recorder na iyon. Inakala kong kay Kris iyon, bakit ba nawala sa isip ko na baka hindi kay Kris iyon. Urgh!.

" S-sorry." Naisambit ko na lang at pigil ang luhang iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

" Hayzst! Buwisit!." Inis na napahilamos nito ang dalawang kamay niya sa mukha, at agad na tinungo kung nasaan ang pen recorder. Sinubukan niya itong pindutin, pero bigo ito na gumana pa iyon.

Kasalanan ko ito, bakit ba hindi ko pinigilan ang inis ko.  

 Sana ay ayus pa iyon, kasalanan ko ito. Hayzst!. Ngayon galit na siya sa akin, paano ba ang gagawin ko. Kahit palitan ko pa iyon ay hindi ko maibabalik ang ano mang naka record sa pen na iyon, pabagsak na kinalampag nito ang teacher's table na nasa harapan niya. Kaming tatlo lang naman ang nandito kaya naman, okay lang kung mag sigawan kami.

Nakita kong galit na galit na talaga ito sa ginawa ko, ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito. Halos hindi ko na makontrol ang sarili kong wag humagulhol ng iyak.

" Brad tama na, wala na tayong magagawa kung nasira na."

" Shhh Kira wag ka ng umiyak, pag pasensyahan mo na siya." Dugtong pa niya. Hindi ko mapigilan ang wag umiyak, lalo na't alam kong galit na galit siya sa akin. Inalo naman ako ng inalo ni Kris para pakalmahin, at patigilin sa pag iyak.

" K-king sorry." Naisambit ko na lang at tuluyang tumakbo paalis, bakit ba ang tanga tanga ko. Ngayon galit na siya sa akin, kasalanan ko to kung sana hindi ko ginawa iyon sana hindi ko mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bago ako tuluyang umalis narinig ko pa ang huling sinabi nito.

" Hindi mo alam na sa ginawa mong iyon, galit na galit na ako sayo ngayon." Lalo akong naging mas emosyonal, dahil lang sa bagay na iyon ay nagagalit na siya sa akin.

MY NAME IS 'DEATH'  (ON GOING)Where stories live. Discover now