KABANATA ISA: MY NAME IS 'DEATH'

67 9 0
                                    

KABANATA ISA: START

King's POV:

Ano ba namang klaseng araw to, halos puro napaka walang kwenta ang mga nangyayari sa akin. Kanina ay kamuntikan na akong halikan noong babaeng panget na patay na patay daw sa akin, tapos kamuntikan pa akong maitulak sa imbornal. Pesteng mga babae.

Ngayon ay nag lalakad ako patungo sa room, hindi na naman ako naninibago pa sa mga students dito sa ROSEWELL UNIVERSITY na panay ang tilian sa tuwing dumaraan ako sa campus court. Napansin ko naman sa di kalayuan sina Kira at Kris and yes kaming tatlo ay parehong " K " ang first name, since we're born in this world ay napag kasunduan ng mga parents namin na puro "K" ang first letter bilang tanda ng pag kakaibigan nila. Tsk! Mga kabaliwan nga naman.

" KING!!!! " Sigaw nilang dalawa mula sa malayo, nasanay na ako sa kanila dahil na rin lumaki nga akong sila ang kasama. Since iyong maid ko na lang din ang kasama ko, ulila na rin kase ako dahil maagang namatay ang mga magulang ko. 11 years old ako ng mawala ang mga ito.

" Tsk! "

" Kanina kapa namin hinahanap ah?, saan ka ba nag s-soot?." Medyo inis na tanong ni Kira sa akin.

Anyway I'm King Scalter, only child, 20 years of age, Taking course of Business management. Gwapo, matalino, matangkad, at mayaman. Campus King ng R.U, wala e likas na gwapo lang talaga ako.

" Tsk! Nag punta lang ako sa garden, wag kang praning Kira." Sambit ko dito tyaka ito nilapitan at inakbayan.

Sumimangot naman ito, the way na ginagawa niya yan lalo na ang mag pout. Hindi ko maiwasang wag itong asarin at kurutin sa pisngi. Siya nga pala si Kira Mauris, gaya ko ay ulila na rin sa ama't ina actually kaming tatlo ay ulilang lubos na. Si kira ay 20 years old, maganda, sexy, maputi, matalino, lahat ay nasa kanya na, ito naman ang campus Queen sa university. Partner kuno ko daw tsk! Kalog ang isang yan at napaka daldal.

" Sus tampo agad, halikan kita dyan E." Pabirong sambit ko na astang hahalikan na ito.

" Yuck! Pwede ba King, tantanan mo nga ako! Kadiri to!."  

  " Ha Ha Ha sige wag nyo kong pansinin." Patampong saad ni Kris, kanina pa kaseng si Kira ang kausap ko. At ito naman ay nanatiling nakatingin lang sa amin.

" Ano?! Wag mo sabihing gusto mo din na mahalikan?." Natatawang tanong ko sa kanya.

" Wag na oy! hindi tayo talo brad, kadiri to." Mabilis na sagot nito, ha ha halatang hindi ito papayag sa sinambit ko. Siya naman si Kris Wesley Gaya nga ng sabi ko, only child kami at ulilang lubos na. Kaya namin ay business ang kinuha namin, dahil na rin sa kami ang mag mamana ng RISTERLEY COMPANY. gwapo din naman ang isang yan pero mas gwapo nga lang ako, siya lang naman ang campus heartthrob ng university, matalino, mahusay sa larangan ng sports, marunong kumanta. At chick boy, mas malandi pa sa babae ang isang yan.

" Ha Ha Ha tara na nga kain tayo bigla akong nagutom." Pang-aaya ko na lang, tampo parin naman si Kira sa akin. Sus isa lang naman gusto nito Ice cream, iyon ang ibigay mo kapag nag tatampo siya. Pusta mag niningning ang mata niyan, adik sa Ice cream ang babae na yan.

" Wag kana mag tampo hindi bagay, ang panget mo tuloy." Ngisi ngising pang aasar ko.

" Siraulo ka talaga!." Pikon na sigaw niya sa akin at agad na hinampas ako sa braso. Niyakap ko na lang ito, at inakbayan ng tumigil na ay sinabi ko na ang magic word.

" Tsk! Tantanan mo yan pang hahampas mo, sige ka hindi kita ililibre ng Ice Cream."

" Talaga ililibre mo ko? d*.*b." Biglang ngiting-ngiting tanong nito, habang nag niningning ang mga mata nito.

MY NAME IS 'DEATH'  (ON GOING)Where stories live. Discover now