Chapter 1 <3

712 13 0
                                    

"I wish you were my mom, Doctora Misha." nakayakap na sabi ng walong taong gulang na pasyenteng si Josephine.

Limang taong gulang palang ito ay pasyente na ni Misha. Nasubaybayan niya ang paglaki ng bata. Hindi naman sakitin si Josephine pero dahil anak ng isang pinakamakapangyarihang tao sa mundo , quarterly ay pinapa-check up ito ng ito ng magulang. Ang mayayamang bata na kagaya ni Josephine ay alagang-alaga ng pamilya.

Ibinalik ni Misha an yakap ng bata. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Hindi naman kasi miminsan na nakarinig siya ng ganoong papuri. Ilang taon na siyang pediatrician. Marami siyang pasyenteng dahil mabait daw siya. Madalas na kinagigiliwan si Misha ng mga bataa. Ganoon din naman siya sa mga ito kaya nga iyon ang pinili niyang specialization.

"Thank you for that, Josephine. I would love to have you as a daughter,too. Pero alam naman natin na hindi pwedeng mangyari yon."

The Pregnant Wife (From Novel)-Not MineWhere stories live. Discover now