KABANATA TATLO: WHAT'S BOTHERING YOU

28 9 0
                                    

KABANATA TATLO: WHAT'S BOTHERING YOU.

Kris's POV:

Nanatiling naka upo ako sa isa sa mga bench dito sa, campus lane. Kung saan naka tulalang naka tingin sa mga students na nag lalakad mula sa harapan ko, hindi parin ako maka wala sa kung ano man ang bumabagabag sa isipan ko. Sino ang taong pwedeng gumawa ng bagay na iyon sa pinsan kong si Mindy, hindi ko maisip kung bakit kailangang ganoon kabrutal ang pag patay sa kanya.

Naramdaman kong may umupo mula sa kanang bahagi ko, hindi na naman ako nag abala pang tignan kung sino siya. Dahil binabagabag parin ako ng kung anu-ano sa iaipan ko, hindi ko masagot ang tanong na nabubuo sa isipan ko. Si Mindy at kaisa isang pinsan ko, ang taong itinuring kong bunsong kapatid.

" What's bothering you?, spill it. Baka may maitutulong ako. Kanina ka pa kaseng balisa sa room at halos hindi mapakali." May pag aalalang tanong nito, napansin pala niya ang naging mga galaw ko kanina. Hindi ko na kase alam ang gagawin ko, parang sasabog na ang ulo ko dahil sa kakaisip.

" It's nothing." Pag papangap ko, kahit na ang totoo ay gusto kong ilabas ang sama ng loob na kanina pa naiipon sa dibdib ko. Ano bang kasalanan ng pinsan ko sa taong gumawa noon sa kanya, naguguluhan na ako.

" Alam kung meron kris, hindi ako weak para hindi maramdamang may bumabagabag sayo."

" Just tell." Pamimilit nito, kita ko sa mukha nito ang labis na pag aalala. Sa huli ay hindi ko na napigilan ang sarili kong emosyon, naramdaman ko na lang ang mabilis na pag tulo ng likidong lumalabas sa mga mata ko. Hindi ko na iniisip na may mga nakakakita sa akin, habang umiiyak. Nakakabaklang isipin na halos humagulhol na ako, naramdaman kong hinimas nito ang bandang likuran ko.

" Ngayon sige iiyak mo lang, then kapag ready kana. You can open up with me, para naman alam ko ang dahilan." Kalmadong sambit nito, kahit pa pilitin niyang wag madala sa pag iyak ko ay alam kung naaawa na rin ito sa akin. Iniisip ko kung dapat bang ipaalam ko pa ito sa kanila o hindi na. Naguguluhan ako ng husto sa dami ng tumatakbo sa isipan ko, ang sakit sakit sobrang sakit.

" Si M-mandy kira.." Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoong bumabagabag sa akin, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kaisa isang kamag anak ko na lang si Mandy, ang sakit sakit na bakit kailangang mangyari to. Halos manlumo ako ng makita ko ang bangkay niya na naka lubog sa bathtub, hindi ko rin matanggap na halos wala ng ebidensya ang makukuha sa crime scene.

" Oh anong meron kay Mandy?." Tanong nito sa akin. Nangatog ang buong katawan ko, dahil sa nag sink in sa akin ang itsura ni Mandy. Wala itong saplot, habang naka lubog sa Asidong naging dahilan ng pag ka lapnos ng buong katawan niya at upang maging dahilan ng pag ka matay niya.

" W-wala na siya Kira,wala na s-si M-mandy."

" Naguguluhan ako kris, saan pumunta si Mandy?." Naguguluhang tanong nito sa akin, hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan. Ayokong pati sila ay problemahin ang ano mang problema ko ngayon.

" Sabihin mo saan siya pumunta?." Tanong pang muli nito sa akin, halos mangatog ang buong katawan ko.

" P-patay na siya Kira... Patay na s-si M-mandy, iniwan na n-niya tayo." Naka tulalang sambit ko sa kawalan, narinig kong humihikbi na si Kira at humagulhol. Dahilan para mapatingin ako sa kanya, alam kong importante sa kanya si Mandy dahil itinuring na niya itong kapatid. Alam kong masasaktan ito ng husto sa ibinalita ko, pero mas pinili kong sabihin na lang.

" S-sabihin mong nag b-biro ka lang, sabihin mong h-hindi totoo yang s-sinasabi mo!." Galit na galit na sambit nito, hindi ko magagawang gawing biro ang lahat ng sinabi ko. Alam kung iniisip niya na nag bibiro lang ako, dahil iyon ang pag kakakilala nila sa akin. Pinag hahampas niya ako, tinanggap ko lang naman iyon lahat. Dahil halos manhid na rin naman ang buo kong katawan, hindi ko na kayang isipin pa ang lahat. Ni hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng ano mang pwedeng ebidensya, guato kong bigyan ng hustisya ang pagka matay ni Mandy pero heto wala akong magawa.

" T-totoo Kira wala na si Mandy, WALA NA SIYA. INIWAN NA NIYA TAYO!, INIWAN NA NIYA AKO." Hindi ko sinasadyang sigawan siya, dahil sa hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Naramdaman kong napahinto ito sa pang hahampas sa akin, at agad na humagulhol. Mas masakit na makita itong umiiyak, lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang nakikita itong nahihirapan, alam kung mas importante sa kanya si Mandy. Kaya ito nasasaktan.

" Walang nakitang ebidensya ang mga pulis, dahil nga sa ang lahat ng ginamit ng suspek ay inilagay niya lahat sa mismong tabi ni Mandy. Dahilan para matunaw din iyin, wala akong nakikitang ano mang dahilan para patayin siya at halayin."

" Hindi ko na alam kung makakakita pa ba ako ng hustisya para sa kanya, waoa akong nagawa para lang sagipin siya. Kasalanan ko ang lahat, kung sana sinamahan ko siya sa light house kahit na isang gabi lang. KASALANAN KO TONG LAHAT!! NAPAKA WALANG KWENTA KONG PINSAN!." Galit na galit na dugtong ko pa. Galit na galit ako sa sarili ko, ni hindi ko siya nagawang sagipin kasalanan ko itong lahat. Kasalanan ko. Sana ako na lang iyong namatay hindi na lang siya.

" NAPAKA HAYOP NG GUMAWA NOON SA KANYA, HAYOP SIYA. SISIGURADUHIN KONG MAG BABAYAD SIYA!." Sisiguraduhin kong mahahanap ko siya, hindi ako papayag na mabubuhay siya matapos ng ginawa niya sa pinsan ko. Handa akong pumatay para lang maipaghiganti ang kaisa isang pinsan ko. Gagawin ko ang lahat mandy maipag hinganti lang kita, at makamit ang hustisya para sayo. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha iyon para sayo.

" Ipag hihiganti kita mandy, mag hihiganti ako." Bulong na sambit ko, at malakas na sinuntok ang bakal ng bench na kinauupuan namin.

MY NAME IS 'DEATH'  (ON GOING)Where stories live. Discover now